Game 78: Clever

93 5 0
                                        

FUMIKO'S POV:

--
ISANG linggo na ang nakalipas mula nang usisain ko si Mama tungkol sa sinabi ni Tina at doon lang ako naliwanagan sa lahat ng nangyayari sa amin. Even Ate Iori knows about it that's why I didn't push any further to look more answers since I have it already at kontento na ako roon.

Sinabi rin sa akin ni Thud na pinadala sa Iceland si Tina at hinayaan ko na lang sila sa kung ano ang plano nila sa babaeng 'yon, gusto ko na lang na mamuhay ng tahimik at bumalik sa mundong kinagisnan ko kasama ang pamilya at mga kaibigan ko.

Kasalukuyan kaming nasa canteen ng HuPoFEL ni Thud at naglalaro kaming dalawa ng chess nang hindi alintana ang presensya ng ibang tao. Actually, kanina pa nagpapapansin ang mga kaibigan namin kay Thud pero wala yatang naririnig ang lalaki na nasa harapan ko.

"Thud, alam mo bang ang gwapo mo?" ani ni Saviel na nakapangalumbaba sa mesa kung saan kami naroon ni Thud.

Kanina pa sila nagbibitaw ng magagandang salita kay Thud pero hindi man lang natinag ang lalaki.

Nakapalibot sa amin sina Sav, Sinji, Ate Kastiel, Ate Iori, Ate Alanis, Ernaline at Celyn na parang nakakatuwa ang nakikita nila sa amin.

"Oo nga, Thud. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang gwapo mo." sang-ayon naman ni Ate Kastiel pero nagpipigil ito ng tawa habang tinitignan si Thud na nasa chess board lang ang konsentrasyon.

"Kung nauna ko lang nakilala si Thunder Clyborne baka naging crush ko siya," ani naman ni Ernaline.

"Sa true. If I didn't meet Calvin first, maybe I should take an opportunity to make landi with Thud," pa-conyo naman na ani ni Celyn na siyang ikinailing ko.

"Kontento na ako kay Rent, pero gwapo naman si Thud, malakas ang dating at habulin ng babae. Pwede nang pagtyagaan." Komento naman ni Ate Iori.

"Parang sinasabi mo na second option lang si Thud pero never magiging priority?" natatawang sabi naman ni Ate Alanis.

Iginalaw ni Thud ang kanyang pawn papunta sa gawi ko at iginalaw ko naman ang horse palayo rito. Sumandal ako sa upuan at humalukipkip habang pinagmamasdan si Thud.

"Ang gwapo," bulalas ko dahilan para mapatingin sa akin si Thud.

Humagikhik ng tawa ang mga babae sa paligid namin dahil naagaw ko ang atensyon ng binata.

Napag-usapan kasi namin kanina na pagtripan si Thud at sumang-ayon ako dahil tulad nila ay nabobored din ako kaya pinatulan ko na. Pinanindigan kasi ni Thud ang binitawan niyang salita noon na kapag nahanap na niya ang babaeng mamahalin niya ay hindi niya kikilalanin ang mga taong nasa paligid namin kaya ngayon siya na naman ang napagtripan.

Pinakita pa nga sa akin ni Rent ang video no'n at hindi ko alam kung saan niya nakuha. Marami pa sana 'yon pero hindi na ako pinayahan ni Thud na lumapit pa kay Rent sa hindi ko malamang dahilan kahit na ba asawa ito ni Ate Iori na pinsan ko.

"Alam kong gwapo ako, Fumi ko. Don't distract me." nagpa-cute pa ang loko bago nito inilapag ang pawn niya sa chess board at saka ako naglatag rin ng tauhan ko.

"Hindi kita dini-distract, sadyang gwapo ka lang talaga." gusto kong bumunghalit ng tawa dahil parang bulate na gumiling-giling si Thud sa kanyang upuan.

"S-Stop it! Kapag hindi ka tumigil bubuntisin kita agad."

Bigla akong nasamid at napaubo dahil sa sinabi ni Thud maging ang mga kasama namin ay natigilan.

"Walang label tapos mambubuntis? Ibang klase talaga si Dirkshied," rinig kong sambit ni Andrew na nasa kabilang mesa kung saan kasama si Cold at ang iba pa.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon