Game 19: Usual days

82 6 1
                                        

FUMIKO'S POV:

--
MAAGA pa lang ay gising na ako at agad akong bumangon sa kama para magluto ng breakfast naming lahat. Hindi ko naman alam na puro instant lang ang kinakain nila at minsan nagpapadeliver na lang ng pagkain kaya tuwang-tuwa si Asher at Astaroth dahil makakakain na raw sila ng lutong bahay.

Noon ko lang din napag-alaman na anak mayaman ang kambal at kahit magkaiba ang gamit nilang apelyido, nabibilang pa rin sila sa angkan ng Wixx. Hindi ko nga alam kung bakit McKenna ang gamit na apelyido ni Asher pero aniya, trip niya lang daw 'yon para asarin ang parents nila.

Tulad ko, labag din ang loob ng magulang nila na sumabak sa ganitong larangan ang kambal. At dahil nga lumaki ang mga ito sa marangyang buhay, hindi naman na raw kailangan na magpakahirap ang dalawa dahil may sariling kompanya ang kanilang Ama pero nagbibingihan umano ang dalawa.

Paglabas ko nang kwarto, tahimik na pasilyo ang bumungad sa akin kaya naman agad akong tumungo sa hagdan at marahang inihahakbang ang paa ko para hindi ako makagawa ng ingay hanggang sa makarating ako ng kusina.

I decided to cook the usual breakfast here in the Philippines like fried rice, sunny side up, bacon, hotdog and bread. Tiyak na matutuwa na naman ang kambal na 'yon kapag nakita nilang nagluto ako. Ito na lang din siguro ang kabayaran ko bilang parte ng grupo nila at mapasama sa pro-scene.

Abala ako sa pagluluto nang marinig ko ang mahihinang yabag papasok ng kusina kaya naman nilingon kung sino 'yun at ganun na lamang ang pagkabigla ko nang makita si Yakuji na walang suot na pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot nito.

"Good morning," bati nito nang makita akong may hawak na spatula. Lumapit ito sa ref at kumuha ng isang box ng gatas at walang pag-alinlangang umupo sa silya at tila wala sa sariling nagsalin ng gatas sa kanyang baso.

Hindi ko na lang pinansin si Yakuji at saka muling nagpatuloy sa ginagawa ko. Nang matapos akong magluto ay siya namang pagsulpot kambal at tulad ni Yakuji, tanging boxer shorts lang ang suot ng mga ito samantalang si David naman ay nakasuot na ng uniporme pampasok sa university.

"Good morning, Fumiko," sabay na bati ni Asher at Astaroth habang pupungas-pungas ang mga mata nito na tila inaantok pa.

"G-Good morning." Nakangiwing sambit ko sa kanila.

Sanay naman ako na makakita ng katawan ng lalaki dahil kay Papa at Kuya pero sa sitwasyon ko ngayon, parang mawawalan ako ng hangin sa katawan dahil sa tatlong lalaki na nasa harapan ko. Tila mga gigolo ang mga ito at kulang na lang ay maghubad sa harapan ko ng ganito kaaga.

"Ya! Why didn't you fix yourself before going downstairs!?" Pagalit na sambit ni David nang makita niya ang tatlong walang suot na kahit ano bukod sa boxer shorts.

"What? It's too early to have your sermon, David," tamad na sagot naman ni Astaroth at saka nagsimulang atupagin ang pagkain.

"Maybe you're forgetting that we have a girl with us inside the boot camp?" Pagpapaalala naman ni David.

Napalingon sa akin at tatlo at mukhang disoriented pa ang mga ito at nang ma-realize nila ang kanilang itsura, nagmamadaling umalis si Yakuji dala ang box ng gatas samantalang ang kambal ay bigla na lang akong dinamba ng yakap.

"Fumiko, why you didn't wake us up?" Ani pa ni Asher habang ikinikiskis ang kanyang noo sa pisngi ko.

"Bitawan niyo nga akong dalawa at baka may mahawakan ako na hindi dapat mahawakan." Saway ko pa sa kanila.

Akala ko bibitawan nila ako pero agad nila akong hinila palapit sa mesa at pwersahang pinaupo sa silya at pinagitnaan nila akong dalawa.

"You should eat now before we go to school." Ani pa ni Asher.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon