FUMIKO'S POV:
Tanghali na nang makalabas kami ng auditorium at nakakaramdam na rin ako ng gutom at pagod gayong naupo lang naman ako sa silya ng ilang oras.
"Fumiko, gusto mong sumama?" Untag sa akin ni Bugoy habang naglalakad kami sa pasilyo.
"Saan ang punta niyo?" Usisa ko.
"Having our lunch? Nakakagutom pala makinig doon." Ani naman ni Aries.
David, Yakuji and the others are all looking at me so I don't have a choice but to meddle with them. Sila lang rin naman ang mga kakilala ko rito at isa pa wala akong kaibigang babae.
"S-Sige. Sasama na lang siguro ako sa inyo." Nahihiyang sambit.
"Tara sa canteen." Nakangiting anyaya ni Aries.
Nanguna sa paglalakad si Cold katabi si Andrew at nasa likuran nito sina Griffin, Astaroth, Asher, Ruax, and Sytry. Samantalang kaming lima nina Aries, Bugoy, Yakuji at David ay nasa pinaka-hulihan. Parang pinapalibutan nila ako na any minute ay may susugod sa amin pero pinagtitinginan lang naman kami ng mga estudyante lalong-lalo na sa akin.
Gusto ko na lang na bumuka ang lupa at lamunin ako dahil sa hiya na nararamdaman ko. Makalipas ang ilang minuto, narating namin ang canteen at halos malaglag ang panga ko dahil parang nasa isang five star hotel kami na sa mga magazine ko lang nababasa at nakikita.
Gawa sa glass walls ang paligid ng canteen maging ang sahig nito at tila salamin. Halos masilip ko nga ang suot kong cycling na pang ilalim kaya agad kong tiniklop ang palda ng suot kong damit. Ang mga mesa ay gawa rin sa salamin at ang mga upuan at gawa sa bakal na parang isang party ang gaganapin sa lugar na ito.
Nagtungo ang grupo namin sa pinaka sentro ng canteen at isang round table ang naroon na gawa sa matigas na kahoy. Makintab rin ito at may nakahanda nang mga plato, kutsara, tinidor at baso. I feel awkward when I slid myself on one of the chairs. Maging sina Aries at ang kasama namin ay tahimik na naupo sa kani-kanilang silya at ako lang ang babae rito sa grupo.
"What do you want to eat, Fumiko? It's on me." Ani ni David nang makaupo kami.
"Uhm, feeling ko hindi ako nababagay dito. Canteen ba talaga ito o restaurant?" Nakangiwing usisa ko kay David.
Napalingon ako sa gawi ni Andrew nang marinig kong tumawa ito dahil sa tanong ko. "Get used to this school because you will see an international scene here. As I recall, the two of you are scholars except for Aries, right?"
"Oo." Tipid na sagot ko.
"If anyone here is bullying you, especially Fumiko, don't hesitate to ask for our help. Right now there are many spoiled brats here who look down on scholars like you. It's not that I'm scaring you, but right now you should be aware of your surroundings."
Marahan akong tumango kay Andrew. Mukhang mababait naman sila, yun nga lang meron talaga sa paligid nila na nababalot ng misteryo.
Tumayo na si David at hinila nito si Sytry na tahimik lang at saka sila lumapit sa counter para siguro mag-order. Akmang tatayo na rin ako nang pigilan ako ni Yakuji sa braso.
"Stay where you are. David and Sytry can handle all the food for us." Ani ni Yakuji.
Tumango na lang ako at saka umayos ng upo. Kinuha ko na lang rin ang phone ko mula sa maliit na bag na dala ko. Pakiramdam ko mahihiya ang 100 pesos na bigay sa akin ni Kuya kanina bago ako umalis ng bahay.
Nang buksan ko ang screen ng phone ko, bumungad sa akin ang text messages ni Kuya Fumiya. Nangangamusta ito kung ano ang nangyari sa orientation kaya sinagot ko ito na okay lang naman.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...