FUMIKO'S POV:
--
SA Central Jakarta kami pumunta para maliwaliw bago kami umuwi ng Pilipinas. Central Jakarta (Indonesian: Jakarta Pusat) is one of the five administrative cities (kota administrasi) and de facto Capital City of the Special Capital Region of Jakarta.Maraming magagandang tanawin ang sumalubong sa amin at ang mga taong abala sa kani-kanilang gawain.
"So, where should we start?" Ani ni Aries.
Umangat ang isang kilay ko nang makita ang kanyang itsura. Aries is wearing a red checkered long sleeve na tinupi ang manggas hanggang sa siko nito, itim na pantalon, at sapatos. Nakasuot rin ito ng sunspecs and his hair brushed up as if he's having a shoot in Holywood or something.
Maging ang mga kasamahan ko ay todo porma kaya naman agaw pansin ang grupo namin. Sino nga bang mag-aakala na pro-player ang mga kasama ko at kasapi ng isang malaking kompanya?
"Mag-ikot-ikot na lang siguro tayo then you can decide if you want to buy something. Ako na ang bahalang magbayad." Sambit ni Kuya Chase na siyang ikinangisi naming tatlo nina Bugoy at Aries.
Mukhang sagot ng TCD Tech ang expenses namin maging sa pagbili ng pasalubong.
Napagdesisyonan naming pumasok sa isang botique na mga bilihan ng mga damit at pawang windor shop lang ang ginawa namin. Hindi naman ako gaanong mahilig sa damit kaso balak kong bilihan si Kuya ng suit.
"You like that one?" Napalingon ako sa likuran ko habang sinisipat ang three piece suit at nakita ko si Yakuji na lumapit sa akin.
"I was thinking if I can buy this and give it to my older brother. Nagdadalawang-isip kasi ako sa presyo, eh." Nahihiyang sambit ko.
"I know where you can buy a cheap one but in good and high quality products."
"Talaga?" Excited na sambit ko.
Ibinalik ko sa rack ang suit na hawak ko at inaya si Yakuji patungo sa isang shop na sinasabi niya at namangha ko nang makitang affordable nga ang mga damit doon. Parang ukay-ukay lang din kung tawagin natin sa Pilipinas pero dekalidad naman ang produkto.
"Woah! Ang lambot ng tela at mukhang hindi siya mainit sa balat." Wika ko habang sinisipat ang bawat suit na nasa harapan ko.
"Feel free to choose whatever you want. It's on Chase."
Natawa ako sa sinabi ni Yakuji. Akala ko ililibre niya ako yun pala si Kuya Chase ang magbabayad.
Tinanguhan ko na lang ito at saka ako naglibot sa shop. Tatlong pares ng suit ang kinuha ko, dalawa kay Kuya at isa kay PaPa. May mga nakita din akong jeans at shirt na para sa akin at ilang damit para kay Mama.
Bumalik ako sa pwesto ni Yakuji at napatingin ito sa kumpol ng damit na hawak ko.
"Is that all you need?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo. Bakit? Madami naman na ito." Sabi ko at saka sinipat ang hawak kong damit.
"Ikaw ang bahala. We can buy the entire store if we want to."
Nahampas ko ang braso si Yakuji. "Hoy! Huwag mo ngang alisan ng business ang may-ari nito. Okay na sa akin ang ganito, hindi naman materyalistik na tao ang pamilya ko. Konting pasalubong lang masaya na sila."
Nagkibit-balikat si Yakuji. "Your choice."
Agad kaming bumalik kung saan namin iniwan sina Kuya Chase at nagulat ako nang kami lang tatlo ang may bitbit na mga pinamili.
"Bakit wala kayong dala?" Usisa ko kina Ate Mika at Ate Alessa.
Ngumiti sila sa akin. "Bumili na kami ng make-up kahapon, 'yon lang naman ang dinayo namin dito." Ani ni Ate Mika.

BINABASA MO ANG
Clever Game
Romansa[BLOODFIST SERIES 7] Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing her...