FUMIKO'S POV:
--
LUMIPAS ang dalawang buwan nang pananatili ko sa HuPoFEL, Kuya Aqueros decided to let me go back where I use to be since Tina is not here to destroy my life again.Minsan talaga napapaisip ako kung Tatay ko ba talaga si Kuya Aqueros dahil masyado siyang istrikto sa akin. Hindi lang pala ako kundi sa buong HuPoFEL at mga bagong myembro na nakapasok sa kanilang organisasyon.
"Fumiko,"
Napalingon ako sa likuran kung saan nagmula ang pamilyar na boses na 'yon at tumambad sa akin si Remi kasama ang teammate niya. Nakasuot sila ng kanilang jersey na merong tatak ng Alpha Impact logo, at ako naman ay nakasuot ng jersey ng Howl. Kasama ko rin sina Yakuji, David, Asher at Aries na siyang sasabak sa finale ng mobile game conpetition ng Fuse Flight.
"Hey, long time no see." humakbang ako palapit kay Remi at binigyan siya ng yakap na agad naman nitong ginantihan.
"Long no see. Finally you entered the spotlight again. It's been what? Three years since the last time I saw you?"
"Uhm, yeah. Something came up and I need to get out from the league since I can't talk, right?"
"Oh, right. I remember that. Anyway, good luck for your team as you faced Damon and Dead Demonia, they are monsters when it comes to mobile games."
I smirked at Remi. "Nah. Don't worry about us since I've known Venencio for years. I even memorize his team play."
"Too confident huh? That's why I like you."
Kumindat pa si Remi sa akin kaya natawa ako bago ito muling yumakap at sinundan naman ng teammate niya bago ito umalis sa harapan ko.
Sa mundo ng pro league, hindi ko inaasahan na makakatagpo ako ng mga taong magiging kasangga ko sa mundong pinili kong pasukin. Hindi ko rin inaasahan na magiging malapit ako kay Remi na siyang nagpaiyak sa akin during our competition when he defeated me. Sobra talaga akong nasaktan doon dahil nga sa masyadong malakas si Remi.
Pero all in all, naging kaibigan ko siya kasama ng mga kagrupo niya at friends din silang lahat nina Yakuji. Sabi nga ng iba, kapag nasa kompetisyon ka dapat sportsmanship lang pero sa kaso namin more on friendly games lang sa tuwing maghaharap ang Howl at ang Alpha.
At sa kabutihang palad nga ay nanalo kami sa grupo nina Remi at kami ngayon ang sasabak sa final stage at lalabanan namin ang grupo nina Damon.
"Ready ka na?" untag sa akin ni Aries kasama si Yakuji, David at Asher.
Sa loob ng tatlong taon na hindi ko sila nakita ni Bugoy, malaki na ang pinagbago nila. Actually, nakapagpatayo na ng sariling bahay si Bugoy at meron na rin silang sariling business at natutuwa talaga ako nang malaman kong tinutulungan siya ni Thud at ng TCD Tech.
"Born ready," sagot ko kay Aries.
Napangiti ito at saka sumila sina Yakuji, David, Asher at Aries dahil susunod na kaming sasalang sa center stage.
"Please, let us all welcome our players who will defend the trophy, Dead Demonia. And our challeger for the throne with their female player Majesty, Howl!"
Napabuga ako ng hangin nang magsimulang lumakad si Yakuji na sinundan ng iba pa bago ako sumunod sa kanila. Ang maliwanag na spotlight ang siyang bumungad sa akin at ang ingay ng crowds na isinisigaw ang pangalan namin.
How I really miss this kind of feeling standing at the middle of the center stage? Ang sarap sa pakiramdam na muling makabalik sa buhay na pinili ko.
"We meet again, Fumiko. Are you ready to face me as your opponent?" ani ni Damon sa akin nang makipagkamay ako sa kanya kasama sina Yakuji na nauna na.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...