Game 49: Espiritu

47 4 0
                                    

FUMIKO'S POV:

Nang makabalik kami sa dressing room, ang nag-aalalang mukha nina Aries, Bugoy, Kuya Jobert, Kuya Chase, Ate Mika, at Ate Alessa ang sumalubong sa amin.

"Mukhang mahihirapan tayo sa grupo nina Espiritu," ani ni Kuya Jobert.

Pasalampak akong umupo sa mahabang sofa at walang atubiling isinandal ko ang katawan ko at hinayaang pumikit ang mga mata ko.

"Yeah, and it feels like they are targeting Fumiko. They didn't give her a chance to get back on her track." Rinig kong sambit ni David.

"What should we do now?" Usisa naman ni Yakuji.

Hinayaan ko lang silang mag-usap doon habang ako naman at tahimik na kinakalkula sa isip ko ang strategy ng grupo nina Espiritu. They did a lot of surprise attack for me and I admit I was caught off guard and they are really amazing when it comes to play the game.

Nang imulat ko ang mga mata ko, sakto namang pagbukas ng pinto at iniluwa 'non ang isang staff.

"Howl, please standby for your next game." Aniya bago kami nito iwan.

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at sumunod kina Yakuji nang walang iniwang salita sa mga kasamahan namin.

I keep on breathing to calm myself as we reach the backstage, and this time, I am ready to get what is mine.

Nang makaupo kami sa dati naming pwesto, agad kong sinuot ang headphone at sakto namang nagsalita si Yakuji.

"You don't look fine, Fumiko, are you okay?" Aniya na tila may halong pag-aalala sa boses nito.

I smiled at him. "Don't mind me, Yakuji,"

Tumango na lang sa akin si Yakuji at this time ang pinili kong mage ay isang batang bampira na naiiwan ang paa bilang parte ng ability niya as healer.

Hindi ako papayag na dito matatapos ang laro ko. Nag-uumpisa pa lang ako at hindi ang isang tulad ng Alpha ang makakapagpabagsak sa akin.

Nang magsimula ang laro, I did the same strategy what the group did to me. Nasa lane ako ni Asher and I am hiding inside the bush. I keep myself in check at pinakiramdaman ang mga kalaban. Nang walang gaanong kilos sa lane ni Asher, bumalik ako sa lane ko para magpa-level up.

Nasa mid lane na si Espiritu at mukhang nag-lie low ito sa pangbubwisit sa akin kaya naman naglakas loob akong makipag-bardagulan sa kanya at kabutihang palad napitas ko siya.

"First Blood."

I just smiled a bit and help myself to go where Asta's hero are. Pinagtutulungan siya ng tank at marksman ng kalaban kaya naman pinitas ko ang mga kalaban ni Asta nang walang pag-alinlangan at binasag namin ang turret nila.

"Asta, get back home and regain your mana. Yakuji help Asher for me." Utos ko.

Sinunod ni Yakuji at Asta ang sinabi ko hanggang sa mapunta ako sa lane ni Asher at katulong na nito si David at Yakuji. Winasak namin ang tore ng kalaban nang walang pag-alinlangan.

Nang makabalik si Astaroth sa lane niya, agad naman akong bumalik sa lane ko at nag-clear ng minion wave bago ako pumunta sa pagong na naghihintay sa amin pero nadatnan ko doon sina Espiritu na pilit pinipitas ang pagong.

"Yakuji and Asta, I need back up."

Panay ang pindot ko ng back-up button papunta sa pagong habang nakikipagbardagulan sa mage at fighter ng kalaban. Napitas ko ang core nila at sadyang makunat si Espiritu pero natyambahan ito ni Astaroth.

Nang mawala ang kalaban sa harapan namin, agad naming kinuha ang pagong at makalipas ang ilang minuto bumalik kami sa lane namin.

Napakunot ang noo ko nang mapansing nakaabang sa mid lane ang marksman at tank ng kalaban kaya naman pasimple kong tinungo ang mid at saka nagtanim ng paa sa bush ang kaso hindi sila mahagilap kaya naman umiwas na lang ako doon at saka tinulungan si Yakuji sa kanyang blue buff.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon