Chapter 62: Bakit siya ang minahal ni Kaith

163 1 0
                                    

Mico Gomez:

Nasa may parking lot ako ngayon. May hinihintay. Sige sasabihin ko na kung sino. Si Kaith... ngayon kasi yung first day ng pagpasok niya pagkatapos nung nangyari. Almost 2 weeks rin siyang nasa ospital at nagpagaling. 

Nung nakita ko na yung sasakyan nila agad na akong tumayo para salubungin siya. Hinintay ko munang pagbuksan siya ng driver niya para makababa.

"Yan..." bati ko sa kanya nang nakangiti. Mukhang nagulat siya dahil nakita niya ako

"Oh... Bakit nandito ka?" sabi niya sa akin habang pababa at kinukuha yung bag niya na dala naman nung driver niya

"Akin na gamit mo, ako na magdadala" kukunin ko na sana yung bag niya kaso binawi niya dahil ok lang naman daw kahit wag na

"Yan, alam mo namang bawal ka mapagod eh. Ako na magdadala niyan..." pagpupumilit ko sa kanya

"Mico, okay nga lang. Saka magaan naman itong dala ko eh. Ako na." nag-aagawan na kami sa bag niya...

"Yan..." pinilit ko pa rin... wala na siya nagawa at binigay niya na sa akin. Natuwa naman ako at hindi na siya nakipagtalo pa

Pagkaalis nung driver niya, nagsimula na kaming maglakad papuntang room...

"Okay na ba pakiramdam mo? Wala nang masakit sa'yo? Sabihin mo lang kapag may nararamdaman ka aah." nag-aalala kong tinanong at sinabi sa kanya

Humawak siya sa braso ko

"Ayan... That's the reason why I hid my condition... Alam kong mag-iiba trato niyo sa akin. Mico, I'm okay... I have recovered. Don't worry. My doctor says I can go to school na so there's nothing to worry about" sinabi niya sa akin nang naka-smile. Parang walang iniindang sakit

"Kahit na... alam mo namang anytime pwede may mangyari sayo diba?" tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Hinarap niya ako at hinawakan yung dalawa kong kamay

"Stop worrying nga! Okay ako,,, In fact I took my medicines this morning so most probably walang mangyayari... okay?" pilit niyang ina-assured sa akin pero kinakabahan pa rin ako eh. Yung pakiramdam na natatakot ka para sa kanya? Sa kung anong pwedeng mangyari...

Dahil alam kong hindi naman ako mananalo sa kanya, nag-nod na lang ako tapos nagsimula ulit kaming maglakad papasok...

"Gosh Kaith! Buti naman nakapasok ka na... Namiss ka namin!"

"Si Kaith nga ba yung nakikita natin??"

"Bakit hindi si Nick kasama niya?"

"OMG! Baka, totoo yung news na break na sila??"

Sample lang yan nung mga naririnig ko sa paligid habang naglalakad kami... tiningnan ko si Kaith pero wala siyang pinansin ni isa man sa mga yun... PArang wala lang sa kanya.

Pagpasok namin sa may corridor, nakasalubong namin si Nick kasama si Sandra na naglalakad. Halata namang nagulat si Nick nung nakita niya si Kaith. Parang gustong kausapin pero di nagpahalata at dumiretso lang sa paglalakad... Si Kaith naman sinundan talaga sila ng tingin. Pero nung nakalampas na sila, bigla na lang lumungkot yung mukha niya kaya hinawakan ko yung kamay niya

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin tapos biglang ngumiti at tumango

Pagpasok namin ng classroom agad naman siyang sinalubong ng mga kaklase namin. Nangangamusta at humihingi ng kwento.

Iniwan ko muna siya kela Dara at Sam  pati na rin sa iba pa naming kaklase para makipagkwentuhan at ako naman inilagay na yung gamit niya sa desk niya tapos pumunta na ako sa sarili kong upuan...

Pinagmamasdan ko lang siya... Masaya naman siyang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin... parang wala ngang masaklap na nangyari eh. Yung parang walang dinadalang problema.

