Chapter 11: "Napano yan?"

399 4 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )

CHAPTER 11

Maaga akong hinatid ni kuya sa school. If you’re asking what happened sa poor little finger ko, heto, ok naman siya… medyo nag-alala nga si tita tungkol sa nangyari buti na lang medyo nahimasmasan niya sa pagiging hesterical kagabi. Pero despite sa mga nangyari kahapon, di pa rin maalis ung tungkol sa nalaman ko kay Mico. Di pa rin ganun kasapat yung mga proofs ko para patunayan sa sarili ko na si Koko at Mico ay iisa.

“Aga mo ngayon ah…” salubong sa akin ni Dara. Habang ako papalapit sa desk niya at doon naupo.

“Nagbabagong buhay na ako eh.” Natawa siya sa sinabi ko.

Di nagtagal dumating na si Mokong… napatingin siya muna sa akin bago niya nilagay yung gamit niya sa desk niya. tapos bigla siyang lumapit sa akin at kinuha yung kamay ko.

“Ok na ba sugat mo?” nagulat ako sa ginawa niya.

“Oo, ok na ako… wag ka na makonsensya.”bigla ko naman binawi kamay ko at nag-smile na lang sa kanya.

“Di ako nakokonsensya, nag-aalala lang ako sa mga nasayang na bandage na nagamit mo jan sa sugat mo!” napailing ako at siya naman bumalik na sa upuan niya.

“Tss, kunwari pa ito.” Natawa na lang ako. Ito namang si Dara parang ewan panay ang action na ‘kinikilig siya’. Napailing na lang ako…

Di nagtagal dumating na ung mga iba pa naming kaklase… pati sila Mico at Sab… nagstart na rin kami magklase, yung literature class naming ang nauna ngayong araw since once a week lang naman ang HE subject namin. Si Nick himala yata, tahimik buong Lit class, di kumikibo, mukhang nasira sa mood dahil sa ginawa ko sa kanya. hay… kasalanan ko pa ngayon? Ano bay an! Siya na nga ang dahilan ng pagkakasugat ko siya pa nakuhang nagalit ngayon? Hay, buhay nga naman.

Di nagtagal lumipas rin ang oras, at heto ngayon, break na…

Habang nilalagay ko yung gamit ko sa bag ko nilapitan ako ni Mico…

“Sabay na tayo kumain?” nagulat ako sa tanong niya, eh first time niya ba naman akong alukin eh.

“Ha? Di ba kayo sabay ni Bru—este ni Sab?” buti na lang napigilan ko sarili ko, hay… di dapat maalis sa isip kong girlfriend niya yung babaeng un!

“Eh nauna na umalis eh, di kami ok ngayon eh…” ano? Nagkakalabuan sila ngayon? Tama yan para maghiwalay na sila, pwede bang tanungin na ‘bakit ba di na lang kayo maghiwalay para ako na ang papalit sa kanya?’ hehe! Ang sama ko.

“Ah ganun ba? Sige, ok lang rin naman… hehe! Para marami tayo” nagsmile na lang ako sa kanya.

“Oi friend, di muna kami makakasabay kumain sayo ah… pinapapunta kasi kami ni Ms. Lopez sa office eh, mauna ka na lang, sunod na lang kami ni Dara.” Hah? Hay naku, bakit ganun? Meaning kakain lang ako… at si Mico magkasama? OMG!

“Sige, alis na kami, kita na lang tayo girl!” lumapit si dara sa may tenga ko and she whispered, “pagkakataon mo na yan, enjoy your chance.” Tapos tumawa siya at nag-wink. Hay napailing na lang ako sa dalawa… baliw talaga itong si Dara.

“So, mukhang tayong dalawa lang ang magsasabay kumain.” Nag-smile siya tapos ako tumango na parang shy type… hehe, pakipot?! Kainis…

“Let’s go?” tumango ako tapos bumaba na kaming dalawa.

Ang saya naming nag-usap sa cafeteria, nagkwentuhan kami ng mga nakakatawang bagay na nangyari sa amin, yung mga bagay na NAKAKAHIYANG nangyari sa amin. Eh since pareho naman kaming may ganung experience, tinawanan na lang naming dalawa. Pero may isang di ako makakalimutan nangyari nagyon, nakakahiya man pero unforgettable para sa akin na tinanggalan niya ako ng dumi sa may mukha, haha! Finally nahawakan ni Mico Gomez yung mukha ko. Geez! Kilig! Haha!

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon