FUMIKO'S POV:
Natulala na lang ako sa screen habang tinititigan ang salitang defeat kasama ang logo ng Howl.
Lumipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto at iniluwa non sina Kuya Chase at Kuya Marion kasama sina Yakuji at ang iba pa. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at saka ako lumapit sa mga taong kararating lang.
Pasalampak na naupo si Aries sa sofa maging si Asher, Astaroth at David ay naupo sa tabi ni Aries. Si Yakuji naman ay malungkot na ngumiti lang sa akin at saka naupo sa isang single couch.
"Mahihirapan tayo sa susunod na laban. Masyadong magaling ang Bloodbath. Ano na ang gagawin natin?" Napatingin si Kuya Chase sa amin bago dumapo ang paningin nito kay Kuya Jobert na katabi ko. Magkasalikop ang mga braso nito sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Just go with the flow. If ever matalo man tayo, nasa semi-finals pa rin tayo at pwedeng makalaban natin ang Grimlins," seryoso lamang ang mukha ni Kuya Jobert habang nakatingin kina Yakuji na tahimik lang at parang malalim ang iniisip.
"Hindi ba talaga pwedeng maglaro si Fumiko?" Napakurap ako dahil sa tanong ni Aries na naging dahilan para matuon sa akin ang atensyon ng lahat.
"Aries, respect her condition. Siya mismo ang nagsabi na hindi niya kayang isakripisyo ang laro ninyo sa araw na 'to." May pagpapapaalang sambit ni Ate Alessa.
Nakagat ko na lamang ang labi ko at saka pumihit patalikod at muling tinahak ang pwesto ko kanina sa harap ng screen. Nag-uusap usap lang sila doon dahil may thirty minutes break sila bago makapaglaro ulit.
Magkasalikop ang mga kamay ko at saka tulalang nakatitig doon. Kahit na gustuhin kong makapagsalita ay hindi ko magawa. Ang hirap pala na mawalan ng isang parte sa katawan at yung pinakaimportante pa ang nawala sa akin.
Aminado naman akong maingay ako at mabunganga pero dahil sa trauma na naranasan ko, nawala ang kakayahan na 'yon imbes na magamit ko pa sa araw na nabubuhay ako dito sa mundong ibabaw. Ang sakit lang isipin na masyado na akong nagiging pabigat sa grupo namin.
Natinag ako sa kinauupuan ko nang may umakbay sa akin at paglingon ko si Asher at Astaroth ang bumulaga sa akin.
"Huwag mong damdamin ang sinabi ni Francisco, frustrate lang siya na manalo tayo."
Nginitian ko si Asher at saka iniyakap ang parehong braso ko sa bewang nilang dalawa.
"Don't worry about it Fumiko. It is part of the game and we were used to it. Ang pagkapanalo ay hindi magiging basehan sa kung ano ang meron tayo kasi kaakibat pa rin nito ang salitang pagkatalo. Tyaka okay lang naman sa amin na matalo minsan kasi doon mas nahuhubog ang kakayahan na meron ang bawat isa sa atin." Dugtong ni Asta.
Gusto kong sabihin sa kanila na kasalanan ko dahil hindi ako nagfocus sa instructions na ipinangako ko sa kanila. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyayari sa amin ngayon pero anong magagawa ko? Pabigat lang ako.
Inihilig ko na lamang ang aking ulo sa balikat ni Asta at hinayaan ko silang dalawa sa tabi ko habang ang iba ay nag-uusap usap sa susunod nilang gagawin. Hanggang sa makarinig kami ng katok sa labas ng pinto, tumayo na si Asher at Asta at saka lumapit kina Yakuji kaya naman sumunod na ako.
Pinagbuksan ni Kuya Chase ng pinto ang kung sino man ang nasa labas at isang staff ang naroon.
"Howl, standby na kayo sa backstage para sa game 2." Gamit ang kanilang salita, agad na naglakad si Yakuji palabas ng pinto na sinundan ni David, Asher, at Asta habang si Aries ay lumingon pa sa akin at saka ito lumapit.
"Sorry sa sinabi ko kanina Fumiko,"
Marahan akong umiling kay Aries at agad nagtype sa cellphone na kinuha ko mula sa aking bulsa.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...