Nung dumating na si Miss Lopez para magklase agad namang nagsibalikan na ang lahat sa kani=kanilang upuan... As usual, malapit sa isa't-isa yung dalawa pero halata mo namang may gap. Parahas lang nilang pinapahirapan yung mga sarili nila...

Natapos yung first period nang parang wala namang nangyari... naglesson lang at seatwork... after ng Math subject namin, as usual break na kaya nag-aya na kaming lumabas... hinintay ko muna si Kaith makapag-ayos ng gamit niya bago kami lumabas ng classroom

"Kaith, sure ka bang pinayagan ka na pumasok? Okay ka na ba talaga??" tanong nitong si Dara habang naglalakad kami papuntang cafeteria

"Yup. Okay na okay na ako." Naka-smile niya namang sagot

"Alam mo ba nung wala ka dito, parang ang bagal ng oras dito sa school... lakas mo sa mga taga-SMU noh??" bolera talaga itong si Sam... Si Kaith ngumiti lang at napapailing

Habang naglalakad kami, nakasalubong na naman namin si Nick. Hindi niya kasama si Sandra... Yung panahong yun, parang tumigil yung oras nilang dalawa... napahinto silang parehas at nagkatitigan... siguro mga 2 minutes silang ganun... tapos nun tinuloy na ulit ni Nick paglalakad niya... Bigla na lang siyang napahinto... nang tiningnan ko kung bakit, hinawakan pala ni Kaith yung braso niya...

"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin?" narinig kong tinanong niya kay Nick. Tinanggal niya yung pagkakahawak ni Kaith

"Masyadong masakit ginawa mong iyon" napayuko na lang si Kaith dahil sa sinabi sa kanya

"Until now, hindi mo pa rin ako pinaniniwalaan." mahina niyang sinabi pero sapat lang para marinig namin. Walang sinagot sa kanya si Nick at naglakad na lang.

Nakita ko si Kaith na tumutulo na yung luha niya... dahil sa nakita ko, nainis na naman ako... nakaramdam na naman ako ng galit sa pinsan ko. Kaya napabitaw na lang ako kay Kaith at sinundan ko si Nick

"NICK SANDALI!!" hinabol ko siya at iniharap ko siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang suntok na sigurado akong malakas

"ANO BANG PROBLEMA MO?!" sagot niya sa akin

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! G*GO KA!" binigyan ko ulit siya ng isa pang suntok kaya napaupo siya

"WALA KANG KWENTANG TAO!" hinablot ko yung kwelyo ng polo niya at bibigyan pa ng isang suntok

"MICO STOP!!" napatingin ako kay Kaith...

"Tama na! Wag mo na siyang saktan please..." umiiyak niyang sinabi sa akin

"Pero sinasaktan ka nung lalaking ito!!" galit kong sinabi sa kanya

"Don't hurt him... hayaan na lang natin siya... Let's go!" wala akong nagawa. Binitawan ko siya at bumalik na kay Kaith. Pasalamat na lang siya at yan lang yung natamo niya...

Tumakbo si Kaith papalapit kay Nick... Lumuhod ito para mapantayan niya yung mukha niya tapos hinawakan niya yung pumutok niyang labi at pinunasan ng panyo niya yung dugo mula doon

Bakit concern pa rin siya dun sa lalaking nananakit sa kanya?!

"Pumunta ka na ng clinic para magamot yang sugat mo." umiiyak niya pa ring sinabi

"Bakit concern ka sa akin??" tanong naman niya pero hindi sinagot ni Kaith. Tumayo lang siya at bumalik na lang sa amin.

Yung dalawang babae nakatingin lang sa mga pangyayari... parang nakakita ng matinding eksena sa pelikula... hindi makagalaw sa kinatatayuan...

Di ko lang lubos maisip kung bakit ganun na lang si Kaith sa lalaking yun...

Siya yung dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon..

Ang swerte ni Nick at siya ang minahal ni Kaith...

Kaso sinayang niya yung pagmamahal ni KAith para sa kanya at nabulag sa pinagsasasabi ng iba... 

Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon