Kaith Torres:
"Hija, ready na ba mga dadalhin mo for tomorrow? Gusto mo bang tulungan pa kita?" Mukhang mas excited pa yata si Tita sa akin... Pang-ilang beses niya na yatang tinanong sa akin yan eh
"Yes tita... all are set." Nag-smile ako sa kanya tapos ibinaling ulit yung atensyon ko sa pagbabasa ng magazine
"Yung medicines mo ba dala mo? May first aid kit ka bang dala? Jacket? MAy dala ka ba? Baka malamig dun..." isinara ko muna yung magazine na hawak ko at inilagay sa side table ng kama ko tapos lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya
"Tita, ready na po lahat. Yung medicines ko, yung jacket, extra clothes, shampoo, soap, pati nga po pagkain eh... Masyado ka namang nagwo-worry eh. Okay naman ako oh... promise pagbalik namin okay na okay ako... Walang galos and buong buo na babalik dito." sinabi ko yun habang nakangiti... napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Basta if there's something happening or kung may di ka na magandang nararamdaman, just contact us okay? Kahit sang sulok pa ng gubat yang camping niyo susunduin ka namin..." Ngumiti ako sa kanya tapos niyakap siya
"I love you Tita..." naramdaman ko yung paghalik niya sa may buhok ko tapos nag-I love you back rin siya sa akin.
<<<Camping>>>
"Okay guys, be sure na kasama niyo yung partners niyo kapag nasa location na tayo ah. Walang hihiwalay... Clear??"
"Yes Miss" Sagot naman naming lahat
Magkakapartner sina Sam at Vince, Marco at Dara, tapos Mico at Nick... then ako at si Mikee isang schoolmate...
"Hello..." bati ko sa partner ko tapos nag-smile ako
"Hi Kaith..." nag-smile rin siya sa akin.
Nung nasa bus na kami lahat maingay, siyempre maraming nagkukwentuhan, pati itong partner ko medyo makwento rin... masaya siya kausap at hindi ka mabobore sa kanya... tumingin ako sa paligid, as usual sila Sam at Vince nagbabangayan pa rin... kaya nangingiti ako sa dalawa... daig pa yung aso't pusa kung mag-away eh. Sina Marco at Dara mukhang okay naman sila, nagshe-share ng pagkain sa isa't-isa... ang aga-aga kumakain agad sila...
Halos lahat may ginagawa... except dun sa dalawa... sina Mico at Nick. Ni hindi sila nag-uusap. Si Mico nakatingin lang sa bintana habang si Nick parang tulala...
Actually, after nung nangyari sa debut madalas kong nababalitaang nasa labas daw ng bahay si Nick o kaya nasa may labas daw ng council office at inaabangan daw ako. Hindi ko alam kung totoo yung mga sinasabi nila, pero nararamdaman ko namang nahihirapan siya sa sitwasyon. Alam kong nasasaktan siya at pinagbabayaran yung nagawa niya noon. Actually, gustong guto ko siyang lapitan at kausapin... Kaso masyado pa kasing magulo ang lahat... parang hindi pa oras, parang hindi magwowork...
Inaamin ko namang mahal ko pa siya... MAhal na mahal ko pa siya. At sa tuwing nakikita ko siyang ganyan, sobrang nahihirapan ako. Dumo-doble yung sakit na nararamdaman ko. MArahil sasabihin niyo, 'bakit kasi ayaw mo balikan?', kung gagawin ko yun, paano siya? Paano kung biglang lumala yung kundisyon ko tapos bigla ko siyang iwan? Ayokong mas masaktan siya dahil dun... ayokong sisihin niya ang sarili niya dahil sa karamdaman ko... Kaya kahit masakit, tinitiis ko siya... Mas minabuti ko munang ganito kami... magkalayo, para if magkaroon man ng chance na mawala itong sakit ko, pwede ko na ulit i-consider yung relationship namin nang walang iniisip na ibang mangyayaring hindi maganda... yung puro masasayang memories lang...
"Okay guys... we're here... Please walk with your partners until we get to the site..." nakarating na pala kami sa location nang di ko namamalayan... Tumayo na kami lahat at isa-isang naglakad palabas ng bus.

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...