Mico Gomez:
5 years na nakakaraan after nung pag-alis ni Kaith... Yung araw bago umalis si Kaith? Iyon naman yung huling araw na nakita kong masaya siya. Awang awa ako sa kanya... Pero, wala akong magawa eh. Hindi ko rin naman kasi alam kung kelan babalik si Kaith... kahit gustong gusto ko malaman... wala rin communication. KAhit sino sa barkada namin, walang contact sa kanya.
Kung itatanong niyo kung kamusta na si Nick ngayon? Subsob sa trabaho... Siya na kasi pumalit kay tito after niya makagraduate ng college... kung di niyo tatanungin, SUMMA CUM LAUDE ang mokong. Medyo may magandang idudulot rin pag-alis ni Kaith... may magandang naging bunga eh... ngayon sobrang successful na nung kumpanya nila tito dahil sa kanya. Hindi na nga namin siya nakakausap at nakakasama simula nung nag-college kaming lahat...
Nung graduation namin nung high school yung hindi ko makakalimutan... unang beses kong nakita siyang halos magpakamatay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya... Siyempre alam naman natin na si Kaith yung school Valedictorian, kaya hindi maiiwasang mabanggit yung pangalan niya.. pero si Nick, umattend ng graduation ng lasing na lasing, wala sa sarili, at iyak ng iyak... lahat nagkagulo nung araw na iyon... di kasi naawat eh. Iyon yung huling beses na nakita kong iniyakan niya si Kaith...
Simula nun, ibang Nick na ang lumabas... parang bato na. Mahirap durugin yung puso. Kaya di niyo rin kami masisisi kung di namin siya ganun nakakasama... iwas sa amin eh... Pero sana makapunta siya bukas sa celebration ng birthday ko... KAhit isang suntok sa buwan na mangyari.
"Hay naku Mico... suko na ako... Mukhang hindi ko mapapaattend yang si Nick bukas.." si Dara... kasama ko siya ngayon, nandito kami sa starbuck... inaya ko kasi lumabas para manghingi ng update...
"Ano ba sabi sayo? Malay mo mabago isip nun?" tanong ko sa kanya...
"Ahh... tinatanong mo kung ano sinabi sa akin?? Ganito..." umayos siya ng upo
"NOOOOOOOOOO!! HINDI! I'M BUSY! CAN YOU PLEASE LEAVE?!!" sinabi niya habang ginagaya si Nick. napakamot ako ng ulo...
"Bakit hindi mo pa pinilit??"
"HELLO!!! Jusme, halos maubos mga tutuli ko sa sigaw niya noh... super thankful nga ako at gumamit siya ng PLEASE eeh... Bakit ba ako inuutusan mo? Ikaw yung pinsan noh!"
"Ako ngang pinsan di umubra dun eeh..."
"At ako yung isinubo mo? Wow ha... HUWAW!"
"Sorry na... birthday gift mo na nga sa akin yung pagpayag niya eeh..."
"Okay lang kahit bigyan kita ng mamahaling regalo... pero please lang... wag na siya!" haaay... suko na talaga siya...
"Ano kayang pwede pa nating gawin para mapapayag siya??" nag-shrug lang siya ng shoulders
"Haaay... Hindi naman kasi siya dating ganyan eeeh... buti sana kung nandito si Kaith... baka mapapayag pa yun." nanlaki mata ko... dahil sa sinabi ni Dara nagkaroon ako ng isang magandang ideya

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...