FUMIKO'S POV:
--
WALA akong nagawa kundi ang manatili na lang sa bahay at makita lagi ang mukha ni Ate Tina. Tumulong na lang ako kay Mama sa paghahanda ng ititinda niya sa bangketa dahil ayaw naman nila akong payagan na magtrabaho."Tara na Fumiko," anyaya sa akin ni Mama dala ang bilao na may lamang kakanin. Kahit labag sa loob ko ang ginagawa ko kailangan kong sundin si Kuya Fumiya kaysa mag-away kaming dalawa. "Tina, aalis muna kami ni Fumiko, ikaw na ang bahala rito sa bahay."
"Sige po Ma,"
Dumiretso ako palabas ng bahay dala ang water jug na may lamang buko juice. Mabenta ito dahil mainit ang araw dahil nga sa summer at bakasyon.
Makalipas ang ilang minuto, nasa kabilang bayan na kami ni Mama at tanaw ko ang karatula ng computer shop ni Kuya Brent. Mukhang nananadya si Mama at dito pa talaga niya naisipang magtinda.
"Huwag kang mangalumbaba sa harapan ng tinda natin Fumiko, malas 'yan." panenermon sa akin ni Mama.
Nakaupo kasi ako sa isang bangko na dala namin at nasa harapan ko ang mesa na may lamang paninda at nakapangalumbaba ako habang naghihintay sa mga bibili.
"Payagan niyo na lang kasi akong magtrabaho." padabog na wika ko.
"Hindi nga pwede. Nagsasawa ka na ba sa buhay tambay mo? Pasukan na sa susunod na mga linggo at kailangan nating makapag-ipon para makapasok ka sa Heurtfiglia."
Ang Heaurtfiglia Academy ang isa sa mga kilalang kolehiyo dito sa lugar namin pero mas higit na kilala ang L.A University dahil tanging mayayaman lang ang pwedeng pumasok dito. Tumatanggap naman sila ng scholar pero once in a bluemoon lang ang pagkakataon na 'yon at last year pa sila nakapili kung sino ang maswerteng makakapasok. Balita ko nga ay si Autumn Heurtfiglia ang napili nila at hindi ko alam kung ano ang koneksyon niya sa mga Heurtfiglia.
Nalukot ang mukha ko at saka tumayo sa kinauupuan ko dahil may bumibili ng juice na si Mama mismo ang may gawa. Hanggang sa magsunod-sunod na ang mga bumibili, hindi na ako nakabalik sa upuan ko. Karamihan pa man din ay mga batang naglalaro sa kalsada at yung iba ay galing sa computer shop ni Kuya Brent.
"Mabuti naman at tumulong ka sa pagtitinda ng Mama mo, Fumiko," umangat ang paningin ko at tumambad sa akin ang bulto ni Kuya Brent. Nakasuot ito ng puting sumbrero sa kanyang ulo, itim na tshirt, maong na pantalon at sneakers. May nakaipit namang folder sa kilikili nito.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Mukha kang kagalang-galang na konsehal?" nakangiwing sabi ko kay Kuya Brent nang pasadahan ko ang itsura niya.
"Galing ako sa Heurtfiglia, kinuha ko lang ang credentials ko. Balak ko kasing mag-apply sa TCD Tech. Isang samalamig nga, nauuhaw na ako." aniya.
Ang TCD Tech ay isang sikat na game creators at karamihang I.T na grumaduate sa Heaurtfiglia at L.A University ay napupunta sa kanila para lalong mahasa ang kaalaman nila sa makabagong teknolohiya.
"Nagsasawa ka na ba sa computer shop mo?" ibinigay ko sa kanya ang order niya at agad naman nitong binayaran.
"Hindi. Magpapatuloy pa rin 'yon pero gusto kong subukan ang TCD. Balita ko kasi naghahanap sila ng makakasama sa pag gawa ng isang mobile game at since may background ako sa programming, gusto kong subukan."
"Good luck naman sa'yo."
Nagpaalam na si Kuya Brent at hindi man lang nabawasan ang customer ni Mama. Ang mga kakanin kasi na binebenta niya ay talaga namang sulit at pasok sa budget. Hindi ka rin manghihinayang dahil masarap naman talaga ang gawa ng Nanay ko.
Buong maghapon, ganun ang senaryo namin ni Mama hanggang sumapit ang gabi at nagliligpit na kami ng paninda nang dumating si Papa gamit ang traysikel.
"Uuwi na ba kayo?" usisa nito nang makita kami ni Mama na nagliligpit sa mesa.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...