Game 65: Abduction

57 6 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
NAGPAIWAN ako sa labas ng hotel dahil hindi ko pa kayang makaharap ang mga kaibigan ko dahil sa nangyaring pagkatalo namin. Sasamahan sana ako ni Bugoy at Aries pero ako na mismo ang tumanggi kaya wala silang nagawa kundi ang payagan ako.

"Sigurado ka ba na hindi ka muna sasama sa room natin?" May pag-aalalang tanong ni Ate Mika.

Nginitian ko lamang ito para iparating na ayos lang ako.

"Kung may kailangan ka, huwag kang mag-atubiling magtext sa amin Fumiko," Sabat naman ni Ate Alessa hanggang sa iwan nila ako sa ground floor.

Hindi naman ako lalayo sa hotel na tinutuluyan namin dahil wala naman akong kakilala dito bukod sa mga kasamahan ko. Tinungo ko ang isang mini garden na nasa gilid lang ng hotel at naupo ako sa upuan na gawa sa bakal. Tulala lang ako habang nakatingin sa kawalan.

"Kung sakaling naglaro ako kanina maipapanalo ba namin yun? Sa tingin ko hindi, lalo na sa sitwasyon ko."

Napabuga na lang ako ng hangin at saka kinuha ang phone sa jersey na suot ko at saka tahimik na binuksan ang FFD at naglaro. Masyado akong nilamon ng paglalaro ko hanggang sa biglang may tumakip ng tela sa ilong ko at hindi ko nakita kung sino yun at nawalan ako ng malay.

"Sigurado ka na ba sa balak mong ito?"

"Malamang oo. Bakit ba parang takot na takot?"

"Dahil hindi biro ang makakalaban natin kapag nalaman niya ito!"

Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila at pakiramdam ko nasa ibang planeta ako.

Akmang imumulat ko ang mga mata ko pero tanging dilim lang ang nakikita ko at mukhang nakapiring ako. Hahawakan ko sana para tanggalin yun pero doon ko lang napagtanto na nakatali din ang mga kamay at paa ko at tila nakalagak lamang ako sa sahig.

"Malaman niya man o hindi wala akong pakialam. Kaya nga ginagawa natin 'to dahil siya ang susi para mawasak ang organisasyon na 'yon."

"Bahala ka!"

Rinig ko ang pagbukas at sara ng pinto kaya naman pinilit kong bumangon, kahit nahihirapan ay nagawa ko pa ring makaupo at nakahinga ako ng maluwag dahil tuluyan na akong nakabangon.

"So, you're awake?" Ani ng taong narinig ko kanina. Parang pamilyar sa akin ang boses niya.

Nakarinig ako ng yabag at mukhang papalapit ito sa gawi ko at nang tumigil ito, marahas niyang hinablot ang piring sa mga mata ko at halos masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa ilaw na siyang nagbibigay buhay sa paligid namin.

Napapikit ako ng mariin at hinayaan ang sarili ko na mag-adjust sa liwanag at nang unti-unting luminaw ang paningin ko, ang nakangiting mukha ng isang babae ang tumambad sa akin.

"Hello, Fumiko," ngiting aso itong bumati sa akin.

"Tina!"

Naningkit ang mga mata ko nang makilala ang taong 'yon. Nagpumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa akin. Gusto ko siyang sabunutan pero hindi ko magawa yun dahil nakatali ang mga kamay ko.

"Ang tahimik mo yata Fumiko? Na saan na ang tapang mo noong huli tayong magharap sa labas ng bahay niyo?" May halong pang-aasar ang boses ni Tina pero tinignan ko lang siya ng masama.

Umupo si Tina sa harap ko at pinakatitigan ako mabuti. Dinakma niya ang aking pisngi gamit ang kanyang isang kamay at pinisil yun ng mahigpit. "Bakit hindi ka makasagot Fumiko? Natatakot ka na ba sa pwede kong gawin sa'yo?"

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon