FUMIKO'S POV:
--
HABANG naglalakad ako sa hallway ng school, biglang may sumulpot na babae sa harapan ko at nagtatakang tinignan ko ito."May kailangan ka, Miss?" Usisa ko rito pero ang babae ay nakayuko lang. Nakasuot ito ng isang simpleng tshirt, pants at sneakers. Nakabraid din ang itim na itim at mahaba nitong buhok sa magkabilang side. Mukha naman siyang mabait.
"A...Ano...pwede mo ba itong ibigay kay David?" Inilahad niya ang isang maliit na pink na sobre at mukhang alam ko na ang laman.
"Pwede mo namang ibigay sa kanya ng personal bakit iuutos mo pa sa akin?" Inosenteng sagot ko. I don't want to be mean for her but David is a nice guy and approachable.
Hindi ko akalain na may nagkakagusto kay David although hindi naman maikakaila na gwapo naman si David. Yun nga lang mukhang ilag sa grupo nila ang mga babaeng nakakasalubong namin dito sa school sa hindi ko malamang dahilan.
"P-Pinapabigay lang din ng kaibigan ko at saka nakikita kasi namin na ikaw lang ang babaeng nilalapitan ng grupo nina David kaya nagbabakasakali ako na baka matulongan mo ang kaibigan ko." Ani pa niya.
Wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang sulat na binigay niya at saka ito nagpasalamat sa akin bago ako nilayasan. Ang weird din talaga ng mga babae rito, ang lakas ng loob lumapit sa akin pero sa taong gusto nila tumutiklop naman?
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang 4th floor at tahimik na pumasok ako sa classroom namin. Nadatnan ko pa sina Rusty, Chris, Fern, Brix, Hulk, Jase, Mario, Denver at James na abala sa paglalaro ng mobile games. Pamilyar sa akin yung voice over mula sa games na nilalaro nila pero hindi na lang ako umimik.
I already memorize their names in just a week kasi sila lang din naman ang nakikita at nakakasama ko araw-araw bukod kay Thud at sa mga kaibigan ko.
Tahimik na umupo ako sa silya ko at mukhang wala pa si Thud dahil walang nakayuko sa mesa nito. Mukhang late pa ang loko?
Nakapangalumbaba lang ako sa mesa ko nang bigla akong lapitan ni Chris, ang lalaking kumausap sa akin no'ng unang pagpasok ko at napagkamalan pa akong nagkamali ng pinasukang classroom.
"Fumiko, pamilyar ka ba sa Fuse Flight?" Ani ni Chris.
Tinignan ko naman ito habang nakapangalumbaba pa rin ako sa mesa ko. "Oo. Bakit?"
"Nagpupustahan kasi kami nina Denver, gusto mong sumali?" Napatingin pa siya sa mga kaklase namin at mukhang pinapakinggan ang usapan namin.
"Hindi naman siguro naglalaro si Fumiko ng Fuse Flight. Ang hirap kaya maka-rank up dito." Ani naman ni Denver.
"Oo nga. Mukhang hindi trip ni Fumiko ang mga ganitong laro, Chris. Hayaan mo na." Sabat naman ni Brix.
Mukhang wala silang ideya na minsan ko nang naipanalo ang laro na 'yon at mas mataas ang ranggo ko sa nasabing laro.
Bumaling ang paningin ko kay Chris at saka nagsalita. "Magkano ang pusta?"
Inilabas ko ang phone ko at nagulat ako nang bigla 'yong inagaw ni Chris mula sa kamay ko.
"Damn, this is the latest model ng phone na pinapangarap ko." Ani ni Chris habang hawak ang phone ko.
"Shit! Ang mahal niyan diba?" Segunda naman ni Fern.
Sa pagkakaalam ko mayayaman sila pero bakit nagugulat sila sa phone na pagmamay-ari ko?
"Ibalik mo nga sa akin yan!" Marahas na inagaw ko ang phone ko mula sa kamay ni Chris.
"Sa pagkakaalam ko scholar ka ng L.A University kaya ka nakapasok dito. How come you owned the latest model of that brand?" Pang-uusisa pa ni Chris.
"Scholar nga ako pero hindi naman ibig sabihin ay hindi ko na afford bumili ng mga bagay na pwede kong magamit? At saka bakit mo ba ako inuusisa tungkol sa phone ko, pustahan ang pinag-uusapan natin diba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/362341937-288-k591575.jpg)
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romansa[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...