Chapter 73: It's A D-day

99 1 0
                                    

Kaith Torres

*Mico calling*

“Hello?” sagot ko

“Yan! Tara gimik tayo! Kasama sila Dara… Game?” gagala na naman? Wala na yatang inatupag yung mga ito kundi ang maglakwatsa…

“Now na ba?” tanong ko

“Yup…” agad agad? May pupuntahan ako eeh

“May naka-sched akong lakad today eeh… next time na lang”

  

“Yun oh! May pa-sche-schedule pang nalalaman… san ka punta? Sama na lang kami…” napailing ako sa narinig as if naman nakikita niya

“Pupunta ako kay Nick ngayon… Bibisitahin ko.” naka-smile kong sinabi

“Awts! Hindi na lang pala… hehe! Baka sungitan lang kami nun kapag naki-join pa kami sa bonding niyo… hehe! Sige… next time ka na lang sumama. Enjoy!” tapos binaba niya na yung phone.

Papunta ako ngayon kay Nick kung saan siya nagtatrabaho. Wala lang. Naisipan ko lang siyang surpresahin.

Papasok na ako sa loob ng building nang may makasalubong akong familiar yung itsura.

“Doc?” tanong ko. Baka kasi nagkakamali lang ako. Napatingin siya sa akin. Napansin kong namumula yung mga mata niya. Parang kagagaling lang sa iyak. Nilapitan ko siya

“Is there something wrong?” worried kong tanong. Nag-slight smile siya sa akin tapos umiling ng bahagya.

“Wala. Anyway, why are you here? May bibisitahin ka ba?” alam kong iniba niya talaga yung topic.

“ Ah. Opo. Nandito po kasi yung boyfriend ko. Bibisitahin ko lang po.” Nag-smile ako sa kanya. Siya rin nag-smile habang nagna-nod ng konti.

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon