DAVID'S POV:
As we reached the Philippines, we immediately went home together with Jobert, Chase, Mika, Alessa, and Marion. Bugoy and Aries choose to go home instead since they are both family-oriented, so we set them free.
Pasalampak akong naupo sa sofa nang makapasok kami sa boot camp at basta ko na lamang ibinalibag ang bag na dala ko at tinignan si Yakuji na tahimik na naupo sa tabi ko.
"What now Finnegan?" Yakuji looked at me with his dead face.
"Like what he told us, it's his problem. Kahit naman may gawin tayo hindi gugustuhin ni Thunder na mangialam tayo sa problemang ito."
"But Fumiko is part of this group."
Umangat ang isang kilay ni Yakuji sa akin. "Don't tell me may gusto ka kay Fumiko, David? You know he will kill you if he knew that."
I just roll my eyes toward him as I lay my back on the headrest where we are sitting.
"Seriously? Fumiko is our friend, Yakuji. And wala akong balak na makihati kay Thunder dahil hindi tayo pumasok sa organisasyon na 'yon para lang makihati sa isang babae."
Nagkakilala kami ni Yakuji sa loob ng HuPoFEL at siya ang una kong nakausap nang mapadpad ako sa lugar na 'yon. HuPoFEL is one of the underground organization na pinamumugaran ng mga mayayamang kabataan sa buong mundo at isa na kami doon nina Yakuji, Asher at Astaroth.
Aqueros is our boss and we respect him the most more than our parents. Kumbaga hinubog kami ni Boss na maging tao pero ang trabaho namin ay mas masahol pa sa alaga niyang hyena which is ayokong makadaupang palad ang alaga niya.
"Mas mabuti na yung malinaw kaysa malaman ko na mawala ka na lang bigla. I know he will do everything just to find her." Tumayo mula sa kinauupuan niya si Yakuji at tumingin sa akin. "Shall we go to that forbidden mountain instead of talking that things here?"
I shrug my shoulders as I got up from my seat. Sabay kaming naglakad ni Yakuji palabas ng boot camp nang hindi nagpapaalam kina Jobert since bantay lang naman sila nina Fumiko, Aries at Bugoy para hindi sila maghinala sa totoong trabaho namin.
Sa sasakyan ko kami sumakay ni Yakuji at ako ang nagdrive at saka naming tinahak ng tahimik ang daan patungo sa forbidden mountain kung saan nakalagak ang building ng HuPoFEL. Walang sinumang ordinaryong tao ang nakakapasok sa lugar na 'yon bukod sa myembro ng HuPoFEL at Bloodfist mafia.
Yakuji, Asher, Astaroth and I are part of the Middle Class where all the talented assassins are combined. Gumagawa kami ng misyon tulad ng pagsuporta sa Elite Class kung kinakailangan at ang First Class naman ay siyang stepping stone para mapunta sa Middle at Elite.
Para sa tulad naming Middle Class, merong tinatawag na promotion si Boss Aqueros at depende kung hahayaan ka niyang makapasok sa Elite Class kung saan malaya kang pasukin ang mundo ng mafia.
As far as I remember, binuo ang HuPoFEL para hanapin ang kapatid ni Boss pero nang tumagal lalo lang itong lumaki at kasama na kami doon sa nagtataguyod ng HuPoFEL hanggang ngayon.
Lumipas ang ilang minuto, narating namin ang HuPoFEL at saka kami lumabas ni Yakuji ng sasakyan at naglakad papasok. Nadatnan namin si Fourth na abala sa kanyang pwesto na tila isang information desk ng hotel.
"Yo, dude. What's up?" Bati ko rito.
"Aqueros is looking for the both of you." Sagot nito nang hindi man lang kami tinignan.
Nagsalubong ang kilay ko.
Mostly, ang Elite Class ang pwedeng pumunta kung saan naroon ang opisina ni Boss pero si Fourth ay malaya itong nakakaakyat kung kailan niya gugustuhin dahil ito ang running errand ni Boss.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...