FUMIKO'S POV:
--
NAKAUPO na ngayon si Thud sa tabi ko at bumalik kami sa paglalaro ng spin the bottle. Hawak-hawak ni Thud ang kamay ko at parang ayaw na niya itong bitawan."Mars, may nakikita ka ba na something?"
Umangat ang kaliwang kilay ko nang bumulong si Sav kay Sinji pero rinig naman naming lahat.
Tanging sina Kuya Calvin, Kuya Trev, Ate Alanis, Ate Iori, Saviel at Sinji ang naglalaro ng spin the bottle habang sina Kuya Aqueros, Kuya Senri, Kuya Reiden, Doc Gun at Rent ay nasa isang parte ng bon fire at nag-uusap usap ang mga ito na tila merong sariling mundo.
"Meron mars pero silent lang us," humagikhik pa si Sinji habang nakatingin sa gawi namin ni Thud na tila naaaliw ito.
Hindi ko alam kung makakaramdam ako ng hiya dahil sa tanong na ano nga ba ang meron sa aming dalawa ni Thunder Clyborne? Walang malinaw na relasyon na namamagitan sa aming dalawa at isa pa hindi naman nanligaw ang lalaki sa akin pero umamin siya dati na gusto niya ako.
"Mukhang hindi na makakawala, Sav. Sa tingin mo ginayuma niya si Fumiko?" ani naman ni Ate Kastiel at mukhang pinapatulan ang pang-aasar ni Sav at Sinji ss katabi ko na tahimik lang.
"Mukhang natuto na siya ng witch craft. Saan niya kaya natutunan 'yon?" panggagatong naman ni Ate Alanis at saka sila naghagikgikan na parang mga teenager.
"Fumi ko sa akin ka lang tumingin. Huwag mong pansinin ang mga bangaw sa paligid."
Bumaling ang atensyon ko kay Thud na ngayon ay nakanguso na. Tumigil na rin sa paglalaro sina Sav at mukhang trip nilang asarin ang binata.
"Wow? Feeling nagmamay-ari, wala namang label. Jusko, kaya hindi nagkakajowa kasi hindi nilalagyan ng label."
"Kulang sa seminar, mars." tatawa-tawang sambit ni Sinji.
Tumayo si Saviel mula sa kinauupuan nito at saka siya pumagitna sa amin dahilan para mapabitaw si Thud sa kamay ko nang itulak ito ni Saviel.
"Naku, Thunder Clyborne ligawan mo muna si Fumiko bago ka parang tuko kung dumikit sa kanya." Niyakap ni Sav ang braso ko at inilayo kay Thunder Clyborne at saka naman siya hinila nina Ate Kastiel palayo sa amin ni Sav.
"Aray! Ano ba!? Bitawan niyo nga ako." reklamo ni Thud pero nilamukos na siya ng mga babae na parang papel.
"Anakng! Binata ka na ah? Ang tanong tuli ka na ba?"
Hindi namin mapigilang matawa ni Sav sa naging tanong ni Ate Kastiel.
"Gusto mo pakitaan pa kita kahit nandito si Montenegro!?" naiiritang sabi ni Thud.
"Sus, kontento na ako sa asawa ko no. Parang dati pinagpapantasyahan mo ako, ah? Ligawan mo muna si Fumiko bago ka magyabang sa akin."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Ate Kastiel kaya naman napatingin ako kay Sav.
"Nabaliw dati si Thud kay Kastiel no'ng unang tapak ni Kasti sa HuPoFEL. You know past is past? Asawa na 'yan ni Montenegro at si Kasti ang naging misyon ni Thud sa Bhutan,"
Napatango na lang ako sa sinabi ni Sav. Hindi ko alam na naging misyon ni Thud si Ate Kastiel sa Bhutan, akala ko gumala lang siya doon at literal na importante pala ang pinuntahan niya.
"Bakit? Kayo ba niligawan ng mga asawa niyo? Hindi naman ah?" banat naman ni Thud na parang bata.
"Oy, niligawan ako ni Reiden no!" ani ni Ate Kastiel bago humalukipkip at pasalampak na naupo sa buhanginan.
"Ako hindi," ani ni Ate Alanis.
"Di rin ako." sagot naman ni Ate Iori.
"Same here." sabay na sagot naman ni Ernaline at Celyn.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...