Chapter 32: Trust me, you can make it

319 1 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! Btw, sorry nga pala kung super crowded pagdating dito ah... ung tipong siksikan mga words, haha! Sa word kasi ako nagta-type and di ako mahilig sa maraming spaces, kasi i am used na matipid sa paggamit ng pages eh... hahah! please forgive me... hehe! )

Nick Alvarez:

Okay, di ako excited pumunta sa bahay nila Kaith ngayon. 9:00 ang pasok namin pero 7:00 pa lang nandito na ako. 

Ang tagal naman ng babaeng iyon... Nandito kasi ako sa may living room area nila, hinihintay siya...

"Ang aga mo naman yata?" napatingin ako sa nagsalita... Awts, si Tito pala, yung tatay ni Kaith, napatayo ako agad at iniabot ang kamay ko.

"Good morning po Tito." iniabot niya rin naman ang kamay niya at sinabing maupo ako kaya umupo ako.

"Nasa kwarto pa siya eh, baka nagbibihis pa lang. Baka mainip ka." nag-smile ako sa kanya.

"Okay lang po." nag-nod naman siya tapos naupo sa may tabi ko hinawakan niya isang balikat  ko.  Potek, pinagpapawisan ako ah, ang seryoso kasi ng mukha niya... Ano ba ito, interrogation part two?? 

"Alagaan mo anak ko ah. Wag mo siyang papaiyakin. Kapag narinig kong nasaktan mo siya, baka ipakain kita sa sampung gutom na gutom na buwaya!" tumawa siya ng malakas, ako naman napalunok. Aba, eh sino bang gugusthin ipampulutan ng buwaya, take note, SAMPU pa ah...

"Wag po kayong mag-alala Tito, seryoso po ako sa kanya. She's in good hands..." nag-smile ako sa kanya siya naman ngumiti rin at tumango.

"Aasahan ko yan. Lagi mo siyang babantayan... Mahina kasi siya eh. Baka mamaya bigla na lang siyang--" 

"Dad! Ah, s-si Tita po??"  naputol tuloy yung sasabihin ni Tito... Napatingin tuloy kaming dalawa sa kanya.

"Umalis na..." biglang siyang tumayo para siguro umalis na... Pero tumingin muna siya sa akin.

"Yung pinag-usapan natin ah." nag-nod ako sa kanya.

"In-interrogate mo na naman itong si Mokong!" nag-smile siya tapos naglakad papalapit sa amin.

"Haha! Oh siya sige aalis na ako. Sumunod na kayo pagkatapos niyo diyan para mag-breakfast, okay?" nag-smile kaming dalawa. 

Bigla siyang napahinto sa pag-alis at humarap sa amin ulit, mukhang may sasabihin pa yata...

"Oh, bawal ang kiss ah... Saka na yan kapag nakatapos na kayo! Haha!" tumawa siya...

"Dad! Kayo talaga... Sige na po, baka malate pa kayo niyan eh." napakamot na lang ako ng batok.

"Kanina ka pa??" tanong niya sa akin habang papaupo siya sa may tabi ko.

"Medyo..." nag-smile ako.

"Ang tagal mo magbihis... May orasyon ka bang ginagawa??" nag-pout siya sa akin, tapos sabay hampas. Ouch!

"Aray naman! Masakit ah." napahaplos tuloy ako sa may braso kong nahampas niya. Ang hapdi!

"Ang aga-aga mo kasi noh! Hmp! Tara kain muna tayo. Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin. Umiling ako, di pa naman talaga ako kumakain dahil ang aga ko nga nagpunta sa kanila eh.

“Oh? Kawawa ka naman. Tara kain tayo.” Sabay hawak niya sa kamay ko tapos nagpunta na kami sa dinning table nila.

After namin kumain, nagpunta na kami sa school. 30mins before the time siguro nung nakarating kami. Sabay kami ni Kaith naglakad, holding hands. Potek, alam niyo feeling ngayon? First time toh tol! Haha!

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon