Chapter 60: Bakit ang sakit?

156 0 0
                                    

Vince Quizon:

Nabigla ako nung sinugod ni Mico dito sa party ng kuya ko si Nick. Talagang galit na galit siya... Kitang kita namin sa mata niya yung galit na parang papatayin niya si Nick.

Magulo pa rin yung sitwasyon. Pagkaalis ni Mico sumunod na rin si Nick. Lasing na lasing siya kaya pinahatid ko sa driver namin. Bukas ko na lang papakuha sa kanya yung sasakyan niya.

Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa dalawa. Bago pa man kami umalis sa school, parang hindi na sila mapaghihiwalay na dalawa. Tapos nagulat na lang kami nung pinagkakalat ni Nick na wala na daw sila. Buong gabi siya na nandun sa may bar area at nag-iinom. Hindi man lang nilagyan ng pagkain yung sikmura niya.

Dinial ko number ni Dara para itanong... si Sam naman kasi umalis na at sinundan yata si Mico kaya sigurado akong makikibalita rin yun.

"He-llo?" nanginginig niyang sinagot yung phone... ano bang nangyayari??

"Dara! Sumugod dito si Mico at galit na galit kay Nick. Ano ba kasi nangyari?" narinig ko pa ang pagsinga niya at paghinga ng malalim

"Dara?? Nandiya ka ba?" natagalan kasi yung pagsagot niya

"Oo... pasensya ka na ah... super bigat lang ng nangyayari ngayon. Nag-away kasi yata yung dalawa kanina. hindi ko pa rin alam yung pangyayari... wala pa rin kasing malay si Kaith hanggang ngayon." speaking of Kaith.. ano ba nangyari sa kanya

"Ano bang nangyari kay Kaith?? Yu laging sinasabi ni Mico nung pumunta siya dito eh..." narinig ko na naman yung pag-iyak niya... may nasabi ba ako??

"Dara? Sorry... may nasabi ba ako?" nag-aalala kong tinanong sa kanya

"Si Kaith?? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Nakapangako na kasi akong walang pagsasabihan eh.... pero Vince..." umiyak na naman siya.

"Hindi ko alam kung okay si Kaith ngayon..." tapos nun umiyak lang siya ng umiyak... gusto ko siya puntahan para sana i-comfort kaso hindi ko naman alam kung saan. Parang dahil sa away ng dalawa, damay kaming mga kaibigan nila. Ito na yata pinakamalalang pag-aaway nung dalawa.

==============================================================================

Nick Alvarez:

Nagising na lang ako na nasa kwarto na at sobrang sakit ng ulo ko... Wala akong matandaan tungkol sa nangyari sa party ni Vince. Ang natatandaan ko lang pumunta lang ako dun tapos uminom na...  alas tres pa lang ng umaga pero di na ako makatulog... matindi hang-over ko, pero di na ako dalawin ng antok... ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kung tutuusin dapat okay ako ngayon kasi ako naman talaga dahilan kung bakit nagkahiwalay kami eh. Pero bakit ang sakit? San ba ako nasasaktan?? Sa pagkakahiwalay namin o sa pananakit niya kay Sandz? Hindi ko na alam... gulong-gulo ako...

Nandito ako sa kwarto ko... pinagmamasdan yung jar na niregalo sa akin ni Kaith nung birthday ko.

"Pero promise mo na you'll only open this if you're alone"

Kinuha ko yung jar at binuksan ko ito. Kumuha ako ng isang piraso at tinanggal ko sa pagkakatupi ito...

You made me fell in love when you first ask me to try streetfoods

nagbukas ulit ako ng isa pa...

 You're my first kiss and hopefully my last :)

You're the first guy who loved me.

You're a type of guy that every girl could wish for

No one and nothing cannot tear us apart even fate.

I'm the luckiest girl on Earth because I have you <3

You're the only one that matters now; I don't wanna let this moment go

Habang binabasa ko isa-isa yung mga nilagay niyang notes dun, hindi ko napigilang umiyak na naman. Sht! Siya lang yung tanging babae pinapaiyak ako ng ganito. Kay Sandz, never ko itong ginawa. bakti sa kanya iba ang impact?! Leshe naman!

Mali ba ako? Mali ba akong magalit sa kanya? Mali ba ako sa ginawa ko kanina? Kitang kita naman sa video na mali ginawa niya diba? Pero bakit parang di ko kayang tanggapin? Bakit nagi-guilty ako? Bakit?

Binuksan ko yung account ko sa facebook para pampalipas.. sana mawala itong nararamdaman kong bigat.

Sa newsfeed pa lang topic na agad si Kaith... sandamakmak na rin ng notifications messages at friend request yung account ko. Nagfocus muna ako sa forum regarding SMU bago ko tiningnan yung notifications at messages ko.

Puro Kaith yata laman nito ngayon...

I saw Kaith Torres kanina sa school crying... what happened?

Post ng isa sa forum. Meron itong 1,078 comments... viniew ko yun para mabasa... puro conversation ng mga estudyante kaya dumami ng ganun yung comments... Ito yung isa sa mga nabasa ko...

May rumor yata about sa KaiNi loveteam seen daw sa may corridor arguing. Ewan ko kung true.

I think sa video?

Not true! I saw the video. It seems na hindi naman talaga gustong saktan ni idol yung girl dun eh. Kung mananakit ka ba ng tao kailangan mo pang lapitan at offeran ng panyo para punasan yung luha niya??? The eff... kung sino man nagpakalat niyang vid, DIE!!

Nakakuha ng atensyon ko yung comment na ito... totoo ba ito? tinuloy ko pa rin yung pag-scroll hanggang sa mabasa ko na yung last comment...

Si Kaith my love ko! Totoo bang nasa ospital ngayon? May nakakitang buhat siya nung kaibigan niya, Miro yata name? Basta kung sino man siya... totoo ba? ANSWER ME!

Parang dinurog yung puso ko nung nabasa ko ito... sana hindi totoo...  bakit naman siya maoospital diba? Hindi ako magpapadala sa chismis... imposibleng dahil sa pag-aaway namin maospital siya...

Nag-log out na ako... di rin nakatulong yung fb... tiningnan ko phone ko...

56 missed calls at 24 messages...

buong miyembro yata ng barkada may tawag except kay Kaith... yung messages naman nakareceive ako galing kay Ken, Sandz, Sam, Dara, at Mico...

From Ken:

Bro, saw your gf knina s park crying. nyare?

From Sandz:

Nick! We need 2 talk. bout wat hppend. Txtbk asap

From Sam:

G*go ka! Nasan ka?!

From Dara:

Bkit mo ginwa s kaibigan nmin 2 nick. hndi k nmin mpptwad

From Mico:

Anong nangyari sa iniung dalwa? Kaith is crying 2 death!

inoff ko na lang rin yung phone ko... ayoko na muna makarinig ng tungkol kay Kaith ngayon..

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon