~ 5 years later ~
FUMIKO'S POV:
--
MAGKAHARAP na kumakain kami ni Kuya Aqueros sa isang mesa dito sa loob ng canteen ng HuPoFEL. It's been five years since I started to live with them at marami ang nangyari.Perth Dezrail married Ernaline Ashleigh, Kuya Reiden married Ate Kastiel, Sinji married Kuya Senri, Doc Gun married Ate Alanis and Rent married Ate Iori. Sa dami ng kaganapan sa buhay namin, nasaksihan ko kung paano silang maghirap at makipaglaban sa hamon ng buhay at doon ko nasaksihan ang solid nilang samahan.
"Why are you spacing out?" Napakurap ako ng mga mata ko sa harap ni Kuya Aqueros. I flinched a bit as I heard his voice.
Sa limang taon na siya ang gumagabay sa akin, palagi pa rin akong nagugulat sa tuwing magsasalita siya out of the blue. Mas sanay kasi ako na tahimik lang si Kuya Aqueros at magsasalita lang ito kung may kailangang iutos sa mga tauhan niya.
"Uhm, wala po. Naisip ko lang po yung mga nangyari sa nakalipas na ilang taon. May balita ka na po ba kay Kuya Fumiya at Thud?"
Bumaba ang paningin ni Kuya Aqueros at saka ito nagpatuloy sa pagkain. Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko dahil tiyak na ayaw sagutin ni Kuya Aqueros ang tanong ko.
Mula nang manatili ako sa loob ng HuPoFEL wala na akong balita sa mga nangyayari sa labas. Maging sina Yakuji, David, Asher at Astaroth ay hindi ko makausap dahil lagi silang wala sa HuPoFEL. I really miss my life how the way I enjoyed it. Pero dahil sa ginawa ni Tina, tuluyan nang nagbago ang buhay ko at hanggang ngayon ay wala akong ideya kung kumusta na ba ang pamilya ko.
Kumain na lang ako at hindi na inusisa pa si Kuya Aqueros at nang matapos ito ay agad itong umalis sa harap ko. Napapailing na lang ako sa sobrang busy niya at sa tuwing tinatanong ko siya tungkol sa pamilya ko, tatahimik na lang siya.
"Good morning everyone!" Ang malakas na boses ni Sav ang umagaw sa atensyon ko mula sa pagkain at saktong inabangan niya si Kuya Aqueros na papalabas na ng canteen.
"Turn down your voice,"
"At bakit? Masaya ako today kaya huwag mo akong utusan," pumamewang pa si Sav sa harap ni Kuya Aqueros pero nilagpasan lang nito ang babae at nagpatuloy sa balak nitong bumalik sa opisina. "Tignan mo 'tong bastos na 'to? Hmmp! Bahala ka nga sa buhay mo."
Nagmartsa si Sav papasok ng canteen at tinungo niya ang pwesto ko at naupo sa iniwang silya ni Kuya Aqueros.
"Good morning Fumiko, gusto mo bang sumama sa aming mga girls?" aniya.
"Saan naman tayo pupunta?" Tinapos ko muna ang pagkain ko para harapin si Sav. Nakakahiya naman kung hindi ko mauubos ang pagkain ko lalo na't si Perth Dezrail ang nagluto.
"Sa beach resort ni Kaizen, band member ni Ernaline 'yon. So, g ka ba?"
"Papayagan ba ako ni Kuya Aqueros? Sabi niya kasi hindi ako pwedeng lumabas ng HuPoFEL," may pag-aalinlangang sambit ko kahit na ang totoo ay gusto kong gumala sa labas at makita kung ano na ang itsura ng mundo.
"Sus! Kami na ang bahala sa'yo. Kasama natin si Kastiel at Alanis na handa kang protektahan sa kahit anong sakuna at isa pa lahat kami mga skilled assassin except kay Ernaline, Iori at Celyn syempre."
Ngumiti ako kay Sav. "Sige, sasama ako. Pero ipagpaalam mo ako kay Kuya Aqueros,"
"Yun lang pala, basic lang 'yan."
Umalis si Sav sa harap ko at saka siya patalon-talon na umalis ng canteen na tila tuwang-tuwa dahil pupunta kami ng beach. Never in my entire life I experience such kind of thing. Computer at bahay lang ang naging mundo ko noon.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...