Game 38: Fumiya

33 3 0
                                    

FUMIYA'S POV:

--
"SIGURADO ka ba Pa na gusto mo siyang manatili muna dito sa bahay ngayong araw?" Usisa ko kay Papa habang nasa bakuran kami ng bahay. Magtatanghali pa lang pero hindi na lumabas si Fumiko sa kwarto niya kasama si Thunder.

Thunder and I knows each other and he also knows my secret about taking care of Tina. Nagkanda-letse-letse lang dahil sa ginawa ng babaeng 'yon sa kapatid ko. She's targeting Fumiko and Tina didn't bear a child of mine or even Thanos.

Isa si Tina sa mga hired gun man ng kalaban ng Yamamoto kaya nga pinili ni Papa na manirahan dito sa Pilipinas para ilayo si Fumiko kaso nasundan pa rin kami. Ang alam ni Fumiko walang komunikasyon si Papa sa pamilya nito sa Japan. Our family is somewhat connected to a Yakuza called Hyakki that own and manage by the Morimoto Clan. Bukod sa Morimoto at Yamamoto, ang Hyuga Clan ang isa sa pinakamakapangyarihang yakuza sa Japan.

"Yeah. I know he can protect her more than we protected your sister. Hindi biro ang kinabibilangan ni Tina at hindi tayo basta-basta makakagawa ng hakbang. Hanggat hindi nila naililigpit si Fumiko, hindi sila matatahimik."

"Bakit hindi na lang tayo humingi ng tulong sa grupo ni Thunder, Pa? Lalo na sa Boss niya?"

Napabuga ng hangin si Papa at napatingin sa kawalan. "I already did that, son. And the least thing he do was appointing Thunder to keep an eye of your sister dahil yon ang trabaho nila."

"Anong ibig mong sabihin, Pa?" Naguguluhang tanong ko.

Alam kong anak-mayaman si Thunder Clyborne dahil halata naman yon sa kilos at pananalita niya pero meron siyang aura na hindi ko mapangalanan.

"Kung ang yakuza ang kinatatakutan at tinuturing na sindikato o mafia sa Japan. Dito sa Pilipinas, ang Bloodfist mafia ang kinatatakutan o sa buong mundo. Isa si Thunder sa galamay ng Bloodfist at sa anino lang sila nagtatrabaho. Kaunti lang ang nakakaalam kung sino ang mga tao sa likod ng Bloodfist anak at yon ang mas ikinanababahala ng lahat dahil walang nakakakilala sa totoong katauhan ng Bloodfist mafia. But since Aqueros and I meet in face to face, I must say he's a living destruction. He can destroy someone's life in just a snap of his fingers but he's still hiding under the shadows of his surname."

"Ano na ang magiging plano natin?"

Nagkibit-balikat si Papa. "Since Tina is not here anymore, maybe you should keep your act in place. Hindi dapat malaman ni Fumiko ang ginagawa natin lalo na ng Mama mo."

"Bakit?"

Napatitig sa akin si Dad. "Your Mom was once a Dierkshed but she choose to leave that luxurious life and be with me, with you and Fumiko at mukhang yon din ang ginagawa ni Thunder. Hindi lingid sa kalaaman namin ng Mama mo na pinalayas si Thunder ng sarili niyang angkan o ang tinatawag nilang main branch. Kung sa Japan ay Clan ang tinatawag, sa Dierkshed, branch ang tawag."

"Bakit naman nila paaalisin si Thunder kung isa siya sa tagapag-mana nila?" Naguguluhang usisa ko.

"Thunder didn't agree how they live inside that mansion. Dierkshed's empire is known as a heartless assassins inside the society. Wala silang sinasanto at sarili lang nila ang sinusunod. Kahit namumuno ang Bloodfist sa underground society, hindi sila naniniwala na meron tao sa likod ng organisasyon ng Bloodfist. Pinipilit nilang paniwalain ang kanilang sarili na kathang-isip lang ang mafia na kinabibilangan ni Thunder."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Dad. Kung isa si Thunder sa kinatatakutang nilalang sa underground society, bakit mas pinili niyang maging normal na tao? At ngayong ko lang naunawaan kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa presensya ni Thunder ay dahil isa siyang Dierkshed.

Papa patted his hands on my shoulders the reason why I snap back into reality. "Ang mabuti pa tignan mo na lang si Fumiko sa kwarto niya. Kung natutulog hayaan mo na."

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon