Chapter 65: Kaith's Birthday (part 1)

151 2 0
                                    

Nick Alvarez:

Ilang araw na nakakaraan nung sumugod si Mico sa bahay... simula nung oras na yun parang pinagsasampal ako ng kahihiyan... simula nun, tingin ko sa sarili ko isang tanga't walang kwentang tao...

Parang ginising ako ng katangahan ko...

Hindi ko pa alam yung totoong nangyari... pero nung ki-nonfront ko si Sandz, parang wala akong gustong paniwalaan sa mga sinasabi niya... parang lahat kasinungalingan. Galit na galit ako dun sa taong yun... di ko maintindihan kung bakit niya ginagawa sa akin ito. Dahil sa nangyari at dahil sa ginawa niya nasaktan ko yung taong mahal ko. Ni hindi ko nga alam kung paano ako hihingi ng sorry sa kanya o kung mapapatawad niya pa ba ako sa lahat ng nagawa ko.

Ilang araw na rin kaming hindi nagpapansinan ni Kaith... Yung panahong nakapagbitaw ako ng salitang masakit sa kanya, iyon rin yung araw na huli ko siyang nakausap... 

Yung mga sumunod na araw?? Parang wala kaming napagsamahan... yung parang di namin kilala yung isa't isa... kapag nagkakasalubong kami... siya kasama si Mico o kaya sila Sam at Dara... at ako na kasama sila Marco at Vince pero madalas na nag-iisa... parang hangin turing niya sa akin... yung tipong hindi niya ako nakita... 

Masakit para sa akin na ganito kami ngayon... kasalanan ko naman eh. G*go ako... walang kwenta... at higit sa lahat t@nga... Sino ba namang matinong tao ang mas kakampihan yung iba kesa sa sarili niyang girlfriend diba? 

Naiinis ako sa sarili ko... lagi ko na lang siyang napapaiyak.

Natatakot akong sawa na siya sa pagpapatawad sa akin kung lagi akong ganito... Naisip ko ngayon na mas mabuti sigurong ganito kami... Balik sa dati... hindi close... hindi magkaibigan... hindi nagpapansinan... isang STRANGERS... Yung dati na, parang walang pinatutunguhan yung isang Nick Alvarez... 

<calling: Papa> 

"Pa?" sagot ko sa kabilang linya

"Hey son! What's up? May good news ako..." good news??

"Ano?" matamlay kong tinanong

"I'll be home tomorrow" 

"Great..." ganun pa rin yung tono ng boses ko. walang pinagbago

"Is there something wrong?" natunugan niyang may problema akong dinadala ngayon...

"Wala po..." sagot ko

"Maglolokohan pa ba tayo? Kilala kita... tell me"

"Olats pa. Nasaktan ko girlfriend ko. hindi ko alam kung paano ako hihingi ng sorry o kung mapapatawad pa ba ako" malungkot kong sinabi

"Ano ba ginawa mo??" curious niyang tinanong sa akin

"Mahabang istorya... kwento ko na lang kapag nandito ka na... Bakit ka nga pala uuwi?" iniba ko lang yung topic para kahit papaano matabunan yung utak ko about dun sa nangyari

"Okay sige... I have this business partner... Magbibirthday yung nag-iisa niyang anak na babae... It's her 18th birthday... May party kasi. Kaya ako uuwi kasi we're invited. He even asked me na gusto ka niyang makita. So siyempre kumpanyero ko siya so I answered yes. Matagal na kasi naming gusto ipag-meet kayong mga anak namin. So maybe this time is a perfect chance to meet her. 'Nak, She's beautiful and intelligent. You might like her."

"Pa, are you planning of arranging us? Ayoko po kung ipagkakasundo niyo ako sa babaing di ko pa nakikilala." Tumawa siya ng malakas

"Bakit po?" Maloko itong tatay ko eh

"Arranged agad? Of course not! Nasa inyo naman ang disisyon kung sino gusto niyong pakasalan... Pero kung magugustuhan niyo isa't-isa edi mas maganda but we're not forcing you. Gusto ko lang makita mo siya... Iyon lang."

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon