Chapter 72: Is it a Goodbye?

116 1 0
                                    

Mico Gomez:

*Riiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnggggg*

Sino kaya itong tumatawag? Hindi nakaregister sa akin yung number kaya hindi ko kilala kung sino...

"Hello?" sagot ko

"Mico..." 

"Kaith? Ikaw ba yan?" kaboses niya kasi eh

"Yeah... This is Kaith." bakit kaya napatawag ito...

"Bakit napatawag ka? May problema ba?" narinig ko yung paghinga niya sa kabilang linya

"Wala naman... Gusto ko lang magpaalam." paalam? Labo,

"Tungkol san?" tanong ko.

"Mico, I'll be going back to America and it's for good" nabigla ako sa narinig,.. ano?

"What? Aalis ka? Pero bakit?" halatang malungkot siya ngayon. halata naman sa boses niya eh.

"Mas maganda na siguro ito. Ayoko na rin kasi manggulo. Please... please look after him for me." Si Nick na naman... obvious naman na para kay Nick itong ginagawa niyang ito eh. Baka hindi talaga naging maganda pag-uusap nila sa resort kahapon. Pero bakit kailangan niya na naman mag-give up para sa kanya? Hindi ba pwedeng si Nick naman?

"Kaith... you don't have to do this. Baka naman maayos niyo pa ito. I'm sure hindi naman magtatagal yung sama ng loob nun eh. Maiintindihan ka nun. Wag ka na umalis." sana effective. Ayoko talagang umalis siya ulit. Mas gusto ko pang makita siyang kasama yung taong mahal niya kesa sa nasa malayo siya at hindi ko alam kung ano sitwasyon niya dun.

"Kung aalis ako... mas magiging maayos ang lahat. Ayoko na magulo pa buhay niya dahil sa akin." 

"Kelan alis mo?" malungkot kong tinanong... alam ko namang hindi ko na siya mapipigilan eh... Sino ba ako? 

"Today..." nanlaki mata ko...

"Ngayon na?? Bakit ang bilis. Kaith, paano si Nick?"

"He'll be fine. It's for his own good. Ayoko na rin masaktan pa siya. So please, look after him ah. Sige na Mico, I have to go. Baka kasi matraffic kami going sa airport. Be good okay? Regards mo na lang ako kela Marco. Thank you for everything Mico. I really owe you a lot." 

"Kaith... di ba natin pwedeng pag-usap--" naputol yung sasabihin ko dahil narinig ko nang nag-busy yung linya... 

ShT! Kailangan kong sabihan si Nick. Ayoko naman magsisisi sa huli dahil wala akong ginawa para magkaayos yung dalawa diba? Kung wala man kahinatnan ito, at least nagawa ko na yung makakaya ko para sa dalawa...

Dinial ko na yung number ng opisina niya... Alam kong hindi niya sasagutin kapag sa number niya ako tumawag...

"A-E-T Corp. How may I help you?"

"Can I speak to Mr. Nick Alvarez? This is Mico Gomez, his cousin. I really need to talk to him, it's an urgent matter so please I really need to talk to him."

"Sir Mico, medyo bad mood po kasi si Sir Nick eh... baka po hin-" pinutol ko na sasabihin niya dahil ayokong magsayang ng oras

"I DON'T CARE! JUST GIVE HIM THE PHONE!!" sigaw ko

"Y-yes sir... for awhile"

"Sir, phone call po galing kay Sir Mico. Urgent daw po" Narinig kong nagsalita yung secretary niya

"Tell him I'm busy and I don't have time to talk to him." anak ng! 

"Sir, pinapasabi po niya na--" pinutol ko ulit sasabihin niya

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon