(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! Btw, sorry nga pala kung super crowded pagdating dito ah... ung tipong siksikan mga words, haha! Sa word kasi ako nagta-type and di ako mahilig sa maraming spaces, kasi i am used na matipid sa paggamit ng pages eh... hahah! please forgive me... hehe! )
Matagal rin ako tumambay sa isawan… sinagad ko na ang pag-cut sa klase. Wala rin namang kwenta eh. Nandito na ako ngayon sa cafeteria… break time na eh. So nandito ang barkada. Ayoko naman mag-emo habang buhay eh…
“Bro, san ka ba galing? Di ka na bumalik kanina ah.” Tanong sa akin ni Marco.
“Tumambay pre. Walastik ung sub na teacher eh.” Sagot ko bago ko kinuha yung inumin ko.
“Ayown naman pala eh. Akala ko na-flush ka na ng tuluyan” nagtawanan sila. Di na lang ako kumibo.
“Loko! Boring kasi eh, nakakaantok!” tumingin sila sa akin ng parang may pinahihiwatig.
“Ows? Boring kasi wala si Kaith? grabe ka talaga kapag inlove noh? Tagos hanggang buto!” gatong pa nitong si Sam.
“Kausap ko lang siya kanina dude!” binigyan ko sila ng “ano ngayon” look.
“Wow! Naman… teka nga, nabanggit ni Kaith sa akin na mag-audition ka raw? Audition san?” Alam mo Mico? Kelan sinabi?
“Kelan niya sinabi sayo Mics?” nagtatakang tanong ko.
“Kanina lang. Nag-text siya sa akin.” Nanlaki mata ko.
“Tinext ka niya?” ako nga di niya ako tinetext… tapos siya??? Huwaw!
*Calling Bebz my <3*
Di ko napigilang di ngumiti ah…
“Bakit Nick? Si Kaith ba yan?? Pakausap kami!” inaagaw ni Dara yung cp ko pero pilit kong tinataas…
“Oo, pero sandali lang. ako muna kakausap sa kanya okay?” tapos tumigil siya. Pinindot ko na ang answer botton sa cellphone ko at sinagot ito.
“Bebz! Bakit ngayon ka lang tumawag?” napatingin ako kala Sam… mukhang kinikilig pa yata ang dalawang ito.
“Sorry. Ngayon lang natapos ang activity eh. Kamusta? Ano na ginagawa niyo?”
“Kasama ko sila Mico. Nasa cafeteria kami ngayon eh.”
“Aaahh… ahm, Nick, baka mamaya di kita matawagan ah. Lecture na kasi mamaya, kaya baka di ako makakuha ng time para makausap ka. Sorry.” Naging malungkot ang boses niya.
“It’s okay. Nakausap naman kita ngayon eh.” Naka-smile kong sinabi.
“Pakausap naman kala Sam please??” kainis naman ito. Hay… no choice, binigay ko na yung phone.
“Kausapin raw kayo.” Cold kong sinabi.
“Kaith! kamusta?” masaya niyang kinausap yung girlfriend ko. sige na, kayo na ang mag-usap!
“Hah? Oo nga… narinig ko nga… ano? Sure! Basta ikaw… kami na bahala… oh? Talaga?? Sige!” huwaw! Ano naman kaya napagusapan ng mga ito?
“Teka… kausapin ka ni Dara.” Binigay ni Sam yung phone kay Dara.
“FRIEND! Pasalubong ah! Hahah! Oh talaga? Gusto ko tuloy pumunta jan! haha! Ha?? Okay. Basta ikaw! Sige sige! Ingat diyan ah! I love you friend!” tumingin sa akin si Dara tapos inabot yung phone.
“Ito na… hiniram lang sandali ang labidabi mo kumunot na naman yang noo mo!” kumunot ba noo ko???
“Hello?” sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Novela JuvenilSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...