<Continuation>
"Bebs hindi kita masusundo ah... Maaga kasi akong pumasok may practice kasi eh. Kita na lang tayo mamaya..."
"Okay lang. Ingat na lang sa practice. Good luck!" Masaya niyang sinabi sa akin...
Matagal kong pinag-isipan kung pano ko magpapaalam sa kanya tapos parang okay lang? Ganun lang yun??
"Okay lang ba talaga bebs? Baka galit ka ah?" Tumawa siya sa kabilang linya
"Silly! Bakit ako magagalit? I understand so don't worry." Sa tono ng boses niya mukha namang okay lang talaga
"Sure? Ayoko kasing mag-away tayo eh. Ayokong magcelebrate nang magkagalit tayo..."
"Celebrate? Bakit tayo magcecelebrate??" Tanong niya... Mukhang wala talaga siyang idea na malapit na birthday ko... Di niya nga yata talaga alam.
"Wala. Sige na. Magpa-practice na yata kami eh. Magtext ka kapag nasa school ka na ah. I love you!"
"I will. Be good ah. Take care!" At binaba niya na yung phone.
Maghapon kaming excuse, two weeks na di kami magkaklase... Paspasan na kasi practice kasi two weeks na lang yung meron kami bago yung game sa kalabang school namin. Sana nga mag-champion para kami representative lumaban sa S. Korea.
Nandito ako ngayon sa locker room para magbihis na. Tapos na practice at late na rin kami natapos... Di na kami nakapagkita ni Kaith... Dapat sana kaninang lunch break kaso may inasikaso naman yung apat lang tuloy nakasama ko. Si Sam, Marco, Dara, at Vincd lang. Si Mico di ko alam kung nasaan may inaayos din daw.
<Kinabukasan> 2 days before Nick's Birthday
*1 message received*
Bebs Ko <3
Nick I can't be wid u l8r s break... Der's something came up. Sorry ;(
What??? Di na naman kami makakapagkita??? Ano ba yan! Parang ang lawak lawak ng school para di kami makapagkita... Namimiss ko na siya. Dalawang tulog na lang birthday ko na... Hanggang ngayon di ko pa nakakasama girlfriend ko... :(
Wala na akong nagawa... Buti na lang maaga natapos yung game...
*Dex calling*
Akala ko si Kaith... Haaay
"Hello?"
"Nick. Tapos na raw practice niyo? Pwede ka ba ngayon? Isang pasada lang sana tayo... Okay lang?"
"Ah sige. Punta ako."
"Yun! Sige punta ka na lang sa music room nandito lang kami." Ano ba yan. Ang daming gagawin... Nagaala Kaith na rin ako sa ka-busy-han!
Tinext ko si Kaith... Di ko rin naman pala mahahatid sa bahay nila dahil may banda pa akong pupuntahan
Bebs Ko <3
Bebs kita tau? Tpos n kmi
*1message received*
Bebs Ko <3
Ok. I'm hir sa may park infront audi.
Sa wakas at magkikita na rin kami. Nagmadali na akong pumunta sa sinabi niyang lugar.
"Mico! Akin na yan! Ano ba! Uy!!! Koko!!"
"Patingin lang..."
Naabutan ko silang dalawang nagtatakbuhan dun habang pilit namang kinukuha ni Kaith yung parang notebook kay Mico. Sa nakita kong yun parang umiinit pakiramdam ko... Naiinis ako!
Patuloy lang nilang ginagawa yun hanggang sa matapilok na si Kaith. Di na ako nag-atubili at agad na akong tumakbo papalapit...
"Bebs!!" Agad ako g lumapit sa kanya para tulungan makatayo. Itinulak ko si Mico para manitawan niya girlfriend ko.
"Nandito ka na pala." Sabi niya habang tumatayo.
Tiningnan ko si Mico. Hindi pala tiningnan... Tinitigan ko siya ng masama.
"Sorry Yan di ko sinasadya."
