Kaith Torres:
"Bakit kasi mag-isa ka lang pumunta dun? ALam mo namang delikado, paano kung may mangyaring masama sayo? Paano kung natuklaw ka ng ahas, o kaya nakagat ng kung anong hayop dun? Paano kung sinumpong ka bigla ng sakit mo tpaos hindi ka namin nakita?" Sunod-sunod na panenermon sa akin ni Mico habang ginagamot niya yung sugat ko at binebendahan yung na-sprain kong paa.
"Mico, okay lang ako... natalisod lang ako dun sa malaking ugat ng puno na naka-usli kanina... kaya lang naman ako nandun kasi hindi ako makalakad dahil sa paa ko." sagot ko sa kanya
"Iyon na nga... nandun na ako... eh paano kung hindi ka namin nakita? Paano ka?"
"OUCH!! Dahan-dahan naman... it stings... kung galit ka, wag mo sa sugat ko ibuhos..." reklamo ko sa kanya habang binoblow ko yung part na medyo mahapdi
"Sorry na.. ikaw kasi eeh."
"Tama na nga sermon. Napagalitan na nga ako ni Miss Lopez, dadagdagan mo pa..." napa-iling lang siya
"Buti na lang nakita ka ni Nick.. kung hindi, baka kung ano na nangyari sayo... lahat pinag-alala mo."
"I said, tama na sermon diba?" nag-nod na lang siya.
"Nasaan nga pala siya?" tanong ko pretending walang meaning yung tanong
"Bakit? Miss mo?" pang-asar pa ng mokong
"Sira! I just want to thank him..."
"Mag-te-thank you ka nga lang ba??" minsan di ko na gets itong si Mico, dati ayaw na ayaw niyang maririnig yung pangalan ni Nick, tapos ngayon, siya pa nagpupush para siya ang gawing topic
"Mico, wag mo akong simulan..." pagbabanta ko...
"Bakit ba napaka-indenial niyong dalawa sa isa't-isa? Halata naman sa inyong nahihirapan kayong dalawa eh, bakit ayaw niyong bigyan ng isa pang chance yang relasyon niyo?" seryoso niyang sinabi
"Alam mo naman yung dahilan ko kung bakit diba?" malungkot kong sinagot sa kanya
"Ayaw mo bang bigyan ng chance yang sarili mong sumaya ulit? I think mas makakabuti sayo yun... sa inyong dalawa." napahinga ako ng malalim
"It will be unfair for him... ayokong mag-fade eventually yung happiness na yun... Nick will suffer, ayokong mangyari yun." seryoso kong sinagot sa kanya
"Ayoko lang kasing nakikita kayong ganyan... mas gusto ko pang nakikita kayong dalawa na magkasama, masaya kahit madalas nag-aaway kayo kasi nag-aasaran kayong dalawa... tapos ako ito, medyo kinukurot ng bahagya yung puso ko dahil naiinggit ako sa inyo... Alam mo yun? Basted ako eh..." umarte siyang umiiyak tapos hawak hawak yung dibdib niya... medyo napangiti naman ako sa ginawa niya...
"What's wrong with you? Ewan! Alis ka na nga... I want to rest." inalis ko na yung kamay niya tapos itinaboy ko siya parang aso. Oo na.. ako na mean, matapos niyang gamutin yung sugat ko ganun pa treatment na ginawa ko... siya kasi eh...
Pero I admit, malaki talaga utang na loob ko sa kanya...He always lighten up the mood kapag sobrang bigat at seryoso niya na... kaya nga nagi-guilty ako dahil nasaktan ko rin siya eh.... baka nga hanggang ngayon nasasaktan ko pa rin siya dahil mahal ko pa rin si Nick... Medyo assuming na kung assuming, pero nafi-feel mo naman siguro kung may gusto pa yung lalaki sayo o wala na diba?
Mico Gomez:
Itong babaing talagang ito... Wala man lang utang na loob. Lumabas na ako ng tent para makapagpahinga na rin siya... Nagulat ako nung nakita ko si Nick na nasa may tabi ng tent at nakaupo dun sa mahabang sanga ng puno... tinapik ko siya tapos tumabi ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...