FUMIKO'S POV:
--
KABADO ako habang tinatahak ang daan patungo sa auditorium kung saan gaganapin ang orientation. Maraming estudyante rin ang mga nakakasabay ko at halos pinagtitinginan nila ako na para bang isa akong insekto na naliligaw sa kanilang teritoryo.Nakasuot lang kasi ako ng isang simpleng floral dress na pinagpilitan ni Mama na ipasuot sa akin dahil hindi naman uso ang uniform sa mga I.T students na tulad ko kaya naman malaya akong suotin ang gusto ko. Ang kaso nga lang, ayaw ni Mama na shirt and pants lang ang isuot ko ngayong orientation. As if naman sasalang ako sa personality and appearance check diba?
Minsan mapapaisip na lang ako kung labag ba talaga sa loob ni Mama na mag-aral ako sa L.A University o nakikisabay na lang talaga siya sa trip ko sa buhay?
Saglit akong napahinto sa gitna nang hallway dahil ayokong makipag-gitgitan sa mga estudyanteng tulad ko. Mayayaman pa man din sila at syempre hindi ako nababagay na makihalubilo lalo na't scholar lang ako.
"Fumiko?"
Napalingon ako sa likuran ko at ganun na lamang ang gulat ko nang makita sina David at Yakuji. Siyam silang magkakasama at namukhaan ko ang isa na nakita ko sa garden noong isang araw kaya naman ang kaba na nararamdaman ko mula pa kanina ay napalitan ng gulat at pagkahiya.
"H-Hi. Aattend kayo ng orientation?" Lakas loob na tanong ko nang lumapit sila sa akin. Samantalang ang mga estudyante na nasa hallway ay nagmamadaling naglakad patungo sa auditorium.
"We are oblige to attend to since we are also a student here. Where's Aries and Bugoy?" Ani ni Yakuji.
"Hindi ko sila kasama eh." Nakangiwing sambit ko.
Ang presensya kasi ng mga kasama nina David at Yakuji ay talaga namang agaw-pansin. Tila napapalibutan sila ng isang misteryosong aura sa paligid at tila kinatatakutan ang kanilang grupo.
"Wanna join us?" Anyaya pa ni Yakuji.
"O-Okay lang ba? Baka makaisturbo ako sa inyo." Nahihiyang sagot ko.
Nakatingin lang naman kasi sa akin ang mga kasama ni David at Yakuji na parang inoobserbahan nila ako at mukhang napansin yun ng dalawa.
"Oh right. Let me introduce them to you. This is Andrew." Pakilala ni Yakuji na nasa tabi no'ng lalaking nakilala ko sa garden.
"This is Cold." Turo naman ni David sa lalaking nakilala ko sa garden. Cold pala ang pangalan niya kaya ganun ang pakikitungo niya sa akin.
"This is Griffin. He's a car racer." Mukhang may lahing British.
"This is Asher."
"And this is Astaroth. They are twins" Mukhang Koreano at saka ko lang napansin na magkamukha nga sila.
"This is Ruax. He's a car racer under the RDM Speed with Griffin." Mukhang Chinese naman ang isang ito.
"And last but not the least, this is Sytry. He's also working under the RDM Speed. And dude, her name is Fumiko. We meet her when we entered a mobile game competition."
Isa-isa nila akong kinamayan pero nahigit ko ang sarili kong hininga nang tumapat sa akin si Cold at nakapamulsa itong tinitigan ako ng malamig katulad ng pangalan niya.
"We meet again, Fumiko." Aniya na siyang ikinangiwi ko dahil ramdam ko yung lamig sa bawat katagang binibitawan niya.
"You know her, Cold?" Nagtatakang usisa naman ni David.
"She's the one who disturbed my sleep when I was taking my time at the garden. Anyway, welcome to L.A University." Aniya bago inilapat ang kanyang palad sa ibabaw ng ulo ko na parang isa akong aso.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...