"Okay lang. Di naman masakit eh" sabi ni Kaith habang nakahawak siya sa braso ko
"Sure? Baka may sugat ka?" Hahawakan niya sana si Kaith kaso itinabig ko kamay niya.
"Wag mo na hawakan baka lalong mapahamak girlfriend ko!!" Galit kong sinabi sa kanya. Napatingin silang dalawa sa akin dahil sa inasta ko
"Let's go uuwi na tayo!" Sabi ko sa kanya
"Ha? Eh Nick..."
"I SAID UUWI NA TAYO!!" Sigaw kong sinabi. Binitawan ko siya at naglakad na ako palayo... Nang nakita kong di pa sumusunod si Kaith, tinawag ko ulit atensyon niya.
"Sige Mico alis na kami. Bye! Thanks pala ulit ah." Tapos tumakbo na siya palapit sa akin. Hinawakan niya kamay ko.
"Ano ba problema mo?" Tanong niya sa akin
Nang nandito na kami sa may parking lot at nasa tapat na kami ng kotse ko, binuksan ko na yung pinto para makasakau na siya. Sumakay na rin ako at inistart yung auto.
Nag-drive na ako... Hindi ako nagsasalita. Tahimik kaming dalawa. Walang umiimik. Galit ako at mukhang siya rin. Hanggang sa nagsalita na siya.
"Hindi ko gusto ipinakita mo kay Mico kanina." Sabi niya habang nakatingin siya sa bintana ng sasakyan
"Kung hindi dahil sa kanya di ka masasaktan" cold kong sinabi
"Okay lang ako" cold niya rin sinabi
"Ayoko nang makikitang magkasama kayo." This time napatingin siya sa akin
"WHAT?!" Tumingin rin ako sa kanya
"You heard me. Ayoko na magkasama pa kayo." Binalik ko tingin sa daan
"You're being unreasonable!"
"Pakinggan mo nanlang ako!" Parehas nang tumataas tono ng mga boses namin
"Bakit ba nagkakaganyan ka? Pinsan mo siya at kaibigan ko siya? Anong reason bakit ayaw mong magkasama kami? This is nonesense Nick!" Napailing siya tapos tumingin ulit sa bintana
"Basta..."
"Anong basta?? Hindi ko siya iiwasa whether you like it or not!" Sa narinig ko napahampas ako sa stirring wheel na ikinagulat niya
"Bakit ba ha Nick?! Sige bigyan mo ano ng reason para layuan siya..." Inis na inis na talaga ako...
"NAGSESELOS AKO!! Ano masaya ka na?" Speechless siya sa narinig kaya tinuloy ko
"Kanina nung nakita ko kayo parang ang saya saya niyo. Basta magulo. Naisip ko nga na mas bagay kayo. Na hindi malabong mahulog loob mo sa kanya, na baka iwan mo ako at pumunta ka sa kanya. Nakaramdam ako ng takot Kaith... Ayokong mawala ka" seryoso kong sinabi sa kanya.
Tinanggal niya yung seatbelt niya tapos bigla niya akong niyakap. Ako naman napatabi ng sasakyan baka kasi maaksidente pa kami.
"Tama na. Wag ka na magselos. Mahal kita. Ikaw pinili ko ay walang makakabago nun nang ganun lang kadali." Hinarap niya ako at hinawakan yung magkabilang pisngi ko
"Hindi ganun kababaw yung nararamdaman ko sayo para lang ipagpalit kita sa iba. Kaya wag ka na magselos. Wala namang dapat ikatakot kasi hindi ako mawawala sayo eh." Wala na akong nasabi. Niyakap ko ba lang rin siya ngahigpit.
"Bukas mag-sorry ka ah kung hindi magagalit ako sayo." Nag-nod na lang ako. Sa huli ako pa rin talo sa kanya. Ako susuko para patawarin siya. Haaay... Paano ba magalit ng matagal sa kanya. Kahit isang yakap niya lang natatanggal galit mo eh yung pa layang pinagsasasabi niya??
"
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Genç KurguSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...