FUMIKO'S POV:
--
SABADO pa lang ay hindi na ako tinatantanan ni Kuya na sumama sa kanya patungkol sa lupa na sinasabi ni Yakuji noong magkausap silang dalawa. Malay ko ba na bibigyan ni Yakuji ng lupa ang kapatid ko gayong hindi pa naman kami gaanong magkakilala at isa pa nitong mga nakaraan ko lang siya naging kaibigan dahil sa mobile games na sinalihan namin?Pero siguro nga, ganun talaga kayaman ang isang Yekun Akuji Finnegan para magbigay ng isang lupa nang walang pagdadalawang-isip. Alam kong sobra-sobra na ang ginagawa ni Yakuji at balak ko siyang tanggihan tungkol sa lupa, ang kaso nakikita ko sa ekspresyon ng mukha ni Kuya na gustong-gusto niya yun dahil malapit nga sa university na papasukan ko.
"Hindi ba pwedeng sa susunod na araw na lang natin puntahan ang lupang sinasabi mo?" Nayayamot na sambit ko kay Kuya. Kasalukuyan akong nasa sala ng bahay namin at nakaupo ako sa mahabang sofa habang naglalaro ng Fuse Flight Dimentia.
"Magiging abala ka na sa school mo diba? Ikaw naman ang may gusto nito dahil pera mo ang gagamitin ko. Isa pa, nakakahiya kay Yakuji kung tatanggihan natin siya." Pamimilit pa ni Kuya.
Bumaling ang paningin ko sa kanya mula sa screen ng phone ko. "Pwede ko namang kausapin si Yakuji tungkol dyan at isa pa malawak naman ang bakuran natin diba?"
"Sayang nga 'yon kung di natin tatanggapin. Mas malaki ang access no'n sa costumer kaysa rito sa lugar natin. Nag-iisip ka ba?" Singhal pa ni Kuya Fumiya sa akin kaya naman inirapan ko ito.
"Ang sabihin mo gusto mo lang akong bantayan habang nasa university! Pero malas mo kasi sa boot camp ako uuwi araw-araw." Paalala ko rito.
Handa na lahat ng gamit ko at bukas na bukas din ay papasok na ako sa boot camp. Makakasama ko naman si Yakuji at David dahil magbabalik na sila sa international scene mula sa pahinga.
Ang sabi kasi sa akin ni Kuya Fumiya, babantayan niya ako para raw hindi ako magka-boyfriend agad habang nasa university dahil mukha naman daw akong mayaman kapag naayusan. Hindi naman paglalandi ang pinunta ko sa university kundi ang mag-aral. Masyado lang maligalig si Kuya dahil sa ginawa sa kanya ng ex-wife niya. Wala naman akong balak na gayahin si Tina at isa pa hindi ako kasing landi tulad niya.
Pwede ko namang pakiusapan na lang si Yakuji na huwag nang ibigay sa amin ang lupa na sinasabi niya dahil sobra-sobra na ang tulong na binigay niya sa akin lalong-lalo na tungkol sa pera na napanalunan namin noong nakaraang kompetisyon. Pinaghatian namin yun ni Bugoy since pareho silang nag-give up ng cash prize ni David at ang dahilan nila, hindi raw nila kailangan ng pera dahil pro-player naman sila at meron pa silang ibang pinagkakaabalahan bukod sa international scene.
"As if naman hindi tayo magkikita sa labas ng university niyo if ever? Huwag ka nang mag-inarte dahil naka-oo na ako sa kaibigan mo."
I groan in frustration as I reverted my attention towards my phone. Gigil na pinindot ko ang control keys ng laro ko dahil sa kakulitan ni Kuya.
"Ang aga-aga nagbabangayan na naman kayong dalawa? Ano ba ang hindi niyo mapaghatian, Fumiya?" Bungad ni Mama mula sa kusina at mukhang katatapos lang nito magluto.
Ayaw niya namang mangialam kami ni Kuya kapag nasa bahay siya at isa pa tapos na rin naman kami ni Kuya sa paglilinis ng bahay.
"Ito kasing bunso mo Ma, humingi ng tulong sa kaibigan niya para sa business na gusto niyang ipatayo tapos ayaw namang tanggapin." Paliwanag ni Kuya para maintindihan ni Mama ang pinag-uusapan namin ni Kuya Fumiya. Wala ngayon si Papa dahil maaga itong namamasada.
"Tungkol saan ba?" Usisa pa ni Mama bago lumapit sa gawi namin at naupo sa tabi ko para makapag-usap kaming tatlo.
"Tinawagan kasi ako ni Yakuji noong sinamahan ko si Fumiko mag-enroll. Bibigyan niya raw ako ng lupa para pagtayuan ng resto na gusto natin at malapit lang 'yon sa university na papasukan ni Fumiko."

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...