Game 43: Klasmeyt

50 4 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
KINABUKASAN, pagbaba ko mula sa aking kwarto, nadatnan ko ang mga kasama ko sa boot camp sa kusina na kumakain. Si Yakuji ay nakasuot pa ng itim na apron at katulong nito si David sa paghahanda ng pagkain.

"Good morning, anong meron?" Usisa ko bago ako naupo sa bakanteng silya na nasa tabi ni Asher na abala na sa pagsubo ng pagkain. Mukha talaga siyang bata habang ang kakambal nito na nasa tapat niya lang ay tahimik na nagbabasa ng kung anong article sa ipad nito.

"Just a normal day for us since we don't have any schedule for the pro league." Sagot ni Asher sa akin habang puno ng pagkain ang bibig nito.

"Ya! Don't talk while your mouth is full." Saway naman ni Astaroth sa kakambal niya. Ngayon lang namin siya nakasama at mukhang walang balak na mag-out of town ulit.

"Mind your own business, Asta," sagot naman ni Asher matapos nitong lunukin ang kinakain.

Noong una nalito pa ako sa kanila kung sino si Asher at Astaroth pero kalaunan nasanay na ako sa presensya ni Asher kaya madali ko na lang silang makilala lalo na't malambing na nilalang si Asher.

Hotdogs, ham, tocino, sinangag at sandwich clubhouse ang siyang nasa harapan namin ngayon kaya naman agad akong kumuha ng sinangag at inilagay 'yon sa plato ko at ilang piraso ng ulam.

Ito ang unang beses na nagkasama-sama kami sa hapag kainan at tama nga sila, normal days for us bago makipagbalagbagan ng laban sa pro-league.

Akmang isusubo ko na ang pagkain ko nang may maalala ako kaya naman napatingin ako kay David nang maupo ito sa tabi ko at kumuha ng sarili niyang pagkain.

"Na saan nga pala si Thud?" usisa ko.

"He's in Iceland right now." Mabilis na sagot ni David.

"Iceland? Ano naman ang ginagawa niya doon?" Dugtong na tanong ko pa at saka pinagpatuloy ang pagkain ko at ganun din ang ginawa ni David.

"He's a busy man, Fumiko and expect him in an unexpected places." Sagot naman ni Yakuji bago ito naupo sa tabi ni Astaroth at saka kumuha ng pagkain.

Nagkibit-balikat na lang ako at saka pinagtuunan ng pansin ang pagkain ko. Baka sabihin nila namimiss ko agad si Thud kahit na magkasama lang kami kahapon which is not true lalo na't may kasalanan ako kay Thud para mamiss ko siya ng ganito kaaga.

Nang matapos akong kumain, agad kong dinala sa lababo ang platong pinagkainan ko at akmang huhugasan ko na 'yon nang biglang mawala sa kamay ko ang sponge at plato.

"Ako na. Madudumihan ka pa." Biglang sulpot ni Asher sa tabi ko. "May pasok ka ngayon diba? Sabay na lang kayo ni Yakuji papuntang school."

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang si Asher kaya naman napatingin ako kay Yakuji at sakto namang tapos na din ito. After our Indonesia tour na may konting laro, balik reyalidad ulit kami kung saan isa kaming estudyante pero hindi naman mukhang estudyante ang mga kasama ko dahil mayayaman sila.

"Let's go, Fumiko," anyaya sa akin ni Yakuji kaya naman sumunod na ako dito palabas ng kusina hanggang sa labas ng bahay.

Isang itim na wrangler jeep ang bumungad sa amin at kumikintab pa ito mula sa sikat ng araw.

"Bago yata ang sasakyan mo?" Usisa ko kay Yakuji nang pagbuksan niya ako ng pinto nitong wrangler na nasa harapan namin.

"Nah. One of our friends owns it and she wanted us to try this thing." Aniya.

She? Meaning babae.

Mukhang maraming kaibigan ang isang Yekun Akuji Finnegan at hindi lang halata.

Nang makasakay si Yakuji, agad nitong pinaandar ang sasakyang papuntang L.A University. Smooth lang naman ang byahe kaya mabilis kaming nakarating sa school kaya nang maiparada ni Yakuji ang sasakyan agad akong bumaba.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon