Game 80: Finale

47 2 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
TULALA lang ako sa kinauupuan ko habang sina Sav, Sinji, Ate Kastiel, Ate Alanis, Ate Iori, Ernaline at Celyn ay pawang natataranta at hindi alam kung alin ang uunahin. Ito na kasi ang araw na ikakasal kaming dalawa ni Thud at talaga namang mas excited pa sa akin ang mga babaeng kasama ko sa loob ng hotel room na siyang pagmamay-ari ni Kuya Trev; ang TDB Hotel and Casino.

"Pwede bang kumalma kayong lahat?" mahinahong sambit ko kahit na nakatulala lang ako sa kawalan.

"Kalmado kami Fumiko, ikaw nga tulala lang dyan. Napag-isip-isip mo na ba na mali ang desisyon mong magpakasal kay Thunder Clyborne?" ani ni Ate Kastiel kaya naman napalingon ako rito.

"Ate naman para kang others. Pag narinig 'yan ni Thud malamang iiyak 'yon. At tama ka, parang pinagsisihan ko nga ang pagpapakasal sa kanya."

Nagsihagalpakan ng tawa ang mga babaeng kasama ko sa hotel room dahil sa sinabi ko.

Paano ba naman kasi, malaking usapan sa mundo ng e-sports ang pagpropose ni Thunder at hindi ko akalain na sikat pala ang lintik na 'yon sa paglalaro ng DOTA 2. Wala akong kaide-ideya na isa ring pro player si Thud at marami siyang fan base at mostly ay mga lalaki pero majority ay babae.

At ngayon nga ay inaabangan nila ang pag-iisang dibdib namin ni Thud bilang Hari at Reyna ng e-sports.

"Ang mabuti pa isuot mo ang wedding gown mo at baka hindi na mapakali si Thud at maisipan no'n na sunduin ka bigla." ani naman ni Ate Iori na siyang ikinatawa ko.

Kanina pa kasi ako naayusan ni Sinji at Sav at lahat sila ay nakabihis na rin. Sa manila cathedral gaganapin ang kasal namin ni Thud at hindi ko man lang nakilala ang parents niya although okay lang naman sa akin dahil ayaw ko namang makadaupang palad ang mga taong nagpahirap sa mama ko.

Sinabi na rin pala ni Papa ang tungkol sa bagay na 'yon at tinanggap naman ni Mama ang katotohanang anak niya talaga kaming dalawa ni Kuya Fumiya at ang angkan ng Dirkshied at Dirt Circle ang nagpahirap sa kanya noon.

Inalalayan ako ni Ate Kastiel at Ate Iori na miasuot ang wedding ko at namangha ako sa ganda no'n. Si Sinji nga pala ang gumawa ng wedding ko at saktong-sakto sa katawan ko ang damit.

Inilagay na rin ni Ate Iori ang belo sa aking ulo at iniabot ni Celyn ang boquet sa akin. Si Sav nga pala ang maid of honor ko at si Cassius ang Best man ni Thud. Si Kuya Aqueros sana kaso siya ang tatayong magulang ni Thud.

Hindi ko inaasahan na isa palang abogado si Kuya Aqueros. Tatahi-tahimik lang pero 'yong achievements niya halos lagpas na sa universe.

"Wow! Ang ganda mo girl!" bulalas ni Sav nang masilayan nila ang kabuuan ko.

Nakapusod ng pabilog ang buhok ko para kapitan ng belo at may ilang hibla na iniwan si Sinji sa bandang gilid ng mukha ko. Kung dati pinangarap ko lang na maging isang pro player at gumawa ng sariling laro, ang binigay sa akin ni Lord isang pro player at may ari ng TCD Tech. Bongga!

Lumabas na kami ng hotel room at sinamahan ako ng mga babae hanggang sa mapadpad kami sa ground floor. Nadatnan namin ang mga magulang ko na naghihintay at napangiti sila nang makita ako.

"Ang ganda mo anak." sinalubong ako ni Mama at niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ang ginawa ni Papa sa akin habang si Kuya ay nakangiti lang sa amin.

"Thank you, Ma, Pa at Kuya," Humiwalay ng yakap sa akin si Papa at inakbayan ako.

"Mag-ama nga tayo. Akalain mong si Thunder Clyborne lang pala ang huhuli sa'yo?"

"Papa!"

"Naku, Tito nagsisisi na raw si Fumiko na pakakasalan niya si Thunder Clyborne. Mukhang nagising na sa katotohanan."

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon