(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! comments are greatly acceptable... haha! )
CHAPTER 20
Maaga akong nagising para pumasok... tama kayo, papasok ako ngayon despite yung nangyari kahapon... at siyempre kailangan kong magtraining para sa swimming... ahm di ko sinabi kay Tita yung nangyari, maghehesterical kasi yun... mas mabuti nang yung mga tao lang sa campus yung makaalam.
Maaga akong nakarating sa school... alam kong excuse yung mga players ngayon, pero kailangan rin naming pumasok sa room for attendance... saka para makipag-kwentuhan na rin...
Habang naglalakad ako, maraming taong lumapit sa akin para itanong kung okay ako... maraming nakakita sa nangyari kahapon... para ngang wala na akong mukhang maiihaharap sa kanila, nakakahiya kasi yung nangyaring aksidente kahapon... ang alam nila nalunod ako, pero di naman talaga ako nalunod eh, bigla lang talagang sumikip yung dibdib ko...
Pagdating ko ng classroom, lahat sila sinalubong ako... yung iba hinawakan pa ako sa kamay ko..
"Kaith! Ano okay ka na ba? narinig naming yung nangyari kahapon." Tanong sa akin ni Vince...
"Oo nga... buti okay ka na!" lahat talaga sila concern...
"Thank you... okay na ako wag na kayong mag-alala." Nag-smile ako sa kanya kaya lahat naman sila napanatag na.
"Hay, sasali-sali kasi di naman marunong lumangoy... buti nga! Feeler kasi!" napatingin ako kay Sab... napa-iling na lang ako. yung mga classmates naming lahat nagtinginan ng masama kay Sab...
"Ok, fine! I'll shut my mouth!" at umupo na siya... ako naman pumunta na sa upuan ko... nagulat ako sa nakita ko. may boquet of flowers.
*beep* tumunog yung cellphone ko.
*1 message received*
From: Mico J
Ei... glad ur ok! Did u c da flwrs? Its 4 u! c u l8r! J
~Mico
Sweet niya naman... kaya nireplyan ko yung message niya...
To: Mico J
Yeah tnx! :D
~Kaith
Napasmile ako sa nakita kong flowers, ang ganda kasi eh...
Di nagtagal dumating na si Miss Lopez, syempre natanong niya rin yung nangyari kahapon buti na lang raw at walang nangyaring masama sa akin... at ngayon eto... pinalayas na naman kami sa classroom para sa training...
Nagsabay ulit kami ni Mico... si Nick kasi napagsabihan ng coach niya dahil di siya nakabalik kahapon at dahil sa akin yun... L
Pagdating ko agad akong pumunta sa may locker room para magpalit ng damit... tapos nun dumeretso na ako sa may swimming pool... nagwawarm up na ako nung nakita ako ni coach.
"Oh Kaith, bakit nandito ka na? are you okay?" nilapitan ako ni coach...
"Opo..." sagot ko naman...
"Ahm... pwede ba kitang makausap? May kailangan kasi tayong pag-usapan." ang seryoso ng mukha niya... tungkol san naman kaya?
"Ahm, naging mahirap rin itong desisyon na ito para sa akin, but..." but... what?
"...but I think it'll be better kung di ka na muna makasali sa game." WHAT?! Nagulat ako sa sinabi niya.
"I know you're a big lost to our team, pero I can't tolerate na may mangyaring masama sa mga players ko. I don't want na malagay kayo sa panganib. About what happened yesterday, ayokong mag-take ng risk para ilagay ka na naman alanganin. We were so worried about what happened to you, so napag-isip-isip kong wag ka na munang pasalihin sa team." Di ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon ditto... parang gumuho yung pakiramdam ko.

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Fiksi RemajaSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...