Game 56: Threat

64 5 0
                                        

FUMIKO'S POV:

--
NAMALAYAN ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan ni Thud at hanggang ngayon ay tulala pa rin ako at tumatak sa isip ko ang itsura niya.

Halos hindi ko namalayan ang mga araw na nagdaan at ngayon lang ulit nagpakita si Thud pero ganoong itsura pa ang iniharap niya sa akin?

Ano ba talaga ang meron sa isang Thunder Clyborne Dierkshed?

Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang bigla kong maramdaman ang mainit na palad na humawak sa kamay ko kaya wala sa sariling napalingon ako sa katabi ko.

"Your silence is killing me. What are you thinking?" Bakas sa mga mata ni Thud ang pag-alala at saka ko lang napansin na huminto ang sasakyan niya sa isang convenience stor kung saan nangyari ang lahat ng pantatambang sa amin noon.

"T-Thud..." Nauutal na tawag ko sa kanya hanggang sa tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko. "K-Kasalanan ko lahat. Mula sa pagsabog ng wrangler ni Yakuji, ang pambubugbog kay Asher, ang paghampas ng bakal sa ulo nina Chris at Brix. Kasalanan ko lahat."

Tila isa akong bata na umatungla sa harapan ni Thud habang nasa loob kami ng kotse niya ang iyak ko ang namutawi sa loob ng sasakyan.

"Kasalanan ko lahat..." Sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari at doon ko lang naintindihan ang lahat na ako puntirya pero dinadaan nila sa mga taong malalapit sa akin.

Naramdaman ko na lang ang paghila sa akin ni Thud matapos niyang tanggalin ang seatbelt ko at kasalukuyan na akong nakaupo sa kanyang kandungan.

"Hush, don't say that. Wala kang kasalanan sa mga nangyayari." Pang-aalo ni Thud sa akin.

"P-Pero si Chris at Brix? H-Hindi pa rin sila nagigising. Dapat ba hindi ko na lang pinagsiksikan ang sarili ko sa LA University? Kina Yakuji at David? Sa Howl? At sa TCD Tech? Sa Fuse Flight Dementia? Do I deserve to be part of it?" Umiiyak na sambit ko na tila wala akong sa aking sarili.

"You deserve all of it. You don't have to blame yourself. I'm sorry if I am not around when the days you need me. I'm sorry." Nakayakap lang ang braso ni Thud sa bewang ko habang pinapakalma niya ako pero yung iyak ko ayaw pa ring tumigil.

Hinayaan lang ako ni Thud na umiyak sa balikat niya hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kandungan ni Thud at hindi alintana ang bigat ko habang siya ay nagmamaneho.

~~
"Paano ba 'yan? Mauuna na kami, Fumiko," paalam ng mga kaklase ko na sapilitan kong tinawagan para lang makapunta sa birthday party ko.

"Mag-iingat kayo." Nakangiting sambit ko naman.

Maging sina Kuya Jobert ay nagpaalam na din kasama sina Yakuji, David, Asher at Astaroth sa iisang van habang sina Aries at Bugoy naman ay nasa tabi ko habang kinakawayan namin ang mga kaibigan namin na papauwi na.

Sinundan namin ng tingin ang mga sasakyan nila hanggang sa mawala sila sa paningin namin. Bumaling naman ang tingin ko kay Bugoy at Aries.

"Akala ko hindi na kayo babalik, friendship over na sana tayo." Biro ko sa kanilang dalawa na siyang ikinatawa naman nila.

"Ang O.A mo Fumiko ha? Porket hindi kami bumalik sa celebration ng birthday party mo itatapon mo na kami?" Ganting biro naman ni Bugoy na tila may halong pagtatampo.

"Oo nga Fumiko. Itatanong ko pa man din sana kay Tita kung pwede ka nang ligawan."

"Gagu!"

Humagalpak na lang ng tawa si Bugoy at Aries.

"Yiiieh, dalaga na siya. Sino ba ang sasagutin mo kung liligawan ka nga ni Aries? Siya ba, si Yakuji o ako?" Nagtaas baba pa ang kilay ni Bugoy at nakatanggap naman ito ng pagsiko mula kay Aries.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon