Game 18: Twins

44 7 0
                                    

FUMIKO'S POV:

Tanghali na nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ko kaya naman nagpasya akong lumabas muna ng kwarto. Katahimikan ang siyang bumungad sa akin nang bumaba ako nang hagdan at tanging ang nakabukas na computer set ang siyang bumungad sa akin.

"Mukhang hindi pa rin nakakauwi sina Yakuji?" Bulong ko sa aking sarili at nagkibit-balikat bago pumunta ng kusina.

Hinalughog ko ang ref at cup board para maghanap ng pagkain at mukhang kompleto naman ang gamit rito. Magluluto na lang siguro ako ng chicken adobo para sa lunch ko.

Una kong ginawa ay ang pagsaing ng kanin bago ko sinimulang ihanda ang mga rekado na kailangan ko. Mukhang mapapasabak ako sa pagluluto rito dahil wala naman kaming ibang kasama bukod sa aming lima.

Ni hindi ko pala naitanong kay Yakuji kung ano ang magiging sistema namin habang nasa boot camp ako at nag-aaral. Ngayon pa lang parang napi-pressure na ako kahit hindi pa man nagsisimula ang pasukan at ang kompetisyon na sasalihan namin. Nai-excite na kinakabahan ako sa tuwing naiisip ko na sasabak ako sa international competition.

Kung dati sa t.v ko at youtube ko lang napapanuod ang ganoong kompetisyon, ngayon naman ay ako na mismo ang makakasaksi ng naturang palaro.

Ang e-sports ang siyang naging mundo ko noong tumuntong ako ng high school at tuwing bakasyon, naging tambayan ko ang computer shop ni Kuya Brent. Kaya nga minsan naiinis si Mama dahil lagi akong wala sa bahay. Imbes na tulungan siya sa gawain at magtinda ng kakanin, naroon ako kila Kuya Brent naglalaro ng computer games buong maghapon.

Hindi lang naman pagwawaldas ng pera ang ginagawa ko dahil malaki rin ang naitutulong ng computer games sa akin kapag may pustahang nagaganap. Walang sinuman ang nakakatalo sa akin sa computer shop ni Kuya Brent kaya bentang-benta yun nang dahil sa akin.

At dahil sa pagiging consistent ko bilang manlalaro, marami akong nakikilalang bagong kaibigan at isa na roon ang dahilan kung bakit ako sinama ni Bugoy at Aries noong nakaraang inter baranggay mobile game competition.

Nang matapos akong magluto, agad kong inihain sa mesa ang ulam at kanin at tahimik akong kumain. Siguro masasanay na lang ako na maging mag-isa rito sa boot camp dahil tiyak na abala sina Yakuji, David, Asher at Astaroth.

Pagkatapos kong kumain, agad akong pumunta sa sala at nilapitan ang computer set. Meron itong limang monitor at limang gaming chair na sa tingin ko inihanda talaga para sa amin. Ang isa roon ay kulay red samantalang ang iba ay purong itim ang kulay. Pinili ko ang gaming chair na kulay red at doon ako umupo sa gitnang bahagi kung saan nakalagay ang computer set.

Agad kong ginalaw ang mouse at tumambad sa akin ang logo ng Howl at TCD Tech. Nakakamangha dahil maraming laro ang naka-install sa PC pero nangunguna roon ang isang pamilyar na mobile game at Fuse Flight na pagmamay-ari ng TCD Tech, maging ang DOTA at Call of Duty na hanggang ngayon ay sikat pa rin para sa tulad naming manlalaro ay naroon sa PC.

Agad akong nag-log in sa social media account ko at komonekta sa live broadcast ng page na siyang mina-manage ko. Wala akong facebook, twitter o I.G dahil hindi naman ako mahilig doon. Kontento na ako sa what'sapp at skype bilang means of communication.

Nang masiguro kong nagsisimula na ang live broadcast ko, agad akong naglaro at hindi alintana ang katahimikan ng paligid ko. Sinuot ko ang isang pulang headphone at doon tumutok sa laro.

Lumipas ang mga oras na abala ako sa paglalaro at nagbabasa rin ng comments pero hindi ko naman isinasaboses. Hinahayaan ko lang sila na tadtarin ng comments ang live broadcast ko. Naka-off rin pala ang camera ko at tanging nakikita lang nila ay ang laro ko.

"Oh, you're already enjoying your time here inside the boot camp?"

Napaigtad ako nang may humawak sa balikat ko at marahas kong nilingon kung sino 'yun at tumambad sa akin ang bulto ni Asher at Astaroth.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon