Game 17: Boot Camp

87 8 0
                                        

FUMIKO'S POV:

--
"KUYA! Bilisan mo naman? Kanina pa ako nakabihis, eh!" Pagmamaktol ko habang tinatawag si Kuya Fumiya na naliligo pa rin sa c.r ng kanyang kwarto.

Siya pa ang nag presinta na ihatid ako sa boot camp ko ngayong araw tapos ang kupad-kupad kumilos.

"Kumalma ka nga, Fumiko. Hayaan mo ang kapatid mo." Ani naman ni Papa na nakaupo sa sala habang nanunuod ng t.v.

Padabog na naupo ako sa single couch at nakangusong humalukipkip roon. Handa na ang maleta ko at pati ang sarili ko para sa pagpunta namin sa boot camp. Ihahatid kasi ako ni Kuya gamit ang traysikel ni Papa. Ayos lang naman sa akin dahil mula pagkabata, naging service na talaga namin ang traysikel at siya ring pinagkakakuhanan ni Papa ng kabuhayan para sa amin.

Hindi naman ako maarte para maghanap pa ng kotse dahil hindi naman ako sanay sa ganun lalo na't hindi naman kami mayaman.

"Kasi naman Pa, si Kuya ang kupad kumilos. Magpipresintang ihahatid ako ang tagal naman bumaba." Naiinis na sambit ko.

Excited na kasi akong makita kung ano ang magiging itsura ng boot camp namin. Pangarap ko talagang maging pro-player at ang TCD Tech ang siyang magiging stepping stone ko para maging game developer.

"Masyado ka naman yatang excited na mawalay sa amin, anak? Kumalma ka nga." Natatawang komento pa ni Papa.

Hindi naman sa ayaw ko silang makasama habang nag-aaral ako sa L.A University. Ang sa akin lang, gusto ko munang maabot ang pangarap ko dahil para rin naman sa kanila ito.

"Hindi naman po sa ayaw ko kayong makasama, Pa. Nasa pintuan na ako ng pangarap ko na maging pro-player at game developer."

Bumaling ang atensyon ni Papa sa akin bago pinatay ang t.v at hinarap ako.

"Alam kong nagtatampo ka sa amin dahil hindi ka namin pinagkatiwalaan sa kakayahan mo anak. Pero sigurado ka na ba talaga sa mundong nais mong tahakin?" Aniya.

"Para rin naman po ito sa pamilya natin, Pa. Tignan mo si Kuya, magpapatayo na ng restaurant para sa atin. Magkikita pa rin naman tayo dahil nasa tapat lang naman ng University ang lupang binigay ni Yakuji para sa atin."

"Nakakahiya pa rin sa kaibigan mo, nak. Kaso wala na tayong magagawa kundi ang magpasalamat. Siguro nga ito ang kapalaran mo para maging isang pro-player. Huwag mo na lang pabayaan ang sarili mo habang malayo ka sa amin at ugaliin mong tumawag sa Kuya mo; may problema ka man o wala. Dalawa lang kayo ng kapatid mo, Fumiko." Habilin pa nito kaya naman tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit kay Papa bago ito niyakap sa kanyang bewang.

"Kahit nakakainis si Kuya mahal ko naman po siya, lalong-lalo na po kayo ni Mama. Mag-aaral po ako ng mabuti at sisiguraduhin kong uuwi kami na laging panalo mula sa international scene."

Ngumiti si Papa sa akin at ginantihan ako ng yakap at hinalikan ang aking noo.

"Kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na ipinagmamalaki ka namin. Kayong dalawa ng Kuya mo ang kayamanan namin ng Mama mo, Fumiko."

"Ang aga-aga nagda-drama kayong dalawa? Anong meron?" Sabat ni Kuya kaya naman humiwalay ako ng yakap kay Papa at sinamaan ito ng tingin.

"Ang dami nang habilin sa akin si Papa, ngayon ka lang bumaba? Yung totoo Kuya ikaw ba ang mag-aaral?" Singhal ko rito bago tumayo mula sa kinauupuan ko sa tabi ni Papa.

Tinutupi ni Kuya Fumiya ang manggas ng suot niyang polo hanggang siko na akala mo ay tatakbong konsehal ng baranggay. Magda-drive ng traysikel tapos ganun ang get-up?

"Excited ka lang makita si Yakuji at Aries, eh." Pang-aasar pa ni Kuya.

"Feeling mo naman? Kaibigan ko nga lang sila." Nanggagalaiting sagot ko rito. Sa lahat ng iaasar niya sa akin ang tungkol pa kay Aries at Yakuji.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon