Game 66: Aries

31 4 0
                                    

ARIES'S POV:

--
MAGGAGABI na pero hindi pa rin umaakyat ng suite namin si Fumiko kaya naman lumapit ako kay Yakuji na kausap na si David, Senri at Perth.

"Dude, puntahan ko lang si Fumiko," napatingin sa akin si David at Yakuji at saka sila tumingin sa sariling mga relo na nasa kanilang bisig.

"It's already 6 in the evening, bakit hindi pa siya umaakyat?" May pagtatakang wika ni David.

"Yun nga ang inaalala ko baka masyado niyang dinamdam ang pagkatalo natin. Wala kasi sa bokabularyo ni Fumiko ang matalo."

"You should check on her, Aries," tumango ako kay Yakuji bilang pagsang-ayon nito na puntahan ko si Fumiko.

Nag-aalala na rin ako lalo na't napagsalitaan ko siya ng masama kanina. Hindi ko naman masisisi si Fumiko kung mawalan man siya ng abilidad na hindi makapagsalita dahil sa trauma na naranasan niya dahil sa ginawa ng mga tao kina Chris at Brix. Sa ngayon, si Brix na lang ang hinihintay naming magising at mukhang isa pa yun sa inaalala ni Fumiko.

"Pre, sama ako." Humabol si Bugoy sa akin nang papalabas na ako sa pinto kaya naman inakbayan ko ito at saka iginiya patungo sa elevator.

"Ngayon ko lang nakitang mag-senti si Fumiko," basag ni Bugoy sa katahimikan namin nang makapasok kami sa elevator.

"Senti?" Wala akong ideya sa ibig niyang sabihin.

"Ito naman para kang others, senti, emo, drama. Bobo mo Aries," Inambahan ko ng kaltok si Bugoy pero tumatawang umiwas lang ito. "Oh, kalma. Di ka mabiro eh."

"Sasaktan talaga kita." Pagbabanta ko pa rito.

Minsan napapaisip ako kung may saltik ba si Bugoy o sadyang maloko lang siya?

"Tsk. Seryoso na. Ito ang unang beses na makita kong down na down si Fumiko. Hindi ba't nakilala natin siyang masayahin?"

"Lahat ng ay nagbabago, Bugoy at mukhang nagkakamabutihan sila ni Thunder Clyborne. Dahil na rin siguro sa trauma na naranasan niya kaya siya nawalan ng abilidad na makapagsalita ulit." Paliwanag ko.

"Si Thunder? Bakit anong meron sa kanya? Akala ko ba liligawan natin si Fumiko?"

Lumagapak ang kamay ko sa batok ni Bugoy kaya naman simangot humarap ito sa akin.

"Gunggong. Wala akong sinabi na liligawan ko si Fumiko," umiwas ako ng tingin kay Bugoy pero nakita ko lang din sa salamin na nasa harap namin ang ngiting aso nito.

"Lokohin mo na ang lahat pero huwag lang si Baxter Uaithne "Bugoy" Gorestriker,"

"Ang ganda ng pangalan mo pero ang bantot ng may ari."

"Gagu mo!"

Nang tumunog ang elevator, agad kong hinila si Bugoy kaso napahinto rin ako nang may mapagtanto ako.

"Oh, bakit?"

"Marunong ka magsalita ng mandarin?" Baling ko kay Bugoy.

"Margarine? Language pala yun?"

"Tanga, mandarin kasi. Hays, tara na nga!"

Muli kong hinila si Bugoy palabas ng hotel dahil sigurado naman akong hindi lalayo si Fumiko kaso kahit anino nito ay hindi namin makita.

"Gagi, na saan si Fumiko?" Takang tanong ni Bugoy habang inililinga ang paningin sa paligid.

Nagsalubong ang kilay ko nang mapunta sa isang sulok ang paningin ko at nakita ko ang isang cellphone kaya naman patakbo ko itong nilapitan. Lumuhod ako sa carpet at kinuha ang cellphone na nakataob at nang iharap ko ito, ang account ni Fumiko ang tumambad sa akin.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon