Chapter 59: She's in danger

150 0 0
                                    

Mico Gomez:

"Honestly, she's in danger. Lumabas kasi sa test na she has a heart condition and because of this attack, lalong lumala yung kalagayan niya."

Heart condition??

Nung narinig ko yung tungkol sa kundisyon ni Kaith parang binagsakan ako ng sampung 10 wheeler truck at malalaking bato mula sa outer space... Sobrang nanlulumo ako ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin...

Kasalanan lahat ito ni Nick eh! Hindi niya dapat sinaktan ng ganun si Kaith... Alam ko sa sarili ko at sa pagkakakilala ko kay Kaith na hindi niya magagawa yung mga ibinibintang sa kanya. Bata pa alng kami kilala ko na siya at never niyang manakit ng kapwa kahit sobrang pananakit na ang ginagawa niya. I CAN'T BELIEVE NA SI NICK PA ANG NANGUNA PARA PANIWALAAN YUN! Grabe lang!

Ngayon ano nangyari?? Nang dahil sa kanya pwedeng mamatay si Kaith. Pwede ako iwan ng kaisa-isang taong minahal ko! Matatanggap ko pa na hindi kami para sa isa't-isa... na hindi niya ako makukuhang mahalin pero nakikita at nakakausap ko siya, pero ibang usapan na kung tuluyan siyang mawawala sa akin. Hindi ko kakayanin yun.

Tinawagan ko si tita Nathalie para ikumpirma kung siya nga yung humahawak kay Kaith...

"Hello  Mico? Napatawag ka?" 

"Tita, may itatanong lang po ako..." nanghihina kong sinabi

"Bakit? May problema ba?" nahalata niya yung nararamdaman ko dahil sa boses ko

"May kilala po ba kayong Kaith? Kaitherine Torres?" kung ano man malalaman ko ngayong gabi, kailangan kong lakasan ang loob ko...

"Si Kaitherine?  Yeah. She's my patient. Bakit? You knew her?" patient? so it's true.

"Tita, can you tell me kung ano sakit niya?" narinig kong napahinga siya ng malalim bago nagsalita uli.

"I can't give you the information about her... alam mo naman yung policy about sa mga ganun diba?"

"Please tita... I need to know. She's my friend and it hurts me na malaman ko kung anong tunay niyang kalagayan. Tita, she's in danger now. I really don't know what to do if... if I lose her. Please tell me... please..."

"Haaay... She has acute dilatory atrium cardiomyopathy Mico. It is a rare case in the heart and even surgery can't be of help." sa narinig ko nanghina bigla ang mga tuhod ko at napasandal sa may gilid ng kotse ko at dun na tumulo nang tumulo ang mga luha ko....

"Tita... wala... na... ba... talagang... pwedeng... gamot?" paputol-putol kong nasabi sa kanya...

"Still on study pa siya Mico. The only thing that I can give her is some medicine to lessen the symptoms pero wala pa talagang gamot para dun."

"Tita... please pagalingin mo naman siya oh. nakikiusap ako sayo. Please come to her. She's in the hospital... she needs you. Mas may tiwala ako sayo kesa sa mga doctors na nandun... please tita, puntahan mo siya... iligtas mo siya." iyak na lang ako ng iyak na parang bata... sobrang apektado ako ngayon sa kalagayan niya.

Kasalanan lahat ito ni Nick eh! Siya talaga ang dahilan kung bakit masama ang lagay ngayon ni Kaith! Galit na galit ako sa kanya

"Mic-" may sasabihin pa sana siya kaso pinatay ko na phone ko...

Patawarin niya sana ako sa kung anong magagawa ko kay Nick dahil hindi ko mapapalampas ito!

Agad kong dinial yung number ni Vince...

"Hello? Nasa--" pinutol ko na sasabihin niya

"Nandiyan si Nick?" tanong ko sa kanya

"Oo.. ito nga sobrang sabog na sa kakainom..."

"Wag mo siya papaalisin hangga't wala ako." agad kong pinatay ulit yung cellphone ko at sumakay na sa sasakyan para makapunta na agad dun.

Pagdating ko agad kong hinanap yung taong kinamumuhian ko ngayon.

"Si Nick?! Iharap mo siya sa akin!" nanggagalaiti kong tinanong kay Marco.

"Teka pards... anong nangyari??" hindi ko na siya pinansin at nakita ko yung pakay ko na nasa may bar dun at umiinom... agad akong tumakbo para malapitan siya.

"HALIKA DITO!!" hinablot ko kwelyo ng damit niya at hinatak ko siya palayo para makatayo at harapin ako.

"Mico! Anong nangyayari dito? Chill lang pare" Hinawakan ako sa balikat ni Vince pero tinanggal ko ito

"Wag kayong makialam dito!" sigaw ko sa kanilang lahat. tapos binalik ko yung tingin kay Nick na lasing na lasing

"ANONG GINAWA MO KAY KAITH!!" nung narinig niya yung pangalan ni Kaith, napatingin siya sa akin... malungkot yung mga mukha niya na iniharap sa akin. Hawak hawak ko pa rin yung kwelyo niya habang yung isang kamay ko naka-akmang susuntok na sa kanya

"Wala na kami... Masaya ka na siguro. Pwede mo na siyang angkinin." hindi na ako nakapag-pigil at sinuntok ko na siya

"G*go ka!!! Wala kang kwenta!!! Pinagkatiwala ko siya sayo!" dahil sa suntok ko napasalampak siya sa sahig pero di pa rin ako nagpaawat. Hinablot ko ulit yung damit niya at susuntok ulit sana ng isa pa kaso napigilan ako nila Marco

"Pare! Ano bang problema ha? Wag kayong mag-away dito oh..." lahat ng tao pinagtitinginan kami... pero di ko napapansin yun dahil sa galit ko

"ITONG G*GONG ITO! SIYA DAHILAN KUNG BAKIT MASAMA LAGAY NI KATIH NGAYON!!!" sabi ko habang dinuduro-duro siya! Napatingin sa akin sila Vince, Marco, at si Nick... Mukhang natauhan... pinilit niyang tumayo kahit na hilo sa pagkalasing at putok yung labi dahil sa pagkakasuntok ko.

"Anong masama lagay ni Kaith??" Tanong sa akin ni Marco.

"Si Kaith.... she's... she's in danger" putol-putol kong sinabi

"Paanong she's in danger?" tanong ni Nick na parang walang maintindihan... muling bumalik yung inis ko!

"May gana ka pang tanungin sa akin yan matapos mong saktan yung tao?!"

"Siya rin may kasalanan!! Sinungaling siya!! Sinaktan niya si Sandz! Hindi ko siya mapapatawad!!" galit niya ring sinabi.

"Mas nakuha mo pa siyang paniwalaan kesa kay Kaith?? Anong klaseng tao ka??"hindi ako makapaniwalang isinantabi niya si Kaith para lang sa babaeng nanakit sa kanya noon.

"Ganyan rin yung sasabihin mo kapag napanuod mo yung video! Sasabihin mong tama ako!"

"Kahit kailan, hindi ako sasang-ayon sayo Nick. Alam ko sa sarili kong hindi magagawa ni Kaith yung binibintang mo. Kung mahal mo siya, hindi mo kailangan ng explanation niya dahil kung mahal mo siya paniniwalaan mo agad siya at hindi yung iba!" tinanggal ko yung pagkakayakap sa akin ni Marco para makaalis na...

"Sa oras na may mangyaring masama kay Kaith, KAKALIMUTAN KONG KADUGO KITA!  tandaan mo yan!" pahabol ko bago tuluyang umalis... 

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon