FUMIKO'S POV:
Naiinis na humiga na lang ako sa sofa at saka kinuha ang phone ko mula sa bulsa ng suot kong pantalon at binuksan ang what'sapp kung saan kami nag-uusap nina Aries.
Umangat ang isang kilay ko nang magsunud-sunod ang notif sa phone ko mula sa group chat na ginawa namin hanggang sa mga personal message ni Aries at Bugoy. Una kong binuksan ang GC namin at puro pictures ni Aries at Bugoy na half naked ang tumambad sa akin, maging si David at Yakuji ay nakikisabay sa trip ng dalawa.
Sunod kong binuksan ang message ni Bugoy at nangangamusta lang ito kaya naman agad akong nag-reply na ayos lang naman ako. Akmang bubuksan ko ang message ni Aries nang biglang mag-ring ang phone ko at isang video call ang tumambad sa akin mula sa app ng skype kaya naman agad ko 'yong sinagot.
Tumambad sa akin ang bulto ni Aries na nakapangalumbaba katabi ang screen ni Bugoy na nag-iigib ng tubig at si David na padapang nakahiga sa kama niya. Wala si Yakuji at mukhang hindi pa ito nakakauwi.
"What's up, Fumiko?" Bati ni Aries sa akin nang makita ako kaya naman hinarap ko ng ilang dangkal mula sa aking mukha ang phone na hawak ko since nakahiga nga ako sa sofa namin.
"Ba't napatawag yata kayo? Naisturbo niyo pa si David na mukhang pagod." Sagot ko naman.
"Hindi ko na kasalanan kung sinagot niya ang tawag ko rito sa GC natin sa Skype. Bored kasi ako rito sa bahay." Ani pa ni Aries.
"Sus! Bored ka pala, sana ako ang tinawagan mo para natulungan mo ako sa pag-iigib ng tubig?" Sambit naman ni Bugoy na naliligo na sa sariling pawis.
Mukhang pinagkakaguluhan din ito ng mga dalaga sa paligid niya dahil wala itong suot na damit. Gwapo naman si Bugoy at may dating din naman, yun nga lang pareho kaming laki sa hirap.
"Dude, you should thank me for not stealing your fans if I go there. Minsan ka na nga lang pagpantasyahan ng mga babae tapos isasama mo pa ako para mag-igib?" Biro naman ni Aries.
"Ang sabihin mo tamad ka lang. Tara, laro ng FFD mamaya?" Anyaya pa ni Bugoy.
Ni hindi man lang ako makasingit sa usapan nila maging si David ay walang pakialam pero sinagot naman ang tawag ni Aries.
"Sali ka, Fumiko?" Untag ni Aries sa akin kaya naman napatingin ako rito.
"Saan?" Usisa ko.
Natawa si Aries at Bugoy dahil sa tanong ko kaya naman nangunot ang noo ko.
"Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" Dugtong ko pa.
"Wala. Mukhang lutang ka eh, may nangyari ba?" Natatawang tanong ni Bugoy habang nagbubomba ng poso. Raket nito ang pag-iigib at sampung piso bawat timba na napupuno niya at ginagawang dumb bell ang tangkay ng poso.
"Wala naman. Pero nagkita kami ni Yakuji kanina." Mahinang sambit ko bago ako bumangon at umayos ng upo sa sofa.
"Huh? Bakit?" Magkapanabay na tanong ni Aries at Bugoy. Si David naman ay bumangon mula sa kama nito at mukhang naging interesado sa sasabihin ko dahil humarap ito sa camera ng phone niya. Nagmukha tuloy kaming may virtual conference.
"Tungkol sa lupa na binigay niya kay Kuya para patayuan ng restaurant. Diba nabanggit ko na sa inyo na ipapagamit ko kay Kuya ang perang napanalunan natin? At sabi niya gusto niyang magtayo ng resto then I asked Yakuji about it kaya nakipagkita kami sa kanya kanina kasama si Mama. And guess what? He even transfered that lot under my name." Mahabang paliwanag ko.
"Ah, yun lang pala. Akala ko kung ano na." Sambit ni Aries.
"Finnegan told me about it and I am the one who said it about transferring that lot under your name." Sabat ni David na siyang ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...