FUMIKO'S POV:
--
BANDANG hapon, pinatawag kaming mga players sa TCD Tech para pag-usapan ang susunod na laban namin. It's been a week since the bombing incident happen at maayos naman na si Yakuji. Walang complications na makikita sa katawan niya at ako naman ay pilit na kinakalimutan ang mga nangyayari sa akin this past few weeks."Sa tingin mo, sinong grupo ang makakalaban natin?" Usisa ko kaya Asher na nakaakbay sa akin habang binabaybay namin ang pasilyo sa loob ng TCD Tech.
"I don't know either?" Aniya at nagkibit-balikat pa. May subo pa itong lollipop sa bibig at halos pinagtitinginan din kami ng mga empleyado dahil nga sa pinagpala ang mga mukha ng kasama ko.
Pagkarating namin sa conference room ng TCD Tech, nadatnan namin sina Kuya Marion, Chase, Jobert, Ate Mika at Ate Alessa na naghihintay sa pagdating namin. Nang makapasok kami agad akong humiwalay mula sa pagkaka-akbay ni Asher at saka ako lumapit sa bakanteng silya na nasa tabi ni Ate Alessa at doon ako naupo. Nagkanya-kanya na ring pwesto sina Yakuji, David, Bugoy, Aries at Asher. Wala si Sytry ngayon at hindi ko alam kung na saan siya.
"Since, mahaba ang naging imbestigasyon ng organisasyon tungkol sa map hack, they decided to disband that group you've face during the competition inside the pro league." Panimula ni Kuya Jobert. Ito kasi ang nakatayo sa mini platform kung saan merong nakapaskil na projector sa kanyang likuran para makita namin ang progress ng laro. "Dahil sa paglabag nila sa rules, hinding-hindi na sila makakatuntong pa sa international stage sa kahit anong larangan tungkol sa mobile o computer games."
Sa unang bracket, naroon ang grupo ni Damon - ang Dead Demonia. Na sinundan ng grupong Mute Bash Gremlins, Alpha Impact, Mortal Scream, Bloodbath Bunnies at ang grupo namin na Howl. Sunod naming makakalaban ay ang Alpha Impact at hindi ako pamilyar sa players nila.
"Ang map hack ang isa sa mga ipinagbabawal sa mundo ng e-sports at isa ito sa mga dapat iwasan ng mga manlalaro pero meron pa rin talagang tao na gagawa ng ilegal para lang manalo." Pagpapatuloy ni Kuya Jobert. Humarap ito sa monitor kung saan naka-flash ang game bracket at saka bumulaga sa amin ang pictures nang players ng Alpha Impact. "Alpha Impact is one of the respected group next to Dead Demonia. Kung hindi lang nawala sa spotlight ang Howl, baka sakaling nasa atin pa rin ang trono. Sila ang susunod ninyong makakalaban at kailangan ninyong mag-ingat lalo ka na Fumiko,"
Natinag ako sa kinauupuan ko nang lumingon si Kuya Jobert sa gawi ko at ganun din ang ginawa ng iba pa.
"Makakalaban mo sa mid lane si Espiritu at tiyak na paiiyakin ka niya sa inis dahil sa galing niyang humawak ng hero. Mamayang gabi ay papanuorin natin kung paano silang maglaro para makagawa tayo ng strategy kung paano sila lalampasuhin."
Naging seryoso ang mukha naming lahat at hindi man lang kami kababakasan ng kaba gayong ikalawang sabak pa lamang namin ito. I am not bothered with other players since I already face a different kinds of attitude of all players. May mga katulad ni Espiritu na magaling sa paghawak ng hero at tiyak na mahihirapan ako sa kanya.
"Sa makalawa ang punta natin sa Indonesia at kailangan handa kayo sa nalalapit na kompetisyon. Like what we always say, play the hero and win the prize. Meeting adjourned."
Napasandal ako sa upuan ko at saka ako napabuga ng hangin. Ngayon pa lang ay napapaisip na ako kung paano ko mapapabagsak ang Alpha at sa mismong pag-alis namin ay siyang araw kung kailan ako isinilang sa mundong ibabaw.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at saka ako lumabas ng conference room. Naiwan doon ang mga kasamahan ko kaya naman pansamantala kong tinungo ang roof top ng TCD Tech. Paglabas ko mula sa pinto, sumalubong sa akin ang maalinsangang panahon gayong papalubog na ang araw.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romansa[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...