Chapter 10: "Gusto mo ba siya?"

432 4 0
                                    

(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! )

CHAPTER 10

NICK ALVAREZ:

Naging masaya ang naging study namin kahapon ni Sungit. Isaw lang pala ang makakapagpabait sa kanya eh…inaamin ko naman na napikon ko siya kahapon… kaya tama lang sigurong bumawi kahit papano…

Pumasok ako ng maaga sa school dahil ayokong malate… first period pa naman namin yung si Cruz, baka kung ma-late ako sabunin na naman ako…

Naabutan ko na sila Sam at Marco sa room… as usual… maaga naman talaga sila kung pumasok… nandun na rin si Mico at Sab… tsk… ewan ko ba dito sa lalaking ito… bakit kaya ang bilis makakuha ng girlfriend… umupo na ako dun sa ‘seating arrangement’…

“Hi Nick!” bati sa akin ni Sam kaya nag-hi na rin ako… sa likod lang naman siya nakaupo eh…

Nilabas ko ang cellphone ko para magtext… katext ko kasi mga kasama ko na player din ng soccer team sa school…

“Pare!” tawag sa akin ni Marco.

“Bakit?” tanong ko… ano kayang kailangan nito? Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya na nasa teacher’s table… lumapit na rin ako… istorbo naman

“Oh?” tanong ko sa kanya pagkalapit ko

“Pare… gusto ko sanang… ahm…” Ano?

“Huh?” napakamot siya ng ulo…

“Gusto ko sanang…” napataas ako ng kilay.. tagal kasi sabihin…

“Ano?” napakagat siya sa labi niya…

“Ah… pansin ko kasi na… lagi kayong nagkakasama ni Kaith… ahm mukha kasing nagkakasundo na kayo, ahmm…”

“Deretsahin mo na nga ako… ano bang sasabihin mo??” napahawak siya sa noo niya…

“Gusto mo ba siya?” ano? Ano ba namang tanong yan!

“Huh?! Anong klaseng tanong ba yan hah? Wala akong panahon sa kalokohan ah…” napailing ako at balak na sanang umalis…

“Teka lang… sagutin mo lang tanong ko noh… nagugustuhan mo na ba siya?” napapahid ako sa mukha ko… hay… tinatanong niya kung gusto ko si Kaith? sus… edi…napaisip ako ah… imposible!

“Hindi!  Di ko tipo mga katulad niya… masyado siyang masungit…” napatingin ako sa kanya… siya naman nanlaki ang mata…

“Masungit? Siya? So wala kang gusto sa kanya?” tumango ako… wala nga diba? Kulit

“Bakit mo ba naitanong?” napangiti siya

“Ahm, wala lang… akala ko kasi magiging karibal kita eh… ayoko sanang makabangga ng kaibigan…” huh? Anong sinasabi niya?

“Anong ibig mong sabihin?” napakamot siya ng ulo

“Pare… gusto ko sanang ligawan si Kaith…” nanlaki ang mata ko

“Hah?! Liligawan mo si Kai—“ tinakpan niya ang bibig ko…

“Pare… wag ka namang maingay diyan…” napatango ako…

“Yun na nga… balak ko siyang ligawan… noon pa… pero pare… medyo natotorpe kasi ako sa kanya eh… baka pwede mo naman akong tulungan sa kanya?” ako?! Sus! Bakit ako! Alam niya ba kung ano ang dugo niya pagnakikita ako? Lumalampas kaya sa boiling point yung dugo nun sa akin. Baliw na talaga ito!

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon