FUMIKO'S POV:
I'm not that excited about my birthday but since Kuya Fumiya insisted to have us dinner, pumayag na ako. Gusto pa nga niya na maging bongga ang debut ko which is hindi ako pumayag.
Sa dami ng nangyari sa pamilya namin, hindi namin deserve ang maghanda ng marami at isa pa okay na ako na kaibigan at pamilya ko lang ang imbitado.
Hanggang sa makarating kami ng airport at makasakay kay Homare. Hindi mapuknat ang kwentuhan nila tungkol sa birthday ko.
"Fumiko, anong gusto mong regalo?" Ani ni Aries habang inaayos ang bag niya sa compartment ng eroplano.
Napaisip naman ako. "Gusto ko ng computer set sa bahay."
"Wow? Hindi ka man lang nagdalawang-isip?" Natatawang sambit ni Aries at saka ito pasalampak na naupo sa upuan na nasa tabi ni Bugoy.
"Kasalanan mo naman. Nagtanong ka pa kasi." Ani naman ni Bugoy na natatawa rin.
"Mayaman naman si Aries, kaya mo namang bilhin 'yon diba?" Inosenteng sambit ko.
Sa totoo lang, okay lang sa akin na walang regalo basta nandoon ang presensya nilang lahat.
"Fine, ako na ang bahala sa computer set mo."
"Ako na sa wifi." Sigaw ni Kuya Chase.
"Ako na sa gaming chair." Kuya Jobert.
"Ipad na lang sa akin." Kuya Marion.
Napailing na lang ako sa kalokohan nila. Kahit bangku ang ibigay nila sa akin tatanggapin ko. Inaasar ko lang si Aries at hindi ko aakalain na papatulan nina Kuya Jobert.
Makalipas ang ilang minuto, nailabas ko ang lahat ng kinain ko nang lumapag si Homare sa runway ng airport.
"Letse! Kailan ba ako masasanay sa eroplanong ito?" Naiinis na sambit ko habang hawak-hawak ang plastik.
Halos mapunit ang tyan ko sa kakalabas ng kinain ko at nang mahimasmasan ako, agad na akong tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Hey, careful." Sambit ni David sa akin nang muntikan akong mabuwal mula sa kinatatayuan ko.
"Pwede bang magpabuhat na lang? Sobrang sakit ng ulo ko." Naiiyak na sambit ko kay David pero ang loko tinawanan lang ako.
"Someone will kill me if I do that, Fumiko. Aalalayan na lang kita." Aniya.
Wala akong nagawa kundi ang humawak sa dulo ng damit ni David habang sapo ko ang aking ulo sa sobrang hilo na nararamdaman ko.
Sino naman ang papatay sa kanya kung magpapabuhat ako? Wala naman si Damon dito.
Speaking of Damon, I didn't see during our competition. I think they already pass all the levels at naghihintay na lang sila sa amin sa grand finals.
Ang van ng TCD Tech ang sumundo sa amin at inutusan ni Kuya Jobert na sa bahay kami dumiretso. Alas kwatro pa lang ng hapon at mukhang trip nilang tumambay sa bahay.
Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang umidlip muna dahil sa hilo kaya naman hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay.
"Fumiko? Hey, wake up."
Napilitan akong imulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ni Yakuji.
"We're here." Aniya.
Napatingin naman ako sa labas gamit ang bintana ng sasakyan at nasa labas na nga kami ng bahay namin. Nagtaka pa ako nang makitang may mga delivery rider at ilan sa kanila ay kausap na nina Kuya Jobert.
Nagtatakang bumaba ako ng sasakyan at saka lumapit sa gawi nina Kuya Jobert.
"Ano 'yan?" Usisa ko.
Nakita ko pa ang van ng PLDT at isang rider na kausap naman ni Aries.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...