Game 54: Camping

61 6 0
                                        

FUMIKO'S POV:

Pero makalipas ang ilang segundo. Pumasok ang grupo nina Cold at tila may pinag-uusapan sila kaya naman agad na tumayo si Chris at hinila si Hulk sa braso para lapitan ang grupo nina Cold.

"Finnegan," tawag ni Chris kay Yakuji na ikinalingon ng lahat ng tao sa canteen.

"Hindi ko alam na marami pala ang nagmamay-ari sa pangalan ni Yakuji?" Rinig kong bulong ni Denver habang natatawa pa at nilalantakan ang burger na inorder niya.

"What is it?" Bumaling ang paningin ko sa grupo nina Yakuji nang magsalita ito.

"Ah, gusto sanan naming magpaalam kung pwede kaming tumambay sa boot camp niyo kasama si Fumiko? Wala na kasi kaming pasok."

Napatingin si Yakuji at David sa gawi namin kaya naman naglakad si Yakuji palapit sa pwesto ko.

"Is that true Fumiko? As far as I know you will be having your exam next week." Usisa ni Yakuji.

"Darn, alam na alam? May something nga." Ani ni Mario kaya naman tinadyakan ko ito sa ilalim ng mesa na siyang ikinangiwi niya.

"Hindi naman ako pumayag sa gusto nila. Saka baka may masira lang kami doon edi pinagbayad niyo pa ako ni David?" Depensa ko naman.

Isinilid ni Yakuji ang kanyang parehong kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at tila napaisip naman ito sa sinabi ko.

"I think it's fine if you'll invite them there. It's better if they accompany you since like what Chris said you don't have a class anymore. And we will be having a practice game later so we can't accompany you."

Nagdiwang ang mga kaklase ko sa sinabi ni Yakuji.

"Ayos! Ang astig mo talaga pare," ani naman ni Chris na malaki ang ngisi sa kanyang mukha. Kulang na lang mapunit ang pisngi nito dahil sa tuwa.

Nasapo ko na lamang ang sarili kong noo dahil sa pagpayag ni Yakuji sa mga ulupong na ito. Matapos sabihin ni Yakuji ang pagpayag niya, hinawakan lang nito ang balikat ko at saka siya tumalikod sa amin at bumalik sa grupo nina Cold.

Lumapit naman si Chris sa table namin at linagkikiskis pa nito ang sariling palad.

"Wala naman palang problema sa bebe labs mo. Tara na bumili ng pagkain, doon na lang tayo mag-food trip." Aniya.

"Yes!"

"Wooohoo, let's go!"

Excited silang tumayo at saka ako hinila mula sa kinauupuan ko. Inakbayan pa ako ni Brix at Hulk at patalon-talon pa ang mga ito habang akay-akay ako.

Wala na akong nagawa kundi ang isama sila sa boot camp dahil pumayag naman si Yakuji. Siguro manunuod na lang kami sa home theater o kaya maglaro na lang sa computer na nandoon.

Sa kotse ni Chris ako sumakay kasama si Fern at Denver habang ang iba naman ay nagkanya-kanyang sasakyan. Convoy ang ginawa namin at saka kami dumaan sa isang convenience store. Halos pinagtitinginan pa kami ng mga tao dahil ang aga naming lumabas mula sa school.

"Pre, mga taga LA University," rinig kong sambit ng isang lalaking nakauniporme ng Heurtfiglia Academy.

Abala ako sa pagtingin-tingin ng mga junk foods sa isang estante habang kasama si Denver at Hulk habang ang iba naman ay naghiwa-hiwalay.

"Gagu, huwag mong duruin at baka sapakin tayo." Pigil naman ng kaibigan nito.

"Natatakot ka sa mga 'yan? Mayayaman lang sila."

Napailing na lang ako sa sinabi ng isang lalaki. Kilala ang LA University bilang pugad ng mga mayayaman pero hindi nila alam na merong mga scholar sa loob ng prestihiyosong paaralan na 'yon.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon