Game 59: ACTO's

52 5 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
MAAGA akong nagising at kasalukuyan akong nasa hapag kainan habang kaharap ang pamilya ko. Mula sa meeting kahapon, agad akong inihatid ni Yakuji sa bahay. Nag-usap pa sila ni Kuya Fumiya ng ilang saglit bago ito nagpaalam kagabi.

Unti-unti na rin palang nabubuo ang restaurant na gusto naming itayo ni Kuya at gusto niya ramen house na nagustuhan ko naman. Ang balak niyang ipangalan ay Fumi's Ramen House since pareho naman kaming Fumi magkaiba lang ang dulo kaya 'yon na lang ang ipinangalan niya.

Sa tulong na din ni Yakuji, unti-unti ay natatapos na ang resto namin at sa susunod na taon ay pwede na 'yong buksan sa publiko.

Sabado ngayon at wala kaming pasok sa school kaso kailangan namin magtraining para sa nalalapit na laro namin sa tuesday at kailangan nilang aralin ang ACTOs na sinabi ko. Hindi sila makakakilos kung wala ako doon kaya kahit na hindi pa ako makapagsalita ay gagawin ko ang lahat para matulungan lang ang grupo.

"Fumiko, wala ka bang gagawin ngayon?" Untag sa akin ni Mama kaya naman naiwan sa ere ang kamay ko na may hawak na kutsara na may lamang pagkain. Marahan kong ibinaba ang hawak at humarap kay Mama.

Kinuha ko ang Ipad na bigay sa akin ni Kuya Mario at nagsulat doon.

'May practice game po kami sa boot camp. Kung okay lang po? Magpapasundo na lang ako kay Aries,'

Napakurap si Mama sa akin nang mabasa niya yun at may bahid na lungkot ang kanyang mga mata. Alam ko kung ano ang nasa isip niya at yun ay ang tungkol sa kalagayan kong nawalan ng kakayahang makapagsalita.

"May check up ka kay Doc Glyden mamayang hapon. Baka nakakalimutan mo?" Sabat naman ni Kuya Fumiya dahilan para makagat ko ang pang ibabang labi ko.

Si Doc Glyden ang nagmomonitor sa lagay ko maging kay Chris at Brix. Doon lang namin nalaman na sa LA Hospital pala kami dinala at sobrang mahal ng bayarin doon pero sabi ni Doc Glyden ay siya na raw ang bahala kaya nakahinga ng maluwag ang mga magulang ko noong naconfine ako.

Gusto pa sanang gamitin ni Kuya ang perang napanalunan ko dati maging ang allowance ko na binibigay TCD Tech para sa hospital bills ko pero kinausap na siya ni Doc Glyden.

Muli akong nagtype sa Ipad bago ko iniharap yun sa kanila.

'Hindi ko po nakakalimutan Kuya. Gusto ko pa ring makasama ang mga kaibigan ko at sasama po ako papuntang China sa susunod na araw.'

"Teka, sigurado ka ba dyan? Alam mo namang hindi ka pa nakakapagsalita dahil sa trauma mo. Anak, nag-aalala ako sa'yo." Ani ni Mama.

'Okay lang po ako Ma, huwag po kayong mag-alala kasi nandoon naman sina Yakuji, David, Asher, Asta, Aries, at Bugoy. Hindi po nila ako pababayaan.'

Napatingin na lamang ang mga magulang ko sa akin maging si Kuya Fumiya kaya naman muli akong nagsulat sa Ipad na hawak ko.

'Hindi ko sila pwedeng iwan dahil malapit na kami sa tuktok. Ilang laro na lang makakamit na namin ang finals. Susundin ko po lahat ng utos niyo at gagawin ko ang lahat maibalik lang ako sa dati.'

Hindi na umimik pa ang mga magulang ko kaya naman nagpatuloy ako sa pagkain at pagkatapos 'non ay bumalik ako sa kwarto ko para magbihis. Usapan kasi namin, 8 am pa lang dapat nasa boot camp na ako kaya malamang maya-maya lang ay nandito na si Aries at Bugoy.

Abala ako sa paghahalungkat sa damitan ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya naman napalingon ako dito at ang bulto ni Kuya Fumiya ang tumambad sa akin.

Nakatayo lang ito sa bukana ng pinto at magkasalikop ang mga braso nito sa ibabaw ng kanyang dibdib at seryoso lamang na nakatingin sa akin.

"Sigurado ka ba talagang gusto mong sumama papuntang China?" Aniya.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon