FUMIKO'S POV:
--
TAHIMIK na nakaupo lang ako sa passenger seat habang binabaybay ng sasakyan na siyang kinalulunaran namin ni Thud ang daan patungo sa bahay ng mga magulang ko.Mula nang lumabas ako mula sa kwartong kinalalagyan ni Tina ay hindi na ako umimik pa bukod sa pag-anyaya ko kay Thud na ihatid niya ako sa bahay. Gabi na rin at halos pauwi na ang mga tao mula sa kanilang mga bahay mula sa trabaho habang kami naman ni Thud ay pauwi sa bahay dahil gusto kong tanungin si Mama tungkol sa sinabi ni Tina.
"Fumi, okay ka lang ba?"
Malambing na tinig ni Thud ang siyang namutawi sa tenga ko kaya naman marahan akong lumingon dito.
"I'm fine, Thud. You don't have to worry about me." malamig na boses na sambit ko.
Bakas sa mukha ni Thud ang pag-aalala pero nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa bahay. Nang maiparada ni Thud ang kotse niya, agad akong bumaba at tiningala ang bahay namin na buhay ang lahat ng ilaw. Nang maramdaman kong nasa tabi ko na si Thud, nilingon ko ito ng bahagya bago ako naglakad papasok sa bahay namin.
Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko si Ate Rain sa sala kasama ang anak nila ni Kuya Fumiya kaya naman lumapit ako dito.
"Ate, nasaan po si Mama at Kuya?" usisa ki sa kanya.
"Fumiko?" nagtatakang tanong niya nang makita ako tila nagulat pa ito sa bigla kong pagsulpot. "Nasa kwarto namin ang Kuya mo may kinukuha lang, si Mama naman nasa kusina at si Papa hindi pa umuuwi galing sa pamamasada."
Tumango ako kay Ate Rain at sakto namang pababa si Kuya Fumiya.
"Fumiko? Thunder? What brought you here?"
Parang hindi gusto ni Kuya na nandito ako sa bahay gayong tatlong taon ko silang hindi nakasama. Pakiramdam ko hindi na ako welcome sa bahay na 'to.
"Nandito ako para kausapin si Mama, Kuya," mahinahong sambit ko.
"Nasa kusina siya, bakit hindi mo na lang puntahan?" ani ni Kuya.
Marahan na lamang akong tumango sa kanya at saka ako naglakad papuntang kusina at iniwan si Thud doon sa sala. Pagkarating ko sa kusina, nadatnan ko si Mama na abala sa pagluluto kaya naman lumapit ako sa mesa at umupo sa isang silya.
"Ma..."
Napalingon si Mama sa gawi ko dahil sa gulat nang tawagin ko siya.
"Oh, Fumiko? Sandali, matatapos na itong niluluto ko."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang pinagmamasdan si Mama sa ginagawa niya. How I miss this kind of scenario for the past three years nang hindi sila kasama. Yung tipong nagbabangayan kami ni Kuya at ang mga sermon ni Mama at Papa sa aming dalawa ni Kuya. Sa loob ng tatlong taon na 'yon parang nagkaroon ng gap sa aming lahat.
"Ma, anong alam mo tungkol kay Tina at sa nangyayari sa buhay ko?"
Natigil si Mama sa ginagawa niya at parang natulos ito mula sa kanyang kinatatayuan.
"A-Anong ibig mong sabihin anak? Hindi ba't nahuli na ng Kuya mo si Tina?" Hindi ito tumingin sa gawi ko, bagkus, nagpatuloy lang ito sa paghahalo ng kanyang niluluto.
"No, Kuya didn't catch her. One of my friends catches Tina and she stayed inside that building under their custody where I was in. Sinabi sa akin ni Tina na kung gusto kong malaman ang totoo, ikaw ang tanungin ko. Ano ang kaugnayan mo kay Tina at sa mga nangyayari sa buhay ko?"
Hindi ko mapigilang manginig ang boses ko dahil sa nagbabadyang luha.
Pinatay ni Mama ang kalan ngunit nanatili itong nakatalikod sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...