FUMIKO'S POV:
--
LAGLAG ang panga ko nang bumungad sa amin ni Kuya Fumiya ang malaking gate ng L.A University at ang mga building nito na parang isang kastilyo."Grabe, parang nasa ibang dimensyon ako. Ang ganda ng university." Bulalas ko habang iginagala ang paningin ko.
Marami ring estudyante ang nagkalat sa paligid at gaya ko ay mag-ienroll din sila.
"Halika na, bago pa tumulo ang laway mo sa sobrang pagkamangha." Hinila ako ni Kuya sa braso at saka kami naglakad papuntang Admission office para magpa-register ng pangalan ko.
Si Kuya Fumiya ang nagpresinta na samahan ako para mag-enroll. Pambawi niya raw sa pang-aaway sa akin dahil kay Tina. Wala na rin naman akong pakialam sa babae na yun as long as tahimik at masaya ang pamilya namin. Okay na rin naman si Kuya at sigurado akong makaka-move on agad siya.
Mula nang araw na kunin si Tina ng anak nung Mayor sa bahay namin, wala na kaming balita sa kanya at kanina lang din bago kami pumunta ng L.A University ay nag-resign na si Kuya sa munisipyo dahil gusto niyang mag-focus sa business na itatayo namin sa tapat lang ng bahay.
Hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang lawak ng L.A University. Mukhang hindi kakayanin ng isang araw na pag gala para lang ma-familiarize ang buong lugar. Sobrang yaman talaga ng school na ito at talaga namang papangarapin ng mga tulad ko na makapasok dito at mukhang hindi ako magsisisi na pinili ko ang unibersidad na ito.
Natinag lang ako nang makarating kami sa mismong Admission Office kaya naman kinausap kami ng isang babae na sa tingin ko siya ang nakadestino sa Admin Office.
"Good morning, Maam and Sir. Mag-ienroll po?" Nakangiting bati nito.
"Ah, yes. May I have a form please?" Propesyonal na sagot naman ni Kuya at saka siya inabutan ng papel. Si Kuya na rin mismo ang nag-fill out ng form ko tungkol sa basic information at nagulat ako nang ibigay niya sa akin ang papel. "Isulat mo na ang gusto mong kurso."
Inagaw ko sa kanya ang ballpen at saka ko sinulat ang course na gusto ko. C++ Programming ang gusto ko at mukhang wala na rin namang balak na tumutol si Kuya.
C++ is an extension of C that, gives developers high-level control over memory and resources. It is a cross-platform language that allows developers to build high-performance applications. It offers a clear structure to the code created by the developers. Moreover, the code can be reused, which reduces the cost of development.
C++ is portable and allows developers to create applications that can be adopted by various platforms. If you wish to become an expert in this popular technology, take up one of the best C++ programming courses.
"Ito po Maam," ani ni Kuya at saka ibinalik ang form sa staff ng Admin Office. Ibinigay ko na rin ang scholarship na hawak ko at ilang minuto pa ang nakalipas, muli kaming inabutan ng panibagong papel.
"Ito po ang schedule niyo, susi ng dorm since scholar po kayo at every Saturday po kailangan niyong mag-community service."
"Dorm po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes po, Maam."
"Eh, Maam sabi po sa akin sa isang boot camp po ako tutuloy hindi po sa dorm."
Nanlaki ang mga mata ng babae. "Pro-player po kayo? Naku, sorry Maam. Wait lang po."
Muling binawi ng babae ang papel na hawak ko kaya hinayaan ko ito. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Kuya pero nagkibit-balikat na lang ako. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang babae at bagong papel na ang hawak nito.
"Ito po Maam ang schedule niyo. One subject per day po since sasabak po kayo sa international league sa ilalim ng TCD Tech, at tungkol naman po sa boot camp, susunduin po kayo ng van after orientation po. Gaganapin po ang orientation sa Wednesday so may time pa po kayo to prepare your things like clothes and everything. Welcome po sa L.A University."

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romantizm[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...