FUMIKO'S POV:
--
SUKBIT ang aking bag na naglalaman ng ilang pirasong damit, ticket, visa at wallet, kasalukuyan kaming naghihintay ng masasakyang eroplano dito sa NAIA and as usual si Homare pa rin ang sasakyan namin.Medyo nababahala ako sa magiging resulta ng laro namin ngayon dahil sa hindi ako makakapaglaro. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakapagsalita mula nang maospital ako pero sabi naman ng Doctor ay dala daw ng trauma mula sa karahasan na nasaksihan ko na naging dahilan ng pagka-coma ni Chris at Brix.
Maayos na ang kalagayan ni Chris pero si Brix hindi pa rin nagigising at yun ang ikinababahala namin na baka hindi na ito muling magmulat pa ng mga mata. Halos mag-iisang taon na ring tulog si Brix at nasa kalagitnaan na kami ng school year nang magising si Chris.
"You okay?"
Napalingon ako sa tabi ko at bumulaga si Yakuji, sukbit ang kanyang bag habang may nakasabit na earphones sa sa kanyang leeg.
Marahan akong tumango kay Yakuji bilang sagot. Hindi ko kasi dinala ang Ipad na niregalo sa akin ni Kuya Marion at tinatamad akong magtype sa phone ko.
"If you need anything don't hesitate to approach us, okay?" Habilin pa nito.
Tipid akong ngumiti dito at saka muling ibinaling ang paningin sa runway. Nasa labas kami ng airport at dahil private plane ang sasakyan namin, hinahayaan kami ng security na tumambay sa labas.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang eroplanong sasakyan namin at tila nagbago ang disenyo nito pero ang kulay silver at red ay ganun pa rin. Umakbay si Asher sa akin at saka ako iginiya palapit sa eroplano. Sumalubong sa amin si Perth Dezrail at Senri nang makapasok kami sa loob na siyang ipinagtaka ko dahil sa pagkakaalam ko myembro ng bandang BlackHand si Senri.
"Dude, si Senri Kurusaki yan, di ba?" Rinig kong bulong ni Aries. Isa kasi ito sa mga fan ng BlackHand at nahawa lang ako sa kanya dahil yun ang pinapakinggan niya tuwing pupunta kami ni Bugoy sa bahay nila.
"Nakikita ko pre, huwag mo nga akong sakalin." Napipikang sagot naman ni Bugoy.
"Welcome to Homare, just a simple reminder. This airplane is not the one you usually ride on. It's the high-tech version because the first one is under maintenance, so we used this thing for emergency purposes only." Ani ni Perth Dezrail.
"Dezrail and I will be your pilots, so sit back, relax, and don't feel pressure when we are in the air because this is not the plane you used to ride on." Dugtong naman ni Senri.
Gusto ko sanang magtanong kaso hindi nga ako makapagsalita kaya nagkibit-balikat na lang ako. Bumitaw ako mula sa pagkakaakbay ni Asher at saka tinungo ang isang sulok na malapit sa bintana at doon ako naupo. Pang isahan lang 'yon. Meron namang pang-tatluhan at dalawahan pero pinili ko ang pwesto na ito dahil trip kong mapag-isa.
Mas malambot din ang upuan na ito kaysa sa unang Homare na nasakyan namin at merong digital screen sa harapan. Nakasabit din sa gilid nito ang isang balot ng plastic at paper bag at sa bandang paanan ko ay ang trash bin. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang kung sino mang sasakay dito ay tiyak na babaliktad ang sikmura.
Sumandal na lamang ako sa upuan at hinayaan ang sarili kong nakatitig lang sa labas. Rinig ko pang nag-uusap-usap ang iba pero wala doon ang atensyon ko. Mula nang mangyari ang insidente sa buhay namin, nahinto ang paglalaro namin sa pro league at ito na ang panibagong season sa mundo ng Fuse Flight.
Alam ko namang kasalanan ko ang lahat dahil muli na namang nahulog sa kadiliman ang Howl at nadagdagan pa dahil sa hindi ako makapagsalita ng maayos. Hindi namin inabot ang finals last year dahil sa pagpapagaling ko at ngayon ay muli kaming babalik sa entablado at gaganapin sa China ang bagong season ng Fuse Flight.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romansa[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...