FUMIKO'S POV:
--
GAYA ng napag-usapan, nagtipon-tipon kami sa bahay nina Aries and as usual nasa garden kami. Hindi na rin ako nakakapunta sa computer shop ni Kuya Brent dahil nga sa naging abala kami nina Aries sa pagbuo ng grupo para lang makasali sa naturang kompetisyon sa mundo ng e-sports.Alam kong marami ang hindi alam kung paano nga ba ang gagawin sa ganitong aspeto at gaya ng iba, walang maniniwala sa'yo hanggat wala ka pang napapatunayan. At pangarap ko talaga na mapabilang sa mundo ng e-sports para tuklasin kung ano pang kakayahan ang meron ako at tuparin ang gusto ko na gumawa ng sariling laro na tiyak mai-engganyo ang tulad kong manlalaro.
"Here's your phone." Inabot sa akin ni David ang isang paper bag na may lamang phone at nagulat ako dahil latest phone 'yon ng mansanas.
Agad kong kinuha ang box ng phone at halos malaglag ang panga ko. Hindi ko pinangarap ang phone nito pero grabe ngayon lang ako makakahawak ng ganitong gadget.
"David, mahal 'to diba?" hindi makapaniwalang wika ko bago ko binuksan ang box ng phone.
"Nah. Take it as a gift. Bugoy has it too and so as Aries. Here,"
"Oy. Ayos! Pangarap kong gaming phone 'to." Bulalas naman ni Bugoy nang abutin ni David ang isa pang paper bag sa kanya.
"Salamat David." wika ko.
"Salamat pare, ipapanalo natin ang laro na 'to." Dugtong naman ni Bugoy at saka inatupag ang phone niya na silyado pa katulad nang sa akin.
"Paano ba 'to buksan?" nahihiyang tanong ko.
Lumapit sa akin si Yakuji at saka inagaw ang phone ko bago lagyan ng case at screen protector. Tinuro sa akin ni Yakuji kung paano gamitin ang phone na mabilis ko namang natutunan. Hindi naman pala mahirap na manipulahin ang aparato na to na may mansanas sa likod.
"You can enter your social media accounts if you want. Here, I also downloaded the game on your phone." Binalik sa akin ni Yakuji ang phone ko at nagpasalamat dito.
"Tara, picture tayo." anyaya ni Bugoy na agad naming pinaunlakan at ginawang wallpaper ang picture naming lima.
Muli kaming bumalik sa upuan at nagsimulang mag-usap-usap sa magiging role namin sa laro.
"Ano magiging role ko?" tanong ko sa kanilang apat dahil nagdesisyon na sila ng kanilang role samantalang ako ay wala pa.
"Can you do the multi-role?" ani ni David.
"Si Bugoy ang tank natin, Yakuji will be the core, si David ang marksman, mage ako tapos ikaw Fumiko sa multi-role or pwede ka sa fighter." sambit naman ni Aries.
"Sige." Tugon ko na lamang.
Nagsimula ang ensayo naming lima. Akala ko mahirap manipulahin ang Fuseflight pero madali lang pala katulad ng sa Dota. Halos sunod-sunod ang panalo namin at madali kaming naka-rank up.
Nakakalula lang 'yong mga nasa top global dahil talaga namang batak sila sa laro at mukhang hindi na natutulog para lang makuha ang goal sa laro.
"Victory!" Sabay-sabay na tunog ng phone namin at pabagsak akong naupo sa upuan ko matapos kong bitawan ang phone. Magtatakip-silim na rin at halos hindi ko namalayan ang oras.
Biglang tumunog ang phone ni Aries kaya naman tinignan niya ito na siyang ipinagtaka ko dahil nagsalubong ang kilay niya.
"Bakit?" usisa ko bago umayos ng upo at ipinatong ang pareho kong braso sa ibabaw ng mesa.
"Nabago ang schedule. Bukas na bukas magkakaroon ng elimination round ang Fuseflight at kailangang dumalo ang mga manlalaro."
Dinamba ako ng kaba dahil kakabuo lang ng grupo namin.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Любовные романы[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...