Nick Alvarez:
"Bro... Have you heard the news??" nakita kong lumalapit sa akin si Ken at nakitabi sa akin pagkatapos.
"Ang alin??" tanong ko naman sa kanya
"Na aalis na si Kaith..." napatango na lang ako...
"Okay ka lang?" tanong niya sa akin habang inaakbayan ako. Lintsak... ano ito? BROMANCE? Hindi ko na sinagot yung tanong niya... masyado namang halata na hindi eeeh.
"Bakit kasi ayaw mo suyuin? Hahayaan mo na lang ba na hanggang tingin ka na lang? Paano kung umalis na siya? Edi wala ka nang sisilayan?" napatingin ako bigla sa kanya...
"Wag ka na nga makialam! Ayaw niya na! Ayaw niya na sa akin! Ano pang use kung susuyuin ko pa siya ulit? Parang lumapit lang ako sa isang puno na kahit minsan hindi ako kakausapin..."
"Si Kaith pa? Malay mo naman may dahilan siya kung bakit ayaw ka niya balikan??" napailing na lang ako... parehas na parehas sila ni Mico... di ko na talaga maintindihan yang l!ntik na dahilan na yan!
"Dahilan?? Tulad ng ano??" edi nag-isip rin ang mokong... kita mo na? ako nababaliw na kung ano yung dahilan na yun... gusto ko malaman para maintindihan ko siya...
"Hmmm... Aaah! Baka kaya ayaw niya kasi dahil dito... Dahil sa aalis siya... Baka sa tingin niya magiging mahirap sa inyong dalawa kung magiging malayo kayo sa isa't-isa... yung parang di mag-work... yung ganun..." that time napatingin ako sa kanya...
"Ken... umamin ka nga...." nagtaka naman siya sa sinabi ko sa kanya
"Bakit??"
"Bakla ka ba? O nagtatago ka lang sa katawang yan para ipakita na lalaki ka pero ang totoo babae ka??" lumukot ang mukha niya... halatang hindi niya gets kung ano gusto ko ipahiwatig
"Para ka kasing babae magbigay ng opinyon... Salamat ah!" tinapik ko siya sa likod tapos iniwan ko na siya para puntahan si Kaith...
Pagdating ko sa tapat ng opisina nila huminga muna ako ng malalim... nagiipon ng lakas ng loob. Umaasang this time maging okay kami... kahit suyuin ko pa siya ulit okay lang o kahit kaibigan muna yung ma-offer niya sa akin, okay lang... basta makasama ko lang siya ulit...
Pagkabukas ko ng pintuan, nakita ko yung ilang kasamahan niyang officers na medyo maraming ginagawa... pero di ko makita dun si Kaith
"Excuse me... nasaan si Kaith?" lahat sila napahinto sa mga ginagawa nila tapos tumingin sa akin at nag-pause sila sandali... literal na pause ang nangyari...
"Lumabas si Kaith... kasama si Mico para kumain. Kanina pa kasi stressed out yun eh. Bakit?" magkasama na naman sila... hindi ko alam kung ano nararamdaman ko... totoo kaya yung sinabi ni Mico sa camp noon?
"Ah, ganun ba? Sige salamat. Huwag niyo na lang sabihin sa kanya na pumunta ako dito at hinahanap siya aah." tapos nun umalis na ako at nagpunta na lang ako sa music room para makapagpalipas ng oras pati ng sama ng loob...
*Bzzzzt Bzzzt*
*1 message received*
Mico
Nick, ksma ko c Kaith. Pnta ka d2. Usap kau.
Parang baliw lang itong si Mico. Talagang inaya pa ako para makipag-usap sa kanya? Para naman kasi akong kakausapin nun ng ganun ganun na lang... di ko na nireplyan, pinatay ko na lang phone ko para walang istorbo tapos kinuha yung isang gitara at tumugtog na lang.
Medyo kakatapos ko lang mag-shower... galing akong bar kanina, nag-unwind sandali... medyo di ko namalayan yung oras... kaya umuwi ako ng sabog kaya napilitan ako mag-shower para mawala itong pagkalasing ko kahit papaano.

BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Teen FictionSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...