Game 10: Prize

92 6 0
                                        

FUMIKO'S POV:

--
"MA! Ma! Nanalo kami!" Sigaw ko habang papasok ako sa bahay namin dala-dala ang certificate and envelope na naglalaman ng scholarship ko.

Alas otso na ng gabi nang makauwi ako at walang mapaglagyan ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. Sumalubong sa akin ang namamagang mga mata ni Kuya na parang galing siya sa pag-iyak. Kaya naman nagtataka akong tinignan ito.

"A-anong nangyari sayo?" Usisa ko kay Kuya Fumiya at siya namang paglabas ni Mama mula sa kusina at seryoso lang ang mukha nito.

"Umakyat ka na muna sa kwarto mo, anak." Utos nito kay Kuya na agad namang tumalima at parang robot na naglakad paakyat ng hagdan.

"Anong nangyari kay Kuya, Ma?"

Bumuntong-hininga si Mama. "Si Ate Tina mo, hindi ang Kuya mo ang Ama ng dinadala niya. Pumunta rito kanina ang lalaki at sinasabi niyang kukunin niya si Tina. Ang batang 'yon ipinaubaya sa Kuya mo ang hindi naman niya anak. Peke rin ang naganap na kasalan sa pagitan nilang dalawa dahil sa kagagawan ni Tina."

Hindi ko alam kung lalapitan ko si Kuya o sasabunutan ko si Tina. Kaya pala mabigat ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang umbok niyang tyan kasi hindi naman pala si Kuya ang Ama ng anak niya.

Nagpaalam ako kay Mama na pupunta muna ako sa kwarto ko at nadatnan ko si Kuya na nakahiga sa kama ko. Akala ko nasa loob ito ng kanyang kwarto. Inilapag ko muna sa study table ang certificate at scholarship ko bago ako sumampa sa kama.

"Kuya," tawag ko rito.

"Let me stay here, baby sister." Nagpipigil ng iyak si Kuya pero hindi no'n maikakaila ang sakit na nararamdaman niya. Gwapo naman ang Kuya ko pero nagawa siyang lokohin ni Ate Tina.

Nakatalikod sa gawi ko si Kuya at humiga ako sa tabi niya at saka ko siya niyakap. Nang maramdaman niya ang braso kong pumalibot sa kanyang bewang, humarap sa akin si Kuya at niyakap ako ng mahigpit hanggang sa umalog ang kanyang balikat at tuluyang umiyak. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin dahil hindi biro ang nararamdaman niya ngayon. Wala siyang ibang masasandalan kundi ang pamilya niya lang.

May pagtatampo ako kay Kuya pero iwinaksi ko muna 'yon dahil mas kailangan niya kaming pamilya niya. Noong una pa lang ay tutol na talaga ako sa relasyon nilang dalawa ni Tina at wala akong tiwala sa babaeng yun.

"Iiyak mo lang, Kuya. Hindi naman kabawasan sa pagiging lalaki ang maging iyakin. Sinabi ko na sa'yo noon na ayoko sa Tina na 'yon kaso nakikita kong masaya ka sa kanya kaya hinayaan kitang makasal sa kanya."

"Akala ko mahal niya rin ako pero nagkamali ako. Siguro nga tama yung mga kasabihan noon tungkol sa kanya at akala ko nagbago na siya. Si Aaron na anak ni Mayor ang totoong Ama ng batang dinadala ni Tina at pumunta siya rito kanina at pwersahang kinuha si Tina. Iniwan niya rin sa akin ang mga papeles na peke lang ang kasal na nangyari sa amin ni Tina kaya wala na akong nagawa para pigilan pa sila. Ano namang laban ko doon kay Aaron diba? Anak-mayaman siya at politiko ang kanyang Ama." Umiiyak na sambit ni Kuya.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa hikbi na pinapakawalan ni Kuya. Kahit nag-aaway kaming dalawa, never ko siyang nakitang umiyak kahit noong mga bata pa kami. Siya ang nagpoprotekta at nagtatanggol sa akin sa tuwing may umaaway sa akin pero nang dahil sa babaeng minahal niya, lumabas ang kahinaan ng isang Fumiya Yamamoto.

Hinimas ko ang likod ni Kuya para kumalma siya ng kaunti at ilang minuto ang nakalipas nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko at narinig ko ang boses ni Papa.

"Bukas 'yan Pa." Sigaw ko bago ako humiwalay ng yakap kay Kuya at umupo ako sa kama habang si Kuya ay padapang nahiga sa tabi ko na parang ayaw niyang makita siya ng magulang namin na umiiyak.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon