Chapter 80 (2/2): The Wedding

83 0 0
                                    

(A/n: ito na po yung second to the last chapter ng story na ito... Marami pong salamat sa nagtiyagang basahin siya. Naappreciate ko po yung sinasabi niyo sa akin... ^_^ for editing na po siya after ko ma-upload yung last chapter nito para itama yung mga typos at maling grammar dito. Back read back read din ako kapag may time... Hehehe! Feel free to message me! Salamat ulit! Sana suportahan niyo up to the last part. ~simpleislovely)


Nick Alvarez:


"Hello! Nick! Nasan ka? Si Kaith... Sinugod namin siya sa hospital!" Nagulat ako sa ibinalita sa akin ni Mico... Kaya nagmadali na ako nagpunta sa ospital.



Magkikita kami dapat ngayon. Niyaya ko kasi siya lumabas, kaya pala late na hindi pa rin siya dumadating.


Pagdating ko sa hospital agad kong tinanong kung kamusta na siya.


"She needs to stay here. Angelo, she's so weak now. Her heart can no longer function well." Nanghina ako nung sinabi ni mama yun. Parang pinutulan ako ng paa.


"It's our wedding day tomorrow. Paano yun?" Hopeless kong sinabi


"Angelo, she might not make it if we pursue it." Napahawak na ako sa mukha ko. I just nodded.


"Can I see her?" Pumayag naman siya.


Pagpasok ko sa loob, iba ngayon yung room niya. Alam kong worse yung attack niya ngayon kesa sa dati. Mahina yung heart rate niya sa cardiac monitor, and yung breathing niya sinusuportahan ng oxygen mask. Wala siyang malay ngayon... Ayokong isipin na anytime pwede niya na akong iwanan. I sat beside her. Held her hand and kissed it. Umiiyak ako ngayon sa tabi niya kahit alam kong ayaw niya ako nakikitang ganito. Niyakap ko siya kahit alam ko hindi niya ako yayakapin pabalik at umiyak na lang ako.


"Bebs... Gumising ka muna please. Ikakasal pa tayo diba? Masasayang effort mo kapag hindi ka nagpagaling ngayon. Alam kong nahihirapan ka na... Pero lumaban ka muna please? Wag mo muna ako iwan... Akala ko ba hindi mo na gagawin yung dati mong ginawa . Yung umalis ka na hindi ka man lang nag-goodbye sa akin. Bebs please... Gising na oh." Iyak ako ng iyak habang yakap ko siya.


Wag pa po please... Hindi ko pa po hinahanda sarili ko eh. Kailangan ko pa po siyang kausapin. Nakikiusap po ako...


Lumabas muna ako ng kwarto. Ibinilin ko na lang muna si Kaith kala Mico. Gusto ko muna makapag-isip isip. Masyadong mabigat ngayon yung nararamdaman ko. Nagdrive ako sa na di ko naman alam kung san ako tutungo. Hanggang sa mapadpad ako dito sa isang bakanteng lote. Naupo ako sa lumang swing at dun nagmuni-muni.


Inilabas ko na lahat ng luhang pwede kong mailabas... Ayoko kasing makita ako ni Kaith na ganito.


Ayoko pa talagang mawala siya sa akin... Pero kung alam kong nahihirapan na siya. Kakayanin kong magsakripisyo para sa kanya. Lagi niya sinasabing lagi niya akong nasasaktan, pero alam ko naman na siya rin nasasaktan eh. Alam kong sinasakripisyo niya yung sarili niya para sa akin. Ako ba kelan ba ako nagsakripisyo para sa kanya? Naisip ko tuloy napaka-selfish ko dahil para lang sa ikabubuti ko lang yung gusto ko mangyari. Hindi ba kahit minsan gumawa naman ako ng bagay para sa kanya? kahit masakit para sa akin? Kaso parang ang hirap kasi. Lalo na ngayong mga nakaraang araw, iyon ba yung isa sa mga pinakamasaya namin eh. Lagi ko siyang maaalala. Papakawalan ko na ba siya?



*Mico calling *


"Hello?" Sagot ko sa telepono.


"Nasan ka? Pumunta ka na dito dali..." Parang nakaramdam ako ng kaba


Misfortunes of Love (MOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon