Game 50: Birthday

31 3 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
"VICTORY!"

Napabuga ako ng hangin matapos lumabas sa screen ng phone na gamit ko ang pagkapanalo ng grupo namin mula sa Alpha.

Pabagsak akong sumandal sa gaming chair ko at doon ko lang naramdaman ang pagod. Sa ilang oras na pakikipagbakbakan namin sa mobile game, dito lang ako nahirapan sa Alpha at tama nga si Kuya Jobert. Although hindi naman ako napaiyak ni Espiritu sa laro dahil hindi naman ako ganun kahina para pabagsakin sa ganoong estratehiya lang.

"Let's go." Ani ni Yakuji matapos nitong tanggalin ang head phone na suot niya kaya naman agad na kaming sumunod sa kanya para batiin ang Alpha at makipag-kamay dito bilang tanda ng sportmanship.

Nang makarating kami sa kabilang panig kung saan naroon ang Alpha, halos hindi na magkamayaw ang sigawan ng mga manunuod sa arena dahil sa pagkapanalo namin habang ang mga tagahanga naman ng Alpha ay pawang mga dismayado. Isa-isa naming kinamayan ang kapwa namin manlalaro at nang tumapat ako kay Espiritu, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko kaya naman napatingin ako dito.

"Do you think this will be the last we will face each other?" Seryosong sambit ni Espiritu.

"If I am given a chance to be with the team, I guess we can." Tipid na sagot ko.

Ngumisi si Espiritu sa akin, hindi 'yon pang-insulto kundi isang ngisi na tanggap niyang natalo siya at ako ang panalo.

"I'm looking forward to it, Yamamoto. Goodluck for your journey. I'll wait for you and your team for the finals."

Nagkibit-balikat na lang ako at saka ako naglakad paalis nang bitawan niya ang kamay ko. At nang mapunta kami sa gitna ng stage, tumungo kami bilang pag galang at pasasalamat sa mga tagahanga ng Howl bago kami dumiretso papuntang backstage pabalik sa dressing room kung saan naroon ang iba pa naming kasamaan.

"Did something happened between you and Espiritu?" Untag sa akin ni David nang sumabay ito sa paglalakad ko maging si Yakuji ay napahinto kaya naman lahat kami at tumigil sa gitna ng hallway.

"He cornered her inside the comfort room." Si Asta ang sumagot para sa akin na siyang ikinangiwi ko.

Hindi naman kasi maganda na madatnan sa c.r ng babae ang lalaki at mabuti na lang at sina Asta ang nakakita sa amin kanina. Kung ibang tao 'yon, malamang issue malala 'yon kinabukasan.

"What?" Magkapanabay sa sambit ni Yakuji at David.

"Wala naman siyang ginawang masama. Isa pa, kinausap niya lang ako kanina at nandoon naman sina Asta." Depensa ko.

"We don't know what he is planning to, Fumiko. You should take care of yourself especially your surroundings. They're just surprise of us having a girl player inside the team." Habilin ni Yakuji.

Nagsimula itong maglakad at saka namin tinahak ang dressing room ng grupo namin.

"Alam ko naman 'yon." Nakangusong sambit ko.

Nang buksan ni David ang pinto ng dressing room namin, sumalubong sa amin ang nakangising mukha nina Aries, Bugoy, Kuya Jobert at ng iba pa.

"Naks! Congratulations guys." Nakipag-high five si Aries at Bugoy sa amin pero pagdating sa akin bigla silang nagtaka sa itsura ko.

"Bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na nanalo tayo?" Usisa ni Bugoy.

"Hindi ah. Ang saya ko kaya." Depensa ko.

"Masaya ba yung nakabusangot?" Segunda naman ni Aries na lalong ikinalukot ng mukha ko.

"She frown like that because Espiritu cornered her inside the comfort room earlier before we proceed to the last game." Ani ni Asher na ngayon ay may pagkain na sa bibig. Napaka-masiba talaga ng isang ito pero maganda ang katawan.